INILIBOT ni Renz ang paningin sa loob ng hotel room ni Lancer. Mabuti na lamang at hindi sila nagkaro'n ng problema do'n sa PSG na naghatid sa binata. Nang iparada nito ang sasakyan sa parking lot ng hotel, she went out of the trunk as fast as she could habang dini-distract naman ito ni Lancer. At ngayon nga ay nandito na sila sa loob ng hotel room ni Lancer.
Pagkapasok na pagkapasok nila ay agad nitong binuksan ang malaking closet sa loob ng silid at kinuha mula doon ang isang maleta. Dinala nito 'yon sa kama at binuksan. Inilabas nito ang isang laptop and an iPhone. Ipinatong nito 'yon sa ibabaw ng malapit na lamesa at naupo sa tapat no'n. Lumapit siya dito at naupo sa malapit na upuan.
"So, what's the plan?" tanong niya habang binubuksan nito ang laptop.
"First, we have to be certain about your sister's location," sagot nito habang may kung anong tina-type sa laptop. "So is your sister the same headcase like you?"
Pinaikot niya ang mga mata. "Kung ang ibig mong sabihin ay kung hindi aalisin ng kapatid ko ang paningin niya sa mga knight, then yes, she's the same headcase."
"Glad to hear that craziness runs in the family."
Inismiran lang niya ito. "Paano mo nga pala aalamin kung nasaan ang kapatid ko?"
"Give me her cellphone number." Binigay niya dito ang numero ni Cate. "Using her number I'll hack into her phone and activate her GPS," paliwanag nito habang patuloy sa pagtipa sa laptop.
"You can hack into her phone?" manghang wika niya.
"I'm a decent hacker, not on a genius level but I do fine with computers. Merong software ang MI6 that can track down people using GPS or an IP adress. I'll download the data of your sister's phone to this software and then we'll know her where she is." Pinindot nito ang 'enter'. "Got it."
Tumayo siya sa likudan nito at tiningnan ang monitor ng laptop. There was a red dot blinking somewhere in Palawan. "Palawan? So pagkatapos nilang umatake do'n sa cruise ship, they didn't even look for another place to hide. And yet our military force haven't found them," naiiling na wika niya.
"Never mind them. According here nasa Alaguas Island ang kapatid mo. Kailangan nating makarating agad do'n bago pa man sugudin nung mga knight yung mga terorista. If we're lucky we can interfere with them before they attack and tell them na hindi lang yung mga terorista ang kailangan nilang alalahanin. That there's another factor they need to worry about."
"The assassin. What his deal anyway? Was he really that dangerous?"
"He's a world famous assassin for hire at ang paborito niyang target ay mga leader ng bansa. Particularly European countries. So yeah, he's dangerous. Maybe even more so than those terrorists."
"So he has problems with authorities. If he really is that dangerous, bakit hindi niya tayo pinatay when we were thrown out of the sea? He would surely benefit kung mawawala ka sa landas niya since you probably have been chasing him around."
"Who knows kung anong tumatakbo sa utak ng isang wanted na kriminal. I guess he's not too keen to kill me that time because I'm the only one who could keep you alive. And he didn't really want you to die." Biglang umasim ang mukha nito na para bang may inaalala itong hindi maganda. "Like he has this thing for you."
Hindi naman niya mapigilang mapangiti. "Really?"
Nakasimangot na lumingon ito sa kanya. "Don't even think of being flattered."
"Hey, I can't help if I'm irresistable. Even an assassin found me charming."
"You're far from charming," sarkastikong wika nito. "But you're irresistable indeed."
Hindi naman niya inaasahan ang sinabi nitong 'yon. Dagli niyang iniwas ang tingin bago pa nito makita ang pamumula ng mukha niya. "So how do we get to that island?" pagbabago niya ng usapan.
"I'll ask the British embassy to lend us a chopper. They won't ask too much question the moment I tell them I work for MI6."
Pinagtaasan niya ito ng kilay. "You can't tell my father who you are but it's alright if it's for the British embassy?"
"Of course. Because our loyalty lies with the British government." Binalik nito ang atensiyon sa laptop and started typing again. Pagkatapos ng ilang sandali ay pinatay na nito ang aparato at dinampot ang iPhone. "Sinend ko dito sa iPhone ko ang track data na galing sa telepono ng kapatid mo. Now we can track her movement using my phone." Tumayo na ito. "Let's go, we have a chopper to catch."
BINABASA MO ANG
Seven Days with the Arrogant Spy (Elestia 2)
Short StoryDahil sa isang major event na gaganapin sa Pilipinas, napilitang bumalik ng bansa si Clarenza. She was reluctant to do so, dahil busy siya sa pag-te-training para sa susunod na F1 race cup. Pero dahil sa pagdating ng prinsipe ng Elestia sa Pilipin...