Ch. 4.1

3.6K 86 1
                                    

NANANAGINIP si Renz.  Napapaligiran daw siya ng amoy ng karagatan, the bright sun shining down on her.  Mahigpit siyang yakap-yakap ng isang pares ng malalakas na bisig.  She felt protected surrounded by those arms.  Nagsumiksik pa tuloy siya lalo sa nagmamay-ari ng mga bisig na 'yon.  Seeking more warmth.

Then she opened her eyes and realized that it was not a dream.
Ang unang bumungad sa kanya ay ang gumagalaw-galaw na adam's apple ng isang lalaki.  Dahan-dahan niyang inangat ang paningin at nakita ang natutulog na mukha ng lalaking nagligtas sa kanya kahapon.  At saka pa lang niya napansin ang posisyon nila.  Nakaunan siya sa braso nito, samantalang ang isa pa nitong braso ay mahigpit na nakapulupot sa beywang niya.  Ang isa naman niyang kamay ay nakayakap din dito.  Magkadikit na magkadikit ang mga katawan nila.  Then she felt something.  A bulge that's been poking her hips.  Agad ang pag-iinit ng mukha niya nang mapagtanto niya kung ano 'yon.

Bago pa siya makapag-isi ay ubod ng lakas na niyang naitulak ang lalaki.  Gumulong naman ito palayo sa kanya at 'di sinasadya na tumama ang balikat nito sa isang malapit na bato dahilan para biglaan itong magising.  Napabangon tuloy ito ng wala sa oras.  "What the bloody hell?"

"How dare you?" hindi niya napigilang akusa dito.  Maging sya ay bumangon na rin.

Bumaling naman ito sa kanya, halata ang confusion sa mukha.  "How dare me?  Ano na namang problema mo?" 

Tinuro niya ang parte kung nasaan ang pagkalalaki nito nang hindi inaalis ang tingin sa mukha nito.  "That!  Who told you to have that?"

Ibinaba naman nito ang tingin at mahinang napaungol bago ibinalik ang tingin sa kanya.  "Hindi ko kasalanan 'to.  Lalaki ako at lahat ng lalaki nakakaranas ng morning erection.  'Wag kang mag-alala, because it certainly doesn't have anything to do with you."

Agad ang pag-ahon ng inis sa kanya.  How could he sound so arrogant gayong dapat ay nanliliit na ito sa pagkapahiya?  Instead she was the one feeling embarassed.  "Ah... so kaya pala it's been poking me because it has nothing to do with me, gano'n?"

Hindi naman ito natinag sa sinabi niya.  "Anong magagawa ko eh magkatabi tayong natulog?  Let's just blame it on reflex."

Ngali-ngali naman niya itong sakalin.  Punyetang reflex 'yan.  Lahat na lang ba ng bagay isisisi nito sa reflex?  "Eh kung paganahin ko rin ang reflex ko at lunudin kita d'yan sa dagat, anong gagawin mo?" 

He smirked.  "I love to see you try."

Bago pa siya tuluyang hindi makapagpigil ay tinalikudan na niya ito.  Bumungad sa kanya ang malawak na karagatan.  Nasa dalampasigan sila ng isang isla.  Sa likudan naman nila ay nando'n ang makapal na kagubatan.  And suddenly, the direness of their situation finally hit her.  Nasa isa silang uninhabited island at walang nakakaalam kung nasaan sila.  Ni hindi nga siya sigurado kung may rescue team bang naghahanap sa kanila.  At kung meron man, kailan pa kaya sila makikita ng mga ito?  And in the meantime, how the hell will the two of them survive in this place?

Hindi lang 'yon ang pinoproblema niya.  Nando'n din ang pag-aalala para sa pamilya niya.  Ano na kayang nangyari sa mga ito?  She hoped to God nothing bad happened to any of them.  Iniisip na lang niya na nagawang iligtas ng sandatahang lakas ng bansa ang pamilya niya.  After all, first priority ng mga ito ang kaligtasan ng pamilya ng presidente ng bansa.  Ang dapat niya munang isipin ngayon ay kung paano sila makakaalis sa lugar na 'to.

Nilingon niya ang kasama.  Kasalukuyan nitong dinadampot ang ang coat na nakalatag sa buhanginan.  Inilatag nito 'yon kagabi para kahit paano ay may mahihigaan sila.  Muli na naman siyang namula nang maalala na magkatabi silang natulog nito.  Pero agad din niyang pinagalitan ang sarili.  Walang dahilan para mamula siya.  Magkatabi lang silang natulog dahil wala silang ibang pagpipilian.  They needed each other's body heat, dahil kung hindi ay pareho silang maninigas sa lamig.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon