Chapter 38

368 15 1
                                    


Scared


"Bakit inabot ka ng ganitong katagal Rafaelle? Alam mo ba kung anong pinagdaanan niyang anak mo? Alam mo namang puntahan mo lang siya ay matatanggap ka na niya agad"


Naalimpungatan ako ng gising nang makarinig ako ng dalawang taong parang nag-aaway. Tiningnan ko ang orasan ko't mag aalasais na ng gabi.


"Alam ko Nay, sinusubaybayan ko siya diba. Ako ang nagbigay sa kanya ng scholarship sa Stanford University, kinausap ko rin si Claire dahil alam kong gusto Niya ang trabahong iyon—"


"Ayun naman pala e, bakit hindi ka nagpakita sa anak mo? Bakit Nung nagkausap kayo ay kailangan mo pa siyang bigyan ng rason para mas lalong lumayo sayo?"


Narinig ko ang paghugot ng malalim na hininga ni Papa. Ipinikit ko ang mata ako habang nakakinig usapan nila, hindi ako makapaniwala sa naririnig kong mga salita mula kay Papa.


Hindi ko alam...Bakit?


"Nahihiya ako Nay..."


Napatigil ako sa sinabi ni Papa. Namayani ang katahimikan bago muli itong nagsalita.


"Nahihiya ako sa ginawa ko...kaya sa tingin ko ay wala akong karapatan magpakita sa anak ko. Simula nung nawala si Dorothy ay nawalan na rin ako ng gana maging ama...kaya sa tingin ko ay walang akong kwentang ama para kay Gabriella."


P...Papa...


"Raffaele...nagkamali ka, oo. Pero sapat na siguro ang maraming taon para maiayos ang nasira na. Hindi pa huli ang lahat para mapka-ama ka..." madamdaming saad ni Nanay.


Ilang segundo ang lumipas bago ko narinig ang mga munting hikbi ni Papa na nagdulot ng bultaheng karayom na tumusok sa puso ko.


Nanghihina man ang katawan ay kumuha ako ng lakas ng tumayo at lumabas ng kwarto para makita sila.


Tumambad sa akin si Nanay na yakap yakap si Papa na umiiyak sa bisig niya.


"P...Pa," I whispered.


Agad itong napalingon sa akin at nanlaki ang mata bago tumikhim at inayos ang sarili saka ako hinarap muli.


Sweet Affliction (Phoenix series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon