PINAGPAGAN ni Renz ang kamay nang mailagay niya sa buhanginan ang huling piraso ng bato na bumubuo sa SOS sign na ginawa nila kahapon ni Lancer. Nasira kasi ang ilang bahagi no'n dahil sa high tide kagabi. Mabuti na nga lamang at hindi umabot ang alon sa lugar na tinutulugan nila. Nilingon niya ang tinulugan nila kagabi, gawa 'yon mula sa pinagpatong-patong na mga dahon ng saging. They even made a makeshift roof just in case na biglang umulan.
Kagaya nung nagdaang gabi, natulog sila na magkatabi ni Lancer. Wala naman kasi silang magagawa dahil sobrang lamig talaga pagdating ng bagi. They can either sleep together or freeze to death. Hindi siya gaanong nag-alangan na tumabi ditong matulog sa kabila ng insidente na nangyari kahapon ng umaga na may kinalaman sa 'morning wood' nito. May tiwala naman kasi siya na hindi ito yung tipo na mag-te-take advantage sa sitwasyon nila. He's too honorable for that.
Because even though he had been a jerk to her that first time they met, masasabi niya ngayon ng may kasiguraduhan na isa itong mabuting tao. Sa loob kasi ng dalawang araw na magkasama sila, wala itong ibang ipinakita sa kanya kundi kabutihan. Even though he always masked it with irritation and gruffness. Lagi itong umaarte na parang napipilitan lang sa ginagawa, but she knew otherwise.
Isang magandang halimbawa do'n ang paglalanggas nito sa sugat niya kahapon. Habang nangunguha sila ng mga makakaing prutas, hindi niya napansin na naghahanap din pala ito ng mga halamang gamot na pwedeng ipanlinis sa sugat niya. Nang bumalik sila sa dalampasigan, sa kabila ng pagtanggi niya ay pilit pa rin nitong nilinis ang sugat sa braso niya. He kept on complaining while doing it and yet his hands were very gentle on her. Sapat na 'yon para maramdaman niya na nag-aalala lang ito sa kanya.
Sa katunayan nga, kahit na hindi nito pinapahalata, alam niyang ginagawa nito ang lahat para maging madali sa kanya ang pananatili nila dito sa isla. Hindi naman siya gano'n kamanhid para hindi 'yon mahalata. Bago pa niya sabihin na nilalamig siya ay nakapagsindi na agad ito ng apoy. At bago pa man siya makaramdam ng gutom ay kumukuha na agad ito ng makakain nila. Hindi tuloy niya mapigilan na maging panatag. Alam niya na hanggang sa magkasama sila ng binata ay wala siyang dapat ipag-alala. Dahil hindi siya nito pababayaan. Kahit pa nga ba wala naman silang kaalam-alam patungkol sa isa't-isa.
Beside the fact that he was British at kayang-kaya nitong mag-survive sa isang uninhabited island, wala na siyang alam pa tungkol dito. Iniisip nga niya na baka isa itong forest ranger dahil sa galing ng survival skills nito. He knew how to start a fire just by using a flint, wala lang dito ang umakyat sa mga matatayog na puno, marunong itong manghuli ng isda gamit lamang ang sibat na ginawa nito. Sa katunayan nga, isda ang hapunan nila kagabi at umagahan nila kanina. Pero kung isa nga itong forest ranger, then what was he doing at the cruise ship?
Napabuntung-hininga na lang siya. Bakit pa nga ba niya kailangang manghula kung sino ito, kung ano ang trabaho nito. at kung bakit nando'n ito sa cruise ship gayong pwede naman niyang itanong ang mga 'yon mismo dito? Tama, tatanungin na lang niya ito pagbalik nito. Kasalukuyan kasing nililibot ni Lancer ang kagubatan. Naghahanap ito ng malinis na tubig na pwede nilang inumin. Pulos sabaw ng buko kasi ang iniinom nila simula pa kahapon.
Gusto niya sanang sumama dito pero hindi na ito pumayag. Kailangan daw kasi na may isang manatili sa dalampasigan just in case na may dumaan na sasakyang pandagat. May punto naman ito kaya hindi na siya nakipagtalo pa. Pagkatapos nilang kumain ng umagahan ay umalis na ito. Mataas na ang sikat ng araw pero hindi pa rin ito bumabalik. Wala naman sigurong masamang nangyari dito. Hindi kasi niya mapigilang makaramdam ng pag-aalala.
Napailing siya. The guy was definitely growing on her if she's already worrying about him. Hindi naman siguro maiiwasan 'yon considering na silang dalawa lang ang nandito sa walang katao-taong isla na 'to. Pero alam niyang hindi lang 'yon ang dahilan. She's starting to like him. At hindi siya sigurado kung magandang bagay ba 'yon. Pero mabuti man 'yon o masamang bagay, tiyak niya na magdudulot lang 'yon ng problema sa kanya sa hinaharap. Kaya mas makakabuti kung hindi na lang niya 'yon bibigyan ng pansin.
BINABASA MO ANG
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)
Short StoryDahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipin...