Chapter 7

457 21 1
                                    


Just a Lunch


My mouth hang open at napakurap pa ko ng ilang beses ng mapagtanto ko kung ano ang posisyon namin. Agad ko siya tinulak palayo at inayos ang sarili. I look around and thank goodness at walang tao. If anyone saw us here, malaking gulo yun besides sikat ang taong nasa harapan ko ngayon. And me? I'm just nobody.


I look at him. May naglalarong ngisi sa bibig kaya naman sinamaan ko siya ng tingin.


"y-you should go back there Captain" nahihiya kong sabi sa kanya. Para tuloy gusto kong lamunin ng lupa. Now na!


Tiningnan ko siya na nakatitig lang sakin kaya mas lalo akong nahiya. Hindi ako nakamake-up, sigurado akong medyo magulo pa ang buhok ko kaya pasimple ko iyong inayos. I heard a low laugh kaya tiningnan ko siya ng masama.


"Do you still have class afterwards?" awtomatikong nagsalubong ang kilay ko sa tanong niya pero gayunpaman ay umiling ako. Hindi ko alam kung ano pumasok sa isipin ko at sinagot ko ang tanong niya baka trip lang malaman, I guess?


I gulped when he took a step closer to me. But Instead of getting nervous like earlier. Nanatili ako sa posisyon ko at tinapatan ang mga titig niya.


Hindi ako papatibag! Hindi ako marupok!


I know I'm acting tough but deep inside..malapit na ako manlambot. Gusto ko siyang sigawan na huwag ng lumapit dahil bawat hakbang niya, parang tumatambol ang puso ko sa sobrang lakas. Nagpapatutog ata si DJ aorta ko dahil abnormal na ang tibok ng puso ko.


Akmang susuwayan ko na sana siya dahil hindi siya nagsasalita at panay hakbang lang bigla nitong hinawakan ang kamay ko. Huli na bago ako makapagsalita ng wala sabing kinaladlad ako. I let out a small curse and try pulling my hand away from his tight grip. Ang lalaki pa ng hakbang niya kaya para akong tumatakbo sa likuran niya.


"What the heck Grey!!" pabulong ngunit matigas kong sabi sa kanya. He did not answer me but his grip tighten even more. Hindi ko na sinubukan pang kalasin ang kamay ko tutal ay imposible naman dahil ang higpit ng hawak niya.


My eyes went down to our hands. I feel like mapapasma ako. His hands were big and rough but it perfectly fits in my hand.


"B-bitawan mo nga ako" matigas kong utos pero at ginalaw galaw pa ang kamay ko. Pero biglang nag back out ang dila ko ng biglang lumingon sa akin kaya naman nasubsob ako sa matigas niyang dibdib. Napahilot ako sa ilong. Tigas ah!


"I'm starving" tipid niyang sabi. Mas lalong umawang ang labi ko at hindi makapaniwalang tumingin sa kanya.

Sweet Affliction (Phoenix series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon