Ch. 2.2

3.7K 100 0
                                    

INILIBOT ni Lancer ang paningin sa paligid ng cruise ship, taking everything in.  Mula sa mga tao, hanggang sa setup at mga pagkaing nakahanda.  At isang lang ang masasabi niya.  Something was definitely amiss.  Hindi niya matukoy kung ano 'yon, pero may mali.  And his gut feel was telling him na siguradong may masamang mangyayari.  If it's about Hawkeye making a move, hindi siya sigurado.  Kaya naman ngayon pa lang ay inihahanda na niya ang sarili.

Simula nang dumating siya dito sa Pilipinas may ilang araw na ang nakakaraan ay sinusundan na niya ang bawat aktibidades ng prinsipe.  At siyempre kasama na roon ang diplomatic event na ito.  Pumunta siya doon sa cruise ship bilang parte ng mga European delegates na imbitado sa event.  He was acting the part of a very forgetable ambassador.  Hindi naman mahirap para sa kanya 'yon, because it's part of his training as an agent to take on any role needed in a mission.

Pagkatapos pagmasdan ang paligid ay ibinalik niyang muli ang tingin sa malaking lalaki na napapaligiran ng napakaraming security details.  This one also seemed to be taking on a role.  Dahil sigurado siya na hindi ito ang prinsipe ng Elestia.  Nang matanggap niya ang impormasyon patungkol sa tangka ni Hawkeye sa buhay nito, nagsimula na rin siyang mangolekta ng impormasyon tungkol sa Elestia at sa tagapagmana ng trono nito.  And he's pretty sure the prince is not that bulky nor that tall.

Kung tatanggalin nga niya siguro ang suot nitong veil ay tiyak na hindi 'yon tutugma sa larawan ng prinsipe na nasa database ng MI6.  Kung gano'n ay nasaan ang totoong prinsipe?  Strategy lang ba ito ng security details ng prinsipe dahil nalaman ng mga ito na may nagbabanta sa buhay ng prinsipe?  Kung oo, then maganda ang naisip ng mga ito.  Napakadali lang para kay Hawkeye ang barilin ang prinsipe sa open area na kagaya nito.  Kung hindi naman, ibig sabihin ay may masama nang nangyari sa prinsipe.  Lancer really hoped it's not the latter.

Iniisip niya kung anong oras pa magsisimula ang program dahil kanina pa rin naman umaandar ang cruise ship at ngayon ay nasa coast line na sila ng Palawan.  As if on cue ay umakyat sa man made stage ang isang lalaki, probably the speaker.  Pinagpatuloy na lamang niya ang pagmamatiyag sa paligid.  And that's when he saw her.  The foul mouthed girl he met at the airport.

She was wearing a black dress that hugged tightly to her body, showing off her perfect curves.  Her short bleached blond wair was swept back giving her a sophisticated yet very sexy look.  She looked like a walking temptation dressed like that.  Ngali ngali naman niyang sakalin ang sarili nang mapagtanto kung saan na tumatakbo ang isipan niya.  Hindi ito ang oras para hangaan niya ang itsura nito.  He should be thinking what the bloody hell was she doing here? 

Naalala na naman niya ang ginawa nito noon sa airport at gaya ng inaasahan, napuno na naman siya ng matinding pagkainis.  Sino ba naman kasing matinong babae ang sisipain ang maleta niya para lang makaganti?  She's definitely not normal.  She's freaking mental.  Hindi na mahalaga pa kung ano ang ginagawa nito dito sa cruise ship, it's better not to have anything to do with her.

At noon umalingawngaw sa paligid ang isang malakas na putok.  His guard immeadiately rose up.  Dahil sigurado siyang hindi 'yon ordinaryong putok, it was a gunfire.  Dali-dali niyang inilibot ang paningin sa paligid.  Nakita niya na may hawak-hawak na baril ang ilan sa mga waiter.  Hindi lang 'yon. maging ang ilan sa mga unipormadong lalaki ay nakalabas din ang mga baril.  At ang lahat ng 'yon ay nakatutok sa mga guest ng ship.

"Bloody hell," mura niya.  Of all things, a terrorist attack was the least he expected.

Nang mga sandaling 'yon, isang tao lang ang hinanap ng mga mata niya.  At natagpuan na lamang niya na gumagalaw ang sariling mga paa patungo dito.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon