Ch. 3.2

3.5K 96 1
                                    

NAPAKABIGAT ng pakiramdam ni Renz, para bang may dalawang malalaking bato ang nakapatong sa mga mata niya.  Pero kahit gano'n ay pilit pa rin niyang iminulat ang mga mata.  Ang unang bumungad sa kanya ay ang kulay kahel na langit.  It's how the sky looked like when the sun was setting.  Hindi niya magawang isipin kung bakit gano'n ang tanawin na nakikita niya.  Hanggang sa maramdaman niya ang pagkirot ng kanang braso niya.

Then everything came rushing back at her.

Yung putukan sa cruise ship, the armed men, ang pagbaril sa kanya, at ang pagkahulog niya sa barko.  Buong akala niya talaga ay katapusan na niya.  Ni hindi na nga niya naramdaman no'n ang pagbagsak niya sa tubig dahil nawalan na agad siya ng malay.  Guess she was not that tough after all. 

Tiningnan niya ang sugat at bahagya pang nagulat nang makita na may puting panyo na nakabalot do'n.  May tumulong ba sa kanya?  Inilibot niya ang paningin sa paligid.  Mukhang nasa dalampasigan siya ng isang isla.  Paano siya nakarating do'n?  Sino ang nagdala sa kanya do'n?  Noon nahagip ng mga mata niya ang isang lalaki na nakahiga sa buhanginan may di kalayuan sa kanya.

Kahit mahirap ay sinubukan niyang tumayo.  Pagkatayo na pagkatayo niya ay parang biglang tumagilid ang mundo.  Ilang minuto din ang kinailangan bago bumalik ang balanse niya at nakapaglakad siya ng maayos.  Kahit mabagal ay nagsimula siyang maglakad patungo sa lalaki.  Nang makalapit na dito ay talagang nagulat siya nang mapagsino ito.  It was the guy from the airport!  The same guy na muli niyang nakita sa cruise ship.

Anong ginagawa nito dito?  Ito ba ang nagligtas sa kanya?  Napailing siya.  Ano bang klaseng tanong 'yon?  Of course he was the one who saved her.  Wala naman siyang ibang tao na nakikita dito na pwedeng gumawa no'n.  Pero bakit?  Ni hindi siya nito kilala.  Yes, they had an encounter.  But she had been so rude to him. 

Napapitlag siya nang umungol ito at unti-unting iminulat ang mga mata.  His eyes were back to the startling steel gray color she knew.  Natanggal marahil sa paglalangoy nito yung kung anumang contact lens na suot nito.  He squinted his eyes bago 'yon tuluyang mag-focus sa kanya. 

"You're... here," parang hindi makapaniwalang wika nito.  At sa kanyang pagkagulat, he reached out to her at walang sabi-sabing niyakap siya.  "Thank God you're here."

Parang bigla namang nawala ang pagkahilo niya at hindi na rin niya maramdaman ang pagkirot ng sugat sa kanang braso niya.  All she could feel was his arms around her.  Kahit na pareho silang basang-basa, damang-dama pa rin niya ang init na nagmumula sa katawan nito.  Hindi lang 'yon, parang tambol din sa lakas ng pagtibok ang puso niya.  It was beating so fast and so loud na pakiramdam niya anumang segundo ay sasabog na 'yon.

Wari namang napagtanto nito kung ano ang ginagawa dahil dagli siya nitong inilayo at dali-daling tumayo.  "Sorry, it's just reflex."

Hindi naman niya mawari kung matatawa ba siya o ano.  "Reflex?"

"Yes.  When you see someone you didn't expect to see and you're glad to see them, your body will move automatically to hug them.  Therefore, reflex."

"So masaya ka na nakita ako?" tanong niya sa wikang Ingles.

Natigilan ito.  "Did I say that?"

Napailing si Renz.  Hindi ito ang oras para pagdebatehan nila kung masaya ba ito na nakita siya.  Meron pang mas madaming mahalagang bagay silang dapat pag-usapan.  "Why did you save me?"

"Heck if I know.  Maybe I'm more of a hero than I expected.  Or maybe,"  Panandalian itong natahimik bago bumaling sa kanya, his gray eyes boring into hers.  "I just don't want you to die."

At sa pagtitig niya sa kulay abo nitong mga mata, muli na naman niyang naramdaman ang kakaibang pagtibok ng kanyang puso.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon