Ch. 11.2

3K 78 1
                                    

LABIS na kaba ang nadarama ni Renz.  Kanina pa siya paroo't-parito sa kinatatayuan, hindi mapakali.  Walang paglagyan ang pag-aalalang nadarama niya.  Para sa mga kapatid.  At para kay Lancer.  She would really be pissed as hell kung may mangyayaring masama dito.  And after getting pissed, she would probably cry rivers.  Why?  Because she loved the guy.  There, she finally admitted it. 

Nasa isla pa lang sila ay alam na niyang may espesyal na siyang nadarama para sa binata.  Yes, she knew she was attracted to him.  Pero akala niya ay hanggang doon lang 'yon.  Ni hindi man lang niya namalayan na unti-unti na palang nahuhulog ang loob niya dito.  Until she was already knee-deeped in love, she doesn't even know what to do with it.  And she was just too damn afraid to admit it. 

In face of a very strong emotion such as love, who wouldn't be afraid?  She certainly would.  Dahil hindi pa siya nakakaramdam ng ganito sa buong buhay niya.  Oo, nagkaroon na siya ng mga kasintahan dati.  But she never felt this strongly towards them, or towards anyone for that matter.  Nakipagrelasyon lang siya for the sake na malaman kung ano ang pakiramdam ng may kasintahan.  After three failed relationship, she decided that it wasn't worth all her troubles.  Because almost always, they would ask her what's more important, them or her career.  Of course she would pick her career.  Pero ngayon, kung si Lancer siguro ang magtatanong sa kanya ng gano'n, hindi siya sigurado kung ano ang isasagot niya.  And that itself already says a lot.

If she doesn't love him, then she doesn't know what the hell this feelings were.  Pero bago niya masabi ang nadarama dito, kailangan muna nilang makaalis lahat ng ligtas sa lugar na 'to.

Bumaling siya sa may bandang kanan at nahagip ng mga mata niya ang kakaibang ilaw.  The flash only lasted for a second pero sigurado siya sa nakita niya.  Nanggagaling 'yon sa tuktok ng isang puno may di kalayuan mula sa kinatatayuan niya.  Hindi niya maintindihan, pero may kung anong nagsasabi sa kanya na pumunta doon.  Alam niya na hindi dapat, dahil sa bukod sa magagalit si Lancer, alam din niya kung gaano kadelikado kung aalis siya sa kinatatayuan niya.  But her gut-feel was just telling her to go.  Kaya naman bago pa magbago ang isip niya ay nagsimula na siyang maglakad patungo sa lugar.

Halos mangapa na siya sa dilim para lang marating ang ilalim ng puno.  She walked as silently as she could hanggang sa makarating siya sa patutunguhan.  Tumingala siya at muntikan nang mapasigaw nang maramdaman niya ang pagtutok ng isang malamig na bagay sa likod niya.  Hindi niya kailangang magtanong para lang malaman kung ano 'yon.  Because she was pretty sure it was a gun.

"You almost had me there, sweetheart," wika ng isang baritonong tinig, she could hear a faint Russian accent.  Lilingon sana siya nang lalo pa nitong itinuon ang baril sa likudan niya.  "Oops, I didn't tell you to move yet."

Napalunok siya.  Sobrang bilis ng tibok ng puso niya na para bang lalabas na 'yon sa kanyang katawan.  Isang maling galaw lang and this guy could easily kill her.  Pero kung maninigas siya dito ngayon ay mas lalo lang 'yong hindi makakatulong sa kanya.  Huminga siya ng malalim.  Kailangan niyang kumalma kung gusto niyang magawa ng maayos ang iniisip na gawin.  She suddenly crouched low, hindi na niya hinintay ang magiging reaksyon ng lalaki at isang malakas na backward kick ang pinakawalan niya.  Tumama 'yon sa kamay ng lalaki dahilan para tumalsik ang baril na hawak nito.  Mabilis niyang kinuha mula sa pagkakatuck-in sa pantalon niya ang stun gun na binigay ni Lancer sa kanya at itinutok 'yon sa lalaki.

Masyadong madilim kaya hindi niya makita ng maayos ang mukha ng lalaki, but she can still see that he was trying to get his gun.  Dagli niyang sinipa ang baril palayo dito.  "I don't think I told you to move yet," wika niya dito.

Sa pagkabigla niya ay bigla na lang itong tumawa.  Dahan-dahan itong tumayo at itinaas ang parehong kamay.  "Oh you are really hot."

"W-what?"

"Nice to finally meet you, Clarenza Zarragossa," wika nito, a clear playfulness in his voice.

She squinted her eyes para makita ng maayos ang mukha nito.  Nakapinid ang mahaba nitong buhok into a high ponytail.  He was wearing some kind of eye mask kaya ang tanging nakikita lang niyang parte ng mukha nito ay ang labi nito at ang matangos nitong ilong.  At isang bagay ang biglang pumasok sa isipan niya.  The fact about the masked man who took them to that uninhabited island.

"You're the assassin?"

"I see, the MI6 agent was talking.  Not really agent-like of him, you know?"

Pinigilan niya ang matinding pagkainis na biglang nadama.  Baka kasi kung ano lang ang magawa niya sa lalaking kaharap.  "Nandito ka ba para patayin ang prinsipe?" tanong niya sawikang Ingles.

"Still deciding on that actually.  How about you, do you want me to kill him?" nakangiti pang tanong nito.

Okay, this guy is either crazy or just a plain sociopath.  "Of course I don't want you to kill him."

"Tch. Too bad.  Then do you want me to kill those terrorists?  It will really help those stupid knights and that MI6 boyfriend of yours."

Hindi naman niya maintindihan kung bakit nito sinasabi ang mga bagay na naririnig.  "Why would you do that?"

Nagkibit-balikat ito.  "Because I don't like those terrorists and I like you.  You're cool and scorching hot.  And I'm a whimsical sniper who does as he pleases.  So, kill or not kill?"

"Ah... I'd rather you not kill anyone."

"Too bad again."  Bago pa siya makakurap ay mabilis pa sa kidlat nitong nakuha ang hawak niyang stun gun at itinapon 'yon.  "I already decided to kill them."  Kinuha nito sa tabi ng puno ang isang sniper riffle.  Ngumiti ito sa kanya.  "Don't try to stop me because I might change my mind and decide to kill you.  I bet you wouldn't want that."

Bigla naman siyang kinilabutan.  He talked as if killing somebody was like taking a stroll.  Kaya itinikom na lang niya ang bibig dahil sigurado siya na hindi ito magdadalawang-isip na patayin siya sa oras na pigilan niya ito.  He dropped on one knee at itinapat ang baril sa direksyon ng kubo.  There was a silencer on the riffle but she clearly heard five shots.  At sigurado siyang limang terorista lang ang bumagsak at nagwakas ang buhay.

"Hmm, how many more can I get, I wonder?"

Napasandal siya sa puno.  She shouldn't have really listened to her stupid gut-feel.  Now she's stuck with this homecidal psycho.  Padausdos siyang napaupo at ibinaon ang mukha sa tuhod.  Lancer, please get here fast.  Hindi na niya alam kung ilang minuto siyang nasa gano'ng ayos, then the homecidal maniac spoke at marahas siyang napabaling dito.

"Oh your sister had just been shot," parang wala lang na wika nito.

Napatayo siya at lumapit dito.  "What?"

Nagpaputok ito.  "There, I just shot the asshole who shot your sister."  Bumaling ito sa kanya.  "A gift for you..."

Hindi na niya narinig ang sunod nitong sinabi dahil kusa nang gumalaw ang mga paa niya patungo sa direksyon ng kubo.  Wala na siyang pakialam sa mga sanga ng puno, mga halaman, at kung anu-ano pang insekto na tumatama sa kanya.  She was running as fast as she could, her heart beating wildly.  When she reached the clearing, agad na tumutok ang paningin niya sa lalaking nakatayo sa gitna, kung hindi siya nagkakamali ay ito yung nagpapanggap na prinsipe ng Elestia.  At buhat-buhat nito ang isang duguang babae.  Kahit hindi niya nakikita ang mukha nito ay sigurado siya kung sino ito.

"Cate!"

Tumakbo siya patungo sa mga ito, but before she reached them, she suddenly slammed into something hard.  At isang pares ng malalakas na bisig ang pumalibot sa kanya.  "No!  Let go of me! Cate!" pagpupumiglas niya.

"Renz, stop!"

Napahinto siya dahil sa tinig ng nagsalita.  Nag-angat siya ng mukha at nakita si Lancer.  "Lancer..." naiiyak niyang sambit sa pangalan nito.

Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito.  "Listen, that knight will do everything to keep your sister alive.  Your younger sister needs you.  We need to go now.  Okay?"

Sinulyapan niya ang kinaroroonan ng kapatid and the knight who was carrying her.  Naglalakad na ito palabas ng clearing.  Pinigilan niya ang sarili na tuluyang mapaiyak bago tiningnan si Lancer.  "Okay."

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon