Chapter 35

364 14 2
                                    


Love and Hatred


Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at sinubsob ang mukha ko sa desk ko. Masakit pa rin ang ulo ko pero kaya ko pa namang tiisin. 


Ipinikit ko na lamang ang mata ko at sinubukang matulog nang wala pang ilang segundo ay may kumakalabit sa akin. 


"Frances, Frances, Frances!" 


Napaangat ang ulo ko nang pumasok na naman sa tenga ko ang matinis na boses ni Scarlette na tinatawag ng paulit-ulit ang pangalan ko. 


"Maingay ka!" I hissed. 


Bumuntong-hininga ito at kinapa ang noo ko at leeg na ipinagkataka ko. 


"Tanga ka ba o manhid ka lang talaga!? Nilalagnat kang babae ka! Tinitingnan mo ba sarili mo sa salamin? Mukha kang zombie, ang laki ng eyebags mo grabeh! nasasalo na mga muta mo.  Tapos ang putla mo pa! Hindi ka man lang nag-abalang mag make up ng kaunti. Yang labi mo kakulay na ng papel!" pagsesermon niya. 


Sumimangot nalang ako at mas lalong isinubsob ang mukha ko ko sa desk. 


"Is this because of Grey?" she suddenly asked. 


I remained quiet. Just by hearing his name send an uncountable string of pain in my chest. 


"No," 


She sighed. "your break up has become a widespread all over the campus..." 


Hindi na ko nagulat doon, pagpasok ko palang ay mga bulung-bulungan na agad ang sumalubong sa akin, mga tinginan nilang parang naaawa sa akin dahil sa malandi akong babaeng parausan lang ni Grey. 


In fact, sino ba naman ang hindi makakaalam? Captain is one of the most popular in the campus. 


Kung anong-anong mga salita ang natanggap ko at nasasaktan ako, hindi dahil sa sinasabi ng iba sa akin kundi dahil sa katotohanang wala ng nagtatanggol sa akin. 


"I saw them together, and I really blame him on what's happening on you right now,"

Sweet Affliction (Phoenix series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon