SUMILIP sa labas ng chopper si Renz, natatanaw na niya ang kalakhang Maynila. Maya-maya pa ay makakarating na sila sa Malacanang. Hindi na siya makapaghintay na makita ang ama. Pagkatapos ng lahat ng nangyari sa kanya, mas gagaan ang loob niya tiyak kapag may nakita siyang pamilyar na mukha.
Palihim niyang sinulyapan ang binatang katabi, nakatungo ito at nakapikit na wari bang natutulog. But she doubted he was even sleeping. Marahil ipinikit lang nito ang mga mata para walang kahit na sinong kumausap dito. Na hindi naman kailangan. Who would want to talk to him anyway? She still wanted to sucker punch him after the way he acted earlier.
"Nandito na tayo Miss Zarragossa," wika ng isa sa mga sundalo na kasama nila.
Muli siyang sumilip sa bintana at nakita na nasa ibabaw na sila ng ilog Pasig, sa 'di kalayuan ay nando'n ang gusali na nag-re-representa sa gobyerno ng Pilipinas, ang Malacanang. Nang nasa vicinity na sila ng Malacanang ay dahan-dahang bumaba ang chopper sa landing area. Hindi na niya hinintay na makababa ang mga sundalong kasama nila at nauna na siyang bumaba sa mga ito. Pagtapak na pagtapak ng mga paa niya sa aspalto, ang una agad niyang nakita ay ang tumatakbong bulto ng ama.
Relief flooded through her nang makita ang mukha nito at natagpuan na lamang niya ang sarili na tumatakbo patungo dito. Nang ikulong siya ng ama sa mga bisig nito and was engulfed by his warmth, hindi na niya napigilan ang pagbagsak ng kanyang mga luha. "Daddy... Daddy..."
"Sshh sweetheart, you're safe now," wika nito habang hinahagod ang likod niya.
Ibinaon niya ang mukha sa dibdib nito. Hindi na niya maalala kung kailan siya huling umiyak ng ganito sa harapan ng ama. Sa kanilang magkakapatid, siya ang madalas na pinapagalitan nito. Siya lang naman kasi ang madalas na sumusuway sa mga utos nito. Her mother would always act as a mediator. Pero nang mawala na ito, parang hindi na rin malaman ng ama kung paano umakto sa harap niya. 'Yon marahil ang dahilan kung bakit lagi siyang nag-rerebelde dito.
She's not as smart as Cate, she's not even naturally caring and sweet like Care. Pagrerebelde lang ang tanging alam niyang paraan para magkaroon ng interaction sa ama. Yes, it was childish and selfish. But who can blame her? Isa lang siyang teenager na gustong mapansin ng kanyang ama. Kaya nagdesisyon na lang siya na tumungo ng Amerika bago pa siya may gawin na isang bagay na mas lalong magpapalayo sa loob ng ama sa kanya. Madalas tuloy niyang naiisip kung maiiba ba ang mga bagay-bagay kung nabubuhay lamang ang ina. But she would immediately stop herself before she could dwell on it. Labis-labis na kalungkutan lamang ang mararamdaman niya. At hindi ito ang tamang oras para mas lalo pa siyang malungkot.
"You don't know how scared I was when I saw you getting shot. Parang kalahati ng buhay ko ang nawala nang makita kitang unti-unting nalalaglag sa dagat." Lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya. "I'm almost at my wit's end thinking of what happened to you and Care."
Kusang tumigil sa pagbagsak ang luha niya sa pagbanggit ng ama sa pangalan ng bunsong kapatid. Humiwalay siya dito at tatanungin na sana ito kung may balita na sa kapatid niya nang mapansin niyang nakatuon na sa iba ang pansin ng ama. Lumingon siya at nakita si Lancer na palapit na sa kanila.
Pinakatitigan ng ama si Lancer at nang mapagsino ito ay agad nitong nilapitan ang binata. "You're the one who jumped off after Renz fell from the cruise ship," wika nito, more of a statement rather than a question.
"He saved me, Dad. He kept me safe for these past few days. Wala siguro ako ngayon dito kung wala siya," hindi niya napigilang sabihin sa wikang Ingles.
Sabay na napalingon sa kanya ang dalawang lalaki. Her father with a look of understanding on his face, samantalang pagkabigla naman ang makikita sa mukha ni Lancer. Halatang-halata na hindi nito inaasahan ang sinabi niya. Nagsabi lang naman siya ng totoo. She's not that immature to say otherwise dahil lamang sa nag-away sila kanina.
Inabot ng ama ang kamay ni Lancer. "Then let me thank you, young man. Thank you for saving one of my treasures. For that, I will forever be indebted to you."
Mabilis namang nahamig ni Lancer ang sarili at nagwika, "You have nothing to thank me for, Mr. President. I only did what any decent person would do."
She doubted that. Kahit siguro libutin pa niya ang buong mundo, baka wala pa rin siyang makilala na tao na gagawin ang ginawa ni Lancer. Sino bang magbubuwis ng buhay nila para lang iligtas ang isang estranghero? And that already says a lot about Lancer's character. Kaya nga siguro kahit naiinis siya dito, hindi pa rin nawawala ang matinding paghanga na nadarama niya para dito.
Paghanga lang ba?, wika ng maliit na tinig sa utak niya. Oh shut up, stupid brain.
"Bago magkalimutan, ano nga palang pangalan mo?" tanong ng ama sa wikang Ingles.
"Eric Callahan," sagot ni Lancer.
Marahas naman siyang napabaling dito. He was smiling as if he did not just give her father a fake name.
What the heck?
BINABASA MO ANG
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)
Short StoryDahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipin...