Chapter 37

365 15 4
                                    


The struggle of Butterflies


"Frances, anak!" Sigaw ni nanay agad ang sumalubong sa akin pagpasok ko palang sa bahay namin sa probinsiya.


"Nay!"


Dinamba agad ako nito ng yakap na ikinangiti ko.


"Ate Ganda! Ate Ganda!" Satay na Sigaw ni Jonjon at Aira.


Bumitaw aka kay nanay para salubungin ang dalawang bata.


"JonJon! Namiss kitang uhugin ka!" Sabay kiliti ko dito na ikinatawa nito bago bumaling sa kapatid nito. "Aira! Hala! Dalaga na siya, may tambok na yang boobs mo, dati nipple palang yan ah" tukso ko.


"ATE!!"


I laughed. It's so good to be back. Miss na miss ko 'tong dalawang tinuturing kong kapatid e.


"Aira, Jonjon, maghanda na kayo ng mga kutsara't mga pinggan doon para makakain na tayo, siguradong gutom na gutom na 'tong ate niyo." Utos sa kanila ni Nanay.


Agad naman itong sumunod bago muling tumingin sa akin si Jonjon na may nagtatanong na tingin.


"Mamaya na pasalubong..." I mouthed. Ngumiti ito ng malawak kaya natawa ako.


"Frances..."


Humarap ako kay nanay na Seryoso ang matang nakatingin sa akin. "Nay, nasa labas Yung mga pasalubong ko sa mga bata, kukunin ko lang....kaunti lang naman po iyon—"


"Kamusta ka? Ang pag-aaral mo? May mga kaibigan ka ba? Yung pagtatrabaho mo, kamusta ka doon? Tinatrato ka ba ng maayos? Sinabi ko namang kasing hindi mo na kailangan mag trabaho, ako ng bahala..."


Napangiti ako sa sunod-sunod na tanong ni Nanay. Nung gabing sinabi ko sa kanya na uuwi na ako ay agad niya akong pinaulunan ng tanong dahil sa narinig niya ang mga hikbi ko.


"Frances, Anak may problema ka ba?" Tanong nito. Ngumiti ako at umiling.


Mukhang hindi ito nakumbinsi sa tugon ko kaya Walang salitang lumapit ito sa akin at niyakap ako.

Sweet Affliction (Phoenix series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon