NAGKAKAGULO na ang lahat ng tao dahil sa sunud-sunod na putok ng baril. Nang unti-unting mapagtanto ng mga tao kung anong klaseng sitwasyon ang kinasasadlakan nila, mabilis ang naging paglaganap ng takot. Maging si Renz ay nakaramdam ng matinding kaba, hindi lang para sa kanya kundi para sa mga kapatid at sa ama. Sa isiping 'yon ay agad niyang inilibot ang paningin sa paligid. Most of the people were crouched low, afraid to catch the attention of these stinking lowlives. The armed men were rounding up the Prince's guard.
Nakita niya agad ang ama na napapaligiran ng mga bodyguard nito. Hindi niya makita si Care pero agad naman niyang nakita si Cate. Her usual serious expression was now replaced by something akin to panic. Isa sa mga lalaki na may hawak ng baril na nakasuot ng damit pang-waiter ang bigla na lang nagtutok ng baril sa direksyon ng nakatatanda niyang kapatid.
"Where's the Prince?" tanong nito in a guttural English na para bang hindi ito sanay sa wikang 'yon. Nakahawak ito sa gatilyo ng baril at alam niyang kahit na anong minuto ay magagawa nitong hilahin 'yon para barilin ang kapatid niya.
Agad ang pagbangon ng matinding galit sa kanya. Yes, she doesn't like Cate. Heck, there's even some days that she really hated her. Pero hindi ibig-sabihin no'n ay tatayo na lang siya dito at hahayaang mabaril ito ng kung sinong terorista. Akma siyang lalapit sa mga ito nang may bigla na lang humawak sa braso niya. Nag-angat siya ng mukha at nakita ang isang lalaking nakasalamin at nakasuot ng kulay puting suit. Napakunot agad ang noo niya. Dahil kilala niya ang lalaking ito. It was the arrogant jerk she met at the airport!
Hindi niya maipagkakamali ang mukha nito sa kahit sino. That straight nose, those square jaws and high cheek bones. Ang pinagkaiba lang, ang dating kulay golden brown nitong buhok ngayon ay kulay itim na and his startling steel gray eyes were now a dull brown. Was he in some sort of disguise? And what the hell was he even doing here? Agad niyang pinalis ang mga tanong na naglalaro sa isipan. She has no time to deal with this guy, whatever his deal is.
"Don't even think about it," wika nito in that oh-so-sexy British accent, na para bang alam nito kung ano ang balak niyang gawin.
"Sorry but I don't respond well to orders," nakangising wika niya dito bago pabalang na binawi ang brasong hawak nito at nagtuluy-tuloy sa paglalakad patungo sa kinaroroonan ni Cate. Pumagitna siya dito at sa lalaking tinututukan ito ng baril. "Why don't you just shove that gun up to your ass, jerkface?"
Agad niyang naramdaman ang mariin na pagpisil ni Cate sa braso niya. "Clarenza, stop," mahina ngunit mariin nitong wika.
"What did you say?" malakas at galit na galit na wika ng lalaki.
"Hindi ka naman siguro bingi para hindi marinig ang sinabi ko," angil niya sa wikang Ingles.
"Bitch," the asshole growled bago hinaklit ang braso niya and pulled her at the edge of the deck.
Because she's not really the type to think before she do something, ubod ng lakas niyang tinuhod ang pagkalalaki nito at agad niya 'yong sinundan ng pagsiko sa tiyan nito. Napahiyaw ang lalaki sa sakit. A satisfied smile crossed her lips nang tumumba ito sa harapan niya. After all, she's not a black belter in karate and judo for nothing.
Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na ipagdiwang ang tagumpay dahil sa sulok ng kanyang mga mata nakita niya ang pagtutok ng baril ng isa pang lalaki sa direksyon niya. Bago pa siya makaalis sa kinatatayuan ay pumutok na ang baril. She felt a sharp pain in her right arm and then she found herself falling... and falling. Hanggang sa bumagsak ang katawan niya sa asul na asul na dagat.
Hanggang sa ang tanging natira na lamang ay kadiliman.
BINABASA MO ANG
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)
Short StoryDahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipin...