Ch. 6.2

3.1K 86 4
                                    

THIRD day.  Ikatlong araw na nila sa islang 'to.  Pinagmasdan ni Renz ang papalubog na araw.  Pagkatapos ng gabing ito ay magiging ika-apat na araw na nila dito.  Pero kahit isang beses ay wala man lang dumaan na sasakyang pandagat sa kinaroroonan nila.  Gano'n ba talaga sila kalayo sa sibilisasyon?  Wala na ba sila sa karagatan ng Pilipinas?  Naalala niya 'yong kwento ni Lancer tungkol do'n sa lalaking nakamaskara na nagdala sa kanila dito.  Hindi na niya pinagdududahan ngayon ang kwento ng binata.  Dahil pagkatapos ng tatlong araw dito sa isla, pinagkakatiwalaan na niya ang binata.  Kaya kapag nakita niya ang lalaking nakamaskara na 'yon, she will definitely kick the his ass.

Bumalik siya sa ginagawa at hinigpitan ang pagtatali ng baging sa kahoy.  Kahapon ay napagdesisyunan nilang dalawa na gumawa ng raft na pwede nilang gamitin para makaalis sila sa isla.  Baka kasi pareho nang mamuti ang mga buhok nila ay hindi pa rin sila nadaraanan ng kahit na anong klaseng sasakyang pandagat.  Gaya ng inaasahan, Lancer knew how to make a raft gamit lamang ang makakapal at malalaking kahoy at matitibay na baging. 

Buong araw ay ito lang ang ginagawa nila.  Ilang kahoy pa at makakagawa na sila ng raft na na makakayang buhatin ang bigat nilang dalawa.  Bago pa magtanghali bukas ay tiyak na tapos na nila ito.  Kasalukuyang kumukuha ngayon ng kahoy sa gubat si Lancer para ipandagdag sa ginagawa nilang raft. 

Simula nung mangyari 'yong insidente sa mga bubuyog ay hindi na ito tumigil sa kakapaalala sa kanya na maging maingat.  Kung pwede nga lang siguro na samahan siya nito sa tuwing pumupunta siya sa kagubatan dala ng tawag ng kalikasan ay baka ginawa na nito.  Pero nangako naman na siya dito na mas dodoblemahin pa niya ang pag-iingat and that she will not poke at things carelessly para hindi na maulit yung nangyari sa mga bubuyog.  Ang maganda lang sigurong nangyari ay ang tuluyang paghihilom ng sugat niya sa braso.

Pagbalik ni Lancer ay ibinaba nito ang mga dalang kahoy sa tabi ng raft.  "Maghuhuli lang ako ng isda then pwede na tayong kumain ng hapunan."

Nag-angat siya ng mukha para tingnan ito.  "Magpahinga ka kaya muna."

"Nah, it's fine.  Okay lang ba na sunod mo nang itali 'tong mga kahoy na kinuha ko?" tanong nito na ang tinutukoy ay ang mga kahoy na idudugtong at magiging bahagi ng ginagawang raft.

"Oo naman."  Ito na nga lang ang tanging naitutulong niya, magrereklamo pa ba siya?

At bago pa niya ito masabihan na pwede namang mamaya na ito manghuli ng isda ay dinampot na nito ang sibat na ginagamit nito sa pangingisda at naglakad na palayo.  Napabuntung-hininga na lang siya.  Kung titingnan sila ngayon, daig pa nila ang mga castaway ng palabas na Survivor.  At least if they won a challenge, they can have food.  Samantalang sila, sariling sikap talaga.  Their skin were already sunburned at sira-sira na rin ang suot nilang damit. 

She already felt filthy enough for not taking a proper bath and wearing the same clothes for the past three days.  Pero wala siyang karapatang mag-inarte.  Nasa parehong sitwasyon lang sila ni Lancer pero kahit minsan ay hindi niya ito narinig na nagreklamo.  So she will do the same.  But what she wouldn't give for a good bath right now.  Milagro na nga sigurong maituturing na nagagawa pang tiisin ni Lancer ang amoy niya.  Ang nakakainis kasi do'n, compared to her, Lancer always smelled heavenly.  Like the musky scent of mildews.  And to think na pareho lang naman silang hindi nakakapaligo ng maayos.  Life is really unfair. 

Ibinalik na lang niya ang isip sa ginagawa bago pa siya tuluyang mag-self-pity.  Itinatali na niya ang pangatlong kahoy mula sa mga pinanguha ni Lancer nang bumalik ang binata dala-dala ang apat na isda.  Nagsimula na itong gumawa ng apoy at pagkatapos ay itinusok yung mga isda sa maliliit na kahoy bago 'yon sinimulang ihawin.  Pagkatapos no'n ay lumapit ito sa kanya at tinulungan siya sa ginagawa.

"Pagkatapos nating kumain, I want to show you something," wika nito.

"Ano?" takang tanong niya.

"It's a surprise.  But I'm pretty sure na magugustuhan mo siya."

Hindi na lang siya nagtanong dahil mukha namang wala itong balak na ipaliwanag ang sinabi nito.  Kaya naghintay na lang si Renz hanggang sa matapos silang kumain bago ito tanungin ulit.

"So ano ba 'tong bagay na gusto mong ipakita sa 'kin?" tanong niya na itinapon sa apoy ang kahoy na pinagtusukan ng isdang kinain.

Tumayo naman ito at pinunasan ang kamay sa suot na slacks bago 'yon inilahad sa kanya.  "Come, I'll show you."

Naiintrigang inabot niya ang kamay nito.  Hindi niya mapigilang mapansin how perfect her hand fit with his.  Napailing siya dahil sa biglang naisip.  When did she become such a sap?  "Show the way then," wika na lang niya.

Kumuha ito ng kahoy at snindihan 'yon sa apoy.  Magkahawak ang kamay na naglakad sila patungo sa gubat.  Malapit na sila sa gitna ng gubat ay hindi pa rin tumitigil ang binata sa paglalakad.  Balak ba siya nitong dalhin sa kabilang bahagi ng isla?  And then he stopped.

"Nandito na ba--"

Hindi na niya naituloy ang sasabihin dahil sa tanawing bumungad sa kanya.  There was a small creek in front of them, bahagya na 'yong naiilawan ng liwanag na nagmumula sa buwan but she can still see the clear water flowing from it.  Not because of the sparse moon light kundi dahil sa liwanag na nagmumula sa mga kulisap na lumilipad sa paligid at ibabaw ng sapa.  The fireflies looked like small green stars dancing around the water.  Ngayon lang siya nakakita ng gano'n karaming kulisap sa buong buhay niya.  It was beautiful and magical.

"Nakita ko 'to kagabi nung kumukuha ako ng tubig.  Kagabi ko pa sana siya ipapakita sa 'yo but you were already asleep.  I though this might take your mind off our situation, even if just for a moment."

"It's wonderful, Lancer," manghang wika niya bago bumaling sa binata.  "Thank you."  Muli niyang ibinalik ang mga mata sa mga kulisap at matinding paghanga na naman ang naramdaman niya because of the magnificent sight in front of her.  "It's so beautiful."

"Yes.  Indeed it is."

Napabaling siya dito dahil sa kakaibang tono ng tinig nito.  At bahagya pa siyang nagulat nang makita na sa mataman itong nakatitig sa kanya.  "Sa akin ka naman nakatingin eh.  Don't tell me ako yung tinutukoy mong maganda instead of the fireflies?" pagbibiro niya.

"What if I do think that you're more beautiful than these fireflies?"

Hindi naman niya inaasahan ang gano'ng sagot mula dito.  Bigla tuloy ang pagrigodon ng puso niya.  Mabuti na lang at madilim, kung hindi ay baka nakita na nito ang bigla niyang pamumula.  Kesa seryoshin ang sinabi nito ay dinaan na lang niya 'yon sa biro.  "I don't feel particualry beautiful right now.  My hair is a mess, my clothes are dirty, my skin is sun burned, and I stink.  So patawarin mo ko kung hindi man ako naniniwala sa 'yo."

"You don't stink.  Sa tingin mo ba magtitiis ako na katabi ka sa pagtulog for three nights kung nangangamoy ka?  Sorry, but I'm not that kind."

"No, you're just too much of a gentleman to say it straight to my face.  'Wag kang mag-alala, I can handle the truth."

"Me?  A gentleman?" waring naeeskandalo na wika nito.  "Parang kahapon lang you were still labelling me as the arrogant jerk."

"You were a jerk at the airport.  But here in this island, you've been nothing but a gentleman.  Kung ibang lalaki siguro ang nasa sitwasyon mo ngayon, most would have been already tempted to do inaproppriate things to me.  Not that I'm saying I'm a walking temptation or anything.  But let's face reality, any man in your situation would surely be tempted.  Considering na ako lang ang tanging babae sa isla na 'to.  So just relax, because I'm giving you a compliment.  And I'm not the type to give compliments so easily."

Tinitigan siya nito, his gray eyes boring into hers.  "Who says I'm not tempted?"

Kung may iniinom siguro siya ng mga oras na 'yon ay baka nasamid na siya.  Lalo lang tuloy nag-init ang magkabila niyang pisngi.  Her heart beating faster and faster by the minute.  "Y-you are?"

"Of course I am.  Because whether you know it or not, you are indeed a walking temptation."

At ang puso niyang kanina pa walang tigil sa pagtibok ng malakas ay mas lalo lang nagwala.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon