Two weeks later...
TINIKLOP ni Renz ang blouse at pinasok 'yon sa maleta bago 'yon tuluyang isinara. That was the last one of her clothes. Kailangan na lang niyang magpaalam sa and then she was good to go. Didiretso na siya sa airport pagkatapos. She has a six o'clock flight to Amsterdam kung saan nagaganap ngayon ang practice run ng team niya. It was preparation for the next race.
Ibinaba niya ang maleta at nahiga sa kama. It has been two weeks since that atrocious event at Alaguas Island. The first three hours were like torture. The flight from the island to Puerto Princesa, then Cate's surgery. Halos maubos ang dugo niya sa kamay dahil sa mahigpit na pagkakahawak ni Care sa kamay niya sa kabuuan ng surhery ni Cate. Hinayaan lang niya ito, because Care needed her support as much as she did. Sinabihan niya ito na magpatingin sa doktor because she has so many scratches she couldn't even count it. Pagkatapos ng nangyari kay Cate at pagkakita niya sa mga sugat ni Care, hindi na siya nakokonsensiya sa ginawang pagbaril nung assassin do'n sa mga terorista. Because those scum deserved to die.
The knights apprehended some of the terrorist who survived, karamihan kasi ng mga ito ay namatay sa engkwentro. The knights turned over the terrorists to the government and now they were sitting in a top-security prison. Sa pagkakaalam niya ay hindi pa nagsasalita ang mga ito hinggil sa kung bakit nais dukutin ng mga ito ang prinsipe ng Elestia. If they were die-hard terrorists then they wouldn't probably tell anyone a single thing. Well, whatever, it's not her problem anyway.
Nakabalik na sa Elestia ang tunay na prinsipe pati na rin ang mga knight nito. Nagalit nung umpisa ang tatay nila dahil sa pagsisinungaling ng mga ito patungkol sa identity ng prinsipe. But he eventually got around it and the imporation and exportation agreement between the two countries was finally signed. Lahat ay naging masaya sa kinahantungan ng lahat. Maliban na lamang sa kanilang magkakapatid.
Pagkatapos ng lahat ng nangyari, kahit na hindi magsalita ang mga kapatid niya, alam niya na may nagbago. Ang madaldal na si Care ay bigla na lang naging tahimik. May isang pagkakataon nga na nakita niya ito na basta lang nakatingin sa kawalan na para bang may malalim na iniisip. Which was very unusual for her. And the overly uptight Cate suddenly became fine with her breaking the rules. Patunay na lang do'n na hindi ito nagalit sa kanya when she asked their father too many questions about the terrorists. The usual Cate would burn her ears off for even asking.
Gusto niya sanang tanungin ang mga ito kung ano ang problema, but she's not really the type to pry into her sisters' business. At isa pa, meron din siyang sariling problema na kailangang isipin. A problem that has a name. Lancer Townsend.
The freaking guy just disappeared on her without so much as a goodbye. Nang makarating sila sa ospital para sa operasyon ni Cate ay hindi na niya nakita pa ang binata. Nung umpisa akala niya ay iniiwasan lang nito na madatnan doon ng tatay niya. She knew how much he didn't like to be questioned by other country's government. Ang akala niya ay magpapakita ito sa kanya kinabukasan. But when he did not, she told herself that after two, three days he would surely show himself. Pero nang hindi ulit 'yon nangyari at isang linggo na ang lumipas, hindi na siya umasa na magpapakita pa ito.
She was angry for the first three days, so angry that she just wanted to destroy everything around her. Actually she was still angry right now, she just decided not to show it. Hindi kasi niya akalain na aalis ito nang hindi man lang nagpapaalam sa kanya. A simple goodbye would be fine with her, anything would be fine, anything but this. She thought that everything that happened to them must have meant something to him, pero mukhang nagkamali siya. Sa nangyari kasi ay parang siya lang ang nagpahalaga sa halos pitong araw na magkasama sila.
This is what happened when you were stupid enough to fall in love with a guy you only knew for a little more than a week. Pasalamat na lang siguro siya na hindi niya sinabi dito ang nararamdaman kung hindi ay siya lang ang lalabas na katawa-tawa. At least after all these, she still has her pride intact. But something in her broke. At 'yon ay ang puso niya. But she will move on. She will do it even if it's the last thing she has to do. Kahit gaano pa 'yon kahirap. Kahit gaano pa katagal.
She's not Clarenza Zarragossa for nothing.
Tumayo siya at nagpasyang kausapin na ang ama. Lumabas siya ng silid at nagdire-diretso sa opisina nito. Hindi na nag-abala pa ang sekretarya nito na pigilan siya. Sometimes, she and her sisters can have a free-pass, being the president's daughters and all.
"Hi Dad," wika niya nang makapasok na ng opisina. Lumapit siya sa mesa nito at naupo sa isa sa mga upuang katapat no'n.
Nag-angat ito ng mukha mula sa mga papeles na binabasa. "Renz, may kailangan ka ba?"
"I just want to say goodbye. Mamaya na kasi yung flight ko, so I'm planning to go to the airport now."
"Was that today?" Tumango siya. "I'm really sorry I forgot."
"It's fine. I know how busy you are, considering."
"Kailangan mo na ba talagang umalis ngayong araw?"
"Yes, I'm really late for our team's practice and all. Baka tanggalin na ko sa team ng owner namin kung hindi pa ko magpapakita sa kanila," pagbibiro niya.
"You could always stay here," hopeful na wika nito.
"Dad, we already talked about this a long time ago. As long as I can race, I will."
"I just worry. Kung may isang bagay akong natutunan sa lahat ng nangyari, it's that we are not always safe."
"I always drive safely, Dad. So you don't have to worry on that matter." Lumapit siya dito at hinalikan ito sa pisngi. "I'll come back on Christmas, promise."
Isang malalim na hininga naman ang pinakawalan nito. "Fine. Just always be on your guard."
"Haven't I always?"
BINABASA MO ANG
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)
Kort verhaalDahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipin...