Ch. 8.1

2.9K 86 1
                                    

NAGISING si Renz dahil sa ingay na nagmumula sa labas ng bahay, loud machine vibrations and strong rustling of winds.  Dahan-dahan niyang iminulat ang mga mata at ang una niyang nakita ay ang palupo ng bubong.  Inilibot niya ang paningin sa maliit na silid.  At saka pa lang niya naalala na wala siya sa isla at hindi na pinagtagpi-tagping mga dahon ang nagsisilbi niyang higaan.  Nandito siya ngayon sa bahay ni Mang Tonio, ang mangingisda na nakakita sa kanila ni Lancer sa gitna ng dagat.

Katabi niyang natulog si Aling Saling samantalang si Lancer naman ay sa salas natulog kasama ni Mang Tonio.  Isa lang kasi ang silid sa bahay.  Sabi nga niya kagabi ay ayos lang naman na sa salas na lang din siya matulog katabi ni Lancer, pero hindi pumayag ang mag-asawa.  Hindi daw magandang tingnan lalo pa nga daw at hindi naman sila magkasintahan ng binata.  Kung alam lang ng mga ito na apat na gabi na silang magkatabing matulog ni Lancer.  Pero pinili na lang niyang hindi 'yon sabihin.

Wala na si Aling Saling sa tabi niya, kanina pa siguro ito naging.  Muli na naman niyang narinig ang ingay sa labas.  Nagdesisyon na siyang bumangon para tingnan kung ano 'yon.  Pagkalabas niya ng kwarto ay nakita niya ang mag-asawa na nakatingin sa labas ng nakabukas na pinto ng bahay.  Lumapit siya sa mga ito at tatanungin na sana kung ano ang problema nang makita niya sa bintana ang isang chopper na nag-land sa isang bakanteng lupa malapit sa bahay.  Nakita din niya si Lancer na palapit sa chopper.  At saka pa lang niya naalala ang sinabi ng ama na magpapadala ito ng chopper first thing in the morning.

"Ano kayang kailangan nila?" nag-aalalang tanong ni Aling Saling.

"'Wag po kayong mag-alala, nandito po sila dahil sa 'kin."

Halata namang nagulat ang mag-asawa dahil sa bigla niyang pagsulpot at mas lalo na siguro dahil sa sinabi niya.  Nginitian na lang niya ang mga ito at pasintabing lumabas.  Nagsimula na siyang maglakad patungo sa kinaroroonan ng chopper.  Nakita niya ang pagbaba ng dalawang lalaki, pulos kulay itim ang suot ng mga ito.  Kahit hindi nakasuot ng uniporme ang mga ito, tiyak niya na alinman sa dalawa ang mga ito - militar o PSG.     

"Who are you people?" narinig niyang tanong ni Lancer.

"Nandito kami para sunduin si Miss Zarragossa," sagot ng isa.

Binilisan niya ang paglalakad para makalapit agad sa mga ito.  "I'm here," aniya sabay baling kay Lancer.  "Don't worry, sila 'yong sinasabi ko sa 'yo na susundo sa 'tin."

Lalo naman nangunot ang kilay nitong kanina pa magkasalubong.

"Tayo na po Miss Zarragossa, naghihintay na po ang presidente," wika ng isa sa mga lalaki.

Marahas namang bumaling dito si Lancer dahil sa sinabi nito pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanya.  "These men are from the army.  Bakit kailangang militar pa ang sumundo sa 'yo?  And what do they mean by president?"

Nagtaka naman siya kung paano nito nalaman na mula sa militar ang dalawang lalaki na nasa harapan nila.  Pero mas natuon ang atensiyon niya sa mga tanong nito.  Nakalimutan niya na hindi nga pala niya nabanggit dito na anak siya ng presidente ng Pilipinas.  "Sila ang sumundo sa 'kin kasi sila ang ipinadala dito ng tatay ko at siya ang tinutukoy nila na presidente."

"What kind of president exactly?" tanong nito, narrowing his eyes at her.

"Ahm, the kind that manage the whole country?"

Mataman siya nitong tinitigan at nang mapagtanto na hindi siya nagbibiro ay bigla na lang itong napamura.  "Shit.  Felipe Zarragossa... Clarenza Zarragossa, why didn't it even occur to me?  Why didn't you tell me?"

Hindi naman niya maintindihan kung ano ang ikinaiinis nito.  "I just didn't think of it as something important."

"Yeah, right.  Kailan pa naging hindi mahalaga ang pagiging anak ng presidente ng isang bansa?" sarkastikong wika nito.

Sa puntong 'yon ay hindi na rin niya napigilang mainis.  "Teka- ano bang ikinaiinis mo?  Ano naman kung hindi ko sinabi sa 'yo kung sino ang tatay ko?  It's not as if makakaalis tayo agad do'n sa islang 'yon kung sinabi ko man sa 'yo kung sino siya.  At baka nakakalimutan mo, you're the one who doesn't want to share any personal information.  So stop being an ass and just get over it."  Sa halip na sumagot ay tinalikudan siya nito.  "Saan ka pupunta?"

"Nagbago na ang isip ko, I won't go with you.  I'll just find another mode of transportation," wika nito na hindi man lang lumingon sa kanya at patuloy lang sa paglalakad.

What the--?

Nakuyom niya ang kamao.  Ano na naman bang problema nito?  Why was he being a jerk again?  Gusto sana niyang sabihin na gawin nito ang gusto nito at bahala na ito sa buhay nito.  Pero agad din niyang naisip na may dahilan naman siguro kung bakit ito umaakto ng ganito ngayon at kung hahayaan lang niya ito ay hindi na niya malalaman ang dahilan na 'yon.  Isa pa, paano naman niya kakayaan na maghiwalay sila ng ganito?

"Ah Miss Zarragossa, pwede na ba tayong umalis?" tawag pansin sa kanya ng isa sa mga sundalo.

Bumaling siya sa mga ito at isang ideya ang pumasok sa isipan niya.  "Meron ba kayong panyo o bandana?  Basta kahit na anong pwedeng gamiting pantali?"

"Meron akong bandana," nag-aalangang wika ng isa na kinuha mula sa bulsa nito ang isang nakatiklop na malaking panyo.

Agad naman niyang hinablot 'yon.  Mabilis siyang tumakbo patungo kay Lancer na ngayon ay malapit na sa bahay.  Nang isang dipa na lang ang layo nito sa kanya ay ubod ng lakas siyang tumalon.  And she landed perfectly on his back, na naging dahilan para matumba ito face first on the ground.

"Bloody hell--"  Tiningnan siya nito ng masama.  "Why the heck did you jump on me?"

Pilit itong kumakawala sa pagkakadagan niya pero mas diniinan lang niya ang tuhod sa likod nito.  "I don't know.  Kusa lang gumalaw ang katawan ko.  Oh wait, you have a term for this, right?  What do you call it?  Ah yeah, reflex.  Let's just blame it on my relfex."

He grunted bago nagsimulang magpapalag.  "Get off me or I swear--"

"What, you're going to throw me off?" hamon niya dito.

Nang hindi ito sumagot ay hinawakan niya ang magkabila nitong kamay at dinala 'yon sa likod nito.  At gamit ang bandana na binigay ng isa sa mga sundalo sa kanya ay sinimulan na niyang itali ang mga kamay nito. 

"Anong ginagawa mo?"

"Tying your hands, obviously."

"Clarenza, stop this," mariin nitong wika.  Hindi niya ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagtali dito.  "Shit.  I forgot how bloody mental you are."

"And I forgot how much of a jerk you are," ganting wika niya.  "So ano na, sasama ka ba ng maayos sa 'kin o kakaladkarin pa kita?"

He snorted.  "Do you really think na kaya mo akong kaladkarin?" 

"No, but I could always hit you with a heavy object and when you lose conciousness, madali ka na lang makakaladkad nung dalawang sundalong 'yon pasakay sa chopper."

Tiningnan siya nito na para bang nahihibang na siya.  "You would seriously do that?"

"Oo naman.  Kasi sabi mo nga 'di ba, 'I'm bloody mental'?  Bilis-bilisan mo nga pala ang pagdedesisyon dahil nangangawit na 'ko dito sa tayo ko."

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon