Ch. 7.1

3K 86 0
                                    

HINIHIGPITAN ni Lancer ang pagkakatali ng mga baging sa natapos nilang raft.  It wouldn't do them any good kung bigla na lang magkahiwa-hiwalay ang sinasakyan nila sa gitna ng karagatan.  Tiningnan niya ang langit, mataas ang sikat ng araw at wala man lang kaulap-ulap.  Maganda 'yong senyales.  Ibig-sabihin kasi ay maayos silang makakapaglayag ng hindi iniintindi ang ulan.  Sana lang ay makahanap agad sila ng islang may mga naninirahang tao o kahit mga mangingisda na pwedeng tumulong sa kanila.

Nang matapos sa ginagawa ay sinulyapan niya ang kasama.  Inaayos ni Renz ang mga dadalhin nila.  Ang dalawang bamboo shoot na may lamang tubig at jerky na gawa sa pinatuyong karne ng baboy-ramo.  Kailangan nilang maging handa kung sakali man na magtagal sila sa paglalayag.  Habang tinititigan ang dalaga ay hindi na niya napigilang alalahanin ang mga bagay na sinabi niya dito kagabi.

Hindi niya magawang pigilan ang sarili na sabihin ang mga bagay na 'yon.  Totoo naman kasi ang sinabi niya.  Walang araw na lumipas simula ng mapadpad sila sa isla na 'to  that he was not tempted.  Tempted to touch her, to feel her skin, to kiss her.  Sinasabi na lang niya sa sarili na makakaramdam siya ng gano'n sa kahit na sinong babaeng makakasama niya at makakatabi sa pagtulog sa loob ng apat na araw.  But he knew it wasn't like that.  He was feeling that way because it was her.  It was Renz and not some other woman.

Hindi niya lubos maisip kung bakit gano'n na lang katindi ang nararamdaman niyang atraksyon para dito.  It was not just because of her physical looks.  Hindi naman kasi siya yung tipo na na-a-attract lang sa panlabas na kaanyuan ng isang babae.  He had met a lot of beautiful women during his many assignments, but none of them affected him the same way Renz does.  It was like an itch that won't go away even if he tried to scratch it. 

Hanga na nga siya sa tindi ng kontrol niya sa sarili.  His training as an agent helped him do that.  But no amount of training could help him kung magtatagal pa sila sa isla na 'to.  Kaya naman bago pa siya mawalan ng kontrol sa sarili kailangan na nilang makaalis dito.  Isa pa, kailangan na rin niyang magawa ang trabaho niya.  At 'yon ay ang makakuha ng sapat na impormasyon patungkol kay Hawkeye at kung maaari ay mapigilan na rin ito sa tangka nitong pagpatay sa prinsipe ng Elestia.  Iyon ay kung buhay pa ito at hindi pa napapatay ng pamosong assassin o ng mga terorista.

Lumapit na siya kay Renz at dinampot ang mga bagay na inayos nito.  "Handa ka na bang umalis?"

Tumingala ito sa kanya and a pretty tint of red appeared on both her cheeks.  Kanina pa 'yon nangyayari sa tuwing nag-uusap sila.  Marahil ay iniisip nito ang mga nangyarii kagabi.  And everytime she blushed, all he could think about was kissing the hell out of her.  See?  Kailangan na talaga nilang makaalis sa lugar na 'to.

"As ready as I could ever be," nagkibit-balikat na lamang na wika nito.

"'Wag kang mag-alala, we're going to get out of this island and we're going to find help."

"Hindi naman ako nag-aalala.  Because you're with me.  And that fact alone gives me the strenght I need," wika nito na may maliit na ngiti sa mga labi.

Hindi dapat niya bigyan ng ibang kahulugan ang sinabi nito sa kanya.  But somehow, that simple statement made him happier than any words said to him by other people.  And he knew he just can't bring her down.

Sumakay na sila sa raft at nagsimula na siyang magsagwan.  Unti-unti na silang lumalayo sa isla.  Sa bawat distansiya na tinatahak nila, naghahanap ang mga mata niya ng kahit na anong kumpol ng lupa na maaaring magsilbing isang isla.  At alam niya na gano'n din ang ginagawa ni Renz.  Ngunit magdadalawang oras na yata silang nagsasagwan ay wala pa rin silang nakikita.  Ni hindi na nila nakikita ngayon ang islang pinanggalingan.  Pareho sila ngayong nasa gitna ng karagatan.  Naisip niya tuloy bigla kung tama ba 'tong ideya niya o mas tama bang nananatili na lang sila sa isla at naghintay ng sasagip sa kanila.

Konsuwelo na siguro na hindi malakas ang hangin at payapa lang ang alon ng dagat.  'Yon nga lang, sobrang tirik na tirik naman ang araw.  Kanina pa tagaktak ang pawis niya.  Kung hindi pa sila makakahanap ng isla ay baka pareho na silang mahimatay dahil sa heat stroke.

"Hindi ka pa ba napapagod?  Gusto mo bang ako na muna ang magsagwan?" tanong ni Renz sa kanya.

Nagbaba siya ng tingin dito at hindi niya inaasahan ang nakitang pag-aalala sa itim na itim nitong mga mata.  Hindi tuloy niya napigilan ang pagkawala ng isang ngiti sa kanyang labi.  "I'm fine.  Kahit ilang oras pa 'kong magsagwan dito, hindi ako mapapagod."

"Well, let's just hope na hindi tayo umabot do'n sa punto na kailangan mong magsagwan ng buong magdamag."  Dinampot nito ang piraso ng bamboo shoot na may lamang tubig at binigay sa kanya.  "Here, uminom ka muna ng tubig."

Buong-puso naman niyang tinanggap 'yon, quenching his thirst.  Ibinalik niya ang lalagyan ng tubig dito bago muling ipinagpatuloy ang pagsasagwan.  Kalahating oars pa siguro ang muling lumipas nang may napansin na kakaiba si Lancer.  It was just a small dot at first, until it became bigger and bigger and it was moving towards them.  Kung hindi siya nagkakamali ay isa 'yong maliit na bangka!

Marahas siyang napabaling kay Renz na napatingin din sa kanya.  "Can you see--"

"Yes!" putol nito sa sasabihin niya.  "We're saved!"

Nagulat siya nang bigla na lang siya nitong inundayan ng yakap dahilan para gumiwang ang sinasakyan nilang raft.  Mabuti na lamang at nakapagbalanse siya kaagad kaya napagilan ang pagkahulog nila sa dagat.  Pagsasabihan niya sana ito pero ang kung anumang salitang lalabas sa kanya ay naipit lang sa kanyang lalamunan.  Because he immediately felt the softness of her body on his bare skin.  But before he could savor the feel of her ay dagli rin itong humiwalay sa kanya.  Dinampot nito ang sira-sira na niyang polo at iwinagayway 'yon kasabay ng malakas na pagsigaw ng salitang 'tulong'.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon