Ch. 1.2

4.9K 121 3
                                    

SINULYAPAN ni Lancer ang wristwatch, ala-una pa lang ng hapon.  Kung isasama niya ang traffic, pagdating ng alas-tres ay nasa hotel na siya na tutuluyan.  May time pa siya para muling i-review ang mga papeles na may kinalaman sa bago niyang assignment.  Si Alexei Markov, na kilala sa taguring Hawkeye.  'Yon ang ibinansag dito ng Interpol dahil sa kakaiba nitong galing bilang isang sniper.  Ayon sa mga bali-balita, nagagawa pa rin nitong patamaan ang target nito kahit na isang kilometro pa ang layo no'n dito.

Hawkeye was a paid assassin who's wanted in seven different countries.  Karamihan sa mga 'yon ay mga bansa sa Europa.  He's been active for the past eight years but no one has been close enough on catching him.  Maging ang FBI, CIA, o Interpol ay hindi pa sinuswerte na makakuha ng lead sa pamosong sniper.  The most they had on him were blurred snnipets of his face taken accidentally by CCTV cameras.  Kaya naman wala pa talagang nakakaalam ng tunay nitong itsura.  Making it much harder to catch him.

Si Lancer Townsend ay isang agent na nagtatrabaho sa ilalim ng Secret Intelligence Service na mas kilala sa tawag na MI6.  It's a British intelligence agency which supplies the British Government with foreign intelligence.  Kung pamilyar kayo sa mga pelikula ni James Bond, then you would know that he's an MI6 agent.  Although being an MI6 agent in real life was a lot less fancier than in the movies.  Walang mga over the top high tech gadgets, binibigyan lang sila ng mga gamit na makakatulong sa kung anumang operasyon na ginagawa nila.  Certainly there are no dramas involving women, na ipinagpapasalamat naman niya.  And of course, they never really have a 'license to kill'.

Ang tanging trabaho ng mga agent na kagaya niya ay mangolekta ng mga secret intelligence at magsagawa ng mga covert operation para suportahan ang layunin ng British Government.  Nangongolekta sila ng mga impormasyon na maaaring makaapekto sa kanilang bansa.  Kaya nga simula nang magkapangalan si Hawkeye ay may naka-assign nang agent na nangangalap ng impormasyon patungkol sa assassin dahil na rin sa penchant nito na mag-assassinate ng mga European leaders.  Hindi naman maaari na maghintay na lang sila hangga't dumating yung araw na ang pinuno na ng kanilang bansa ang target-in nito.

Limang buwan na ang nakakalipas ay binigay sa kanya ng chief nila ang files ni Hawkeye.  Nag-retire na kasi ang agent na naka-assign sa case ng sniper.  Siya ang ni-recommend ng agent na 'yon, who happened to be his supervising officer noong nag-te-training pa lamang siya.  At ngayon nga ay siya na ang may hawak sa case file ni Hawkeye.  Na masasabi niyang isa sa pinakamalaking kaso na nahawakan niya sa walong taon niyang pagiging MI6 agent.

Simula noon ay sinundan na niya ang lahat ng activity na sa tingin niya ay may kinalaman kay Hawkeye.  And three weeks ago, he received an information from a very reliable source na ang susunod na target ng assassin ay ang prinsipe ng isang maliit na island nation sa Europe.  Prince Ross of Elestia.  Wala na siyang oras para kumpirmahin kung totoo ang impormasyon na natanggap niya dahil nalaman niya na pupunta ngayon dito sa Pilipinas ang prinsipe para sa isang diplomatic visit. 

He immediately made travel arrangements para pumunta dito sa Pilipinas.  Nangalap na rin siya ng impormasyon patungkol sa schedule ng prinsipe habang nandito ito sa bansa.  Kailangan niyang maging handa just in case na totoo nga ang impormasyon na nakuha niya tungkol sa balak na pag-a-assassinate dito ni Hawkeye.  Sisiguraduhin niya na mabibigyan na niya ng mukha ang pamosong sniper.  Bukod pa do'n, kailangan din niyang bigyan ng babala ang security details ng prinsipe. 

Mas maganda sana kung mahuhuli ng mga ito sa akto ang assassin, pero alam niyang imposibleng mangyari 'yon.  Kung pwede lang na siya na ang umaresto sa sniper ay gagawin niya talaga.  But the problem was, an agent like him is prohibited in making contact.  Dahil kagaya nga ng nabanggit na niya, ang trabaho lang nila ay mangalap ng impormasyon.

Sa kanyang paglalakad palabas ng airport, hindi niya napansin ang isang babae na nasa unahan niya.  Dahilan tuloy para mabangga niya ito.  "Watch it," wika niya.

Ipagpapatuloy na sana niya ang paglalakad nang bigla na lang siyang tawagin ng babae.  "Hey, wala ka man lang bang balak na tulungan ako? After all, you're the one who bumped into me."

Nilingon niya ito at noon lang niya napansin ang itsura nito.  Hindi niya maintindihan pero hindi niya napigilan na i-assess ang lahat ng nakikita niya sa babae.  She was tall, definitely five feet and eight inches.  She's probably in her mid twenties.  Her hair was short and bleached blond.  Her marble black eyes were slanted like that of a cat's.  Sa tingin niya ay hindi ito yung tipo ng babae na mahilig sa mga bagay na gusto ng mga normal na babae.  She's definitely one of those unconventinal women, base na rin sa nakikita niyang napakadaming piercings sa teynga nito at sa paraan ng pananamit nito.  Nakasuot ito ng butas-butas na pantalon at fitted caumoflage shirt.

But one thing's for sure, she's definitely pretty.  Muntikan na siyang mapamura.  Where the heck did that come from?  At kailan pa siya nagkaro'n ng pakialam sa itsura ng ibang tao?  "Why should I?  You're the one standing there, daydreaming like an idiot.  Hindi ko na kasalanan kung nabangga man kita," inis na wika niya, more annoyed on himself than on the woman in front of him. 

Bago pa ito makapagsalita ay iniwan na niya ito.  Pero hindi pa man siya nakakalayo ay may bigla sumipa sa maletang dala-dala niya.  Dahil hindi naman niya inaasahan na may kung sinong baliw na maninipa sa maleta niya, nabitawan niya 'yon at nagpagulung-gulong palayo sa kanya.  Bumukas 'yon at tumilapon ang mga laman, kasama na ang ilan sa mga importante niyang papeles.  Hindi na siya nag-aksaya ng oras at dali-dali niyang dinampot ang mga 'yon.

Nasa kalagitnaan na siya nang pagbabalik ng mga papeles sa maleta niya when a pair of snickers came into his line of vision.  Tumingala siya at nakita ang babaeng nakabangga niya kanina.  She was smirking while looking down on him and he knew without a shred of doubt na ito ang sumipa sa maleta niya.  Bigla ang pag-ahon ng matinding pagkainis at galit sa kanya.

"Bitch," halos paangil na niyang wika dito.

Hindi naman ito naapektuhan sa galit na halatang maririnig ng kahit na sino sa tinig niya.  Sa halip ay nginisian pa siya nito.  "Right back at you, asshole," wika nito and flipped her middle finger at him.  Pagkawika no'n ay iniwan na siya nito.

Ngali-ngali naman niyang sundan ang babae para sakalin.  It took all his willpower para lang hindi gawin ang iniisip.  He never felt so annoyed in his entire life, ngayon lang.  And that's already an amazing feat, considering na kilala siya sa pagkakaroon ng matinding self-control.  Paulit-ulit siyang huminga ng malalim para lang mapakalma ang sarili.  At nang sigurado siya na hindi na niya susundan ang babae ay saka pa lang siya tumayo.

He just hoped to God na hindi na muli pang magku-krus ang lasdas nila ng babaeng 'yon.  Dahil kung hindi, baka tuluyan na niya itong masakal sa sunod nilang pagkikita.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon