Ch. 4.2

3.4K 100 2
                                    

HINDI na malaman ni Lancer kung ano ang ginagawa niya.  Pakiramdam niya simula nung makita niya ang babaeng ito - si Renz - doon sa cruise ship, bigla na lang din nawala ang common sense niya.  Idagdag na rin do'n ang abilidad niya na mag-isip ng matino.  Tumalon siya sa barko para iligtas ito, na kung tutuusin ay hindi naman siya obligadong gawin.  Sinabi niya dito ang tunay niyang pangalan, which was a big no-no in his profession especially if he was in the middle of a case. 

At ngayon naman ay hinayaan niya itong sumama sa kanya na humanap ng pagkain na isa na namang maling galaw.  Paano na lang kung may biglang dumaan na sasakyang pandagat?  Hindi sila makakahingi ng tulong dahil pareho silang nandito sa loob ng gubat.  Paano ba naman kasi siya makakatanggi dito?  The moment she said she was afraid, he knew he was done for.

Kitang-kita niya kung gaano kahirap dito na sabihin ang mga katagang 'yon.  Halata naman kasi na hindi ito yung tipo na mabilis na nagpapakita ng kahinaan sa iba.  It probably took everything she had just to say it, pero ginawa pa rin nito.  Dahil do'n ay nakaramdam siya ng hindi inaasahang paghanga para sa dalaga.  In fact, he was probably feeling a lot more than admiration for her.  Like lust for example.

Yes, he was attracted to her.  But what kind of man wouldn't be?  Hindi naman siya bulag para hindi makita ang kagandahang taglay nito.  At lalo namang hindi siya manhid para hindi maramdaman ang epekto nito sa katawan niya.  Muntikan na naman siyang mapaungol nang maalala ang tagpo kanina pagkagising niya.  Oo nga at sinabi niya na normal lang para sa mga lalaki na magkaroon ng 'morning wood' pero nagsisinungaling siya nang sinabi niya na wala itong kinalaman do'n.  Of course it has everything to do with her. 

Buong magdamag ay paulit-ulit siyang nagsasagot ng mga mathematic equation sa utak niya para lang mapigilan niya ang sarili na mag-isip ng mga makamundong bagay.  Pero mukhang wala pa ring epekto 'yon, not when her soft body was tightly pressed against his.  Normally, he has more control over his body than this.  But the moment their skins touched, his control immediately snaps.  Na labis niyang hindi maunawaan.  Was he really that attracted to her?

Inilibot na lamang niya ang paningin sa paligid ng gubat kesa patuloy pang isipin 'yon.  The forest was lush and dense kaya natitiyak niyang madaming hayop ang nananahan do'n.  Pwede siyang maghuli ng baboy-ramo but that would take too much time.  Kagabi pa sila hindi kumakain, tiyak niya na nagugutom na si Renz.  Base na rin sa malakas na pagkalam ng sikmura nito kanina.  They needed immediate food.  Mabuti na lamang at mukhang madami naman silang makukuhang prutas dito.

Muli na naman siyang nakaramdam ng galit nang maalala kung bakit nandito sila sa ganitong klaseng sitwasyon ngayon.  Sisiguraduhin niya na magbabayad ang Hawkeye na 'yon sa ginawa nito.  Ni hindi nga niya alam kung ang islang kinaroroonan nila ay nasa coastline pa ng Palawan.  Posible kasi na dinala sila nito sa isang isla na hindi na parte ng karagatan ng Palawan.  Isang isla na madalang lang daanan ng mga sasakyang pandagat. 

Hindi malabong mangyari 'yon dahil tiyak na gagawin nito ang lahat masiguro lang na hindi siya makakagulo sa plano nitong pagpatay sa prinsipe ng Elestia.  Isang bagay na kailangan pa niyang problemahin.  Pero sa ngayon ang kailangan muna niyang isipin ay kung paano sila mag-su-survive at makakaalis sa isla na 'to.  Then he will deal with all the remaining problems afterward.  Sa ngayon, ang pinakauna sa listahan niya ay maghanap ng makakain nila.

Huminto siya sa paglalakad nang makakita ng puno ng niyog.  Nilingon niya ang kasama, hindi man lang niya napansin na ilang dipa pa ang layo nito sa kanya.  She was walking akwardly, dahil na rin siguro sa may kalakihan ang suot nitong sapatos.  Pero kahit gano'n ay hindi man lang niya ito narinig na nagreklamo.  He was expecting her to complain actually.  Kahit naman kasi sinong normal na babae ay magrereklamo sa klase ng sitwasyon na meron sila.  Lalo na sa klase ng personality na meron ito.  Pero simula kahapon, kahit isang beses ay hindi niya ito narinig na nagreklamo.  Kahit pa nga ba nabaril na ito't lahat - kahit pa nga ba daplis lang 'yon - hindi pa rin ito nagreklamo.

Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon