Chapter 1

20 1 0
                                    

                                                                           

                 Nasaan ako? Saang lugar ba ito? Bakit halos lahat ng nakikita ko naka suot puting damit? Nasa langit naba ako? Oh baka patay na ako. Nilapitan ko yung matandang naka upo sa bleacher at tinanong ko ito.

"Lola alam nyo po ba kung saang lugar ito?"

tanong ko sa kanya ngunit hindi man lang ito sumagot, inulit ko yung tanong ko sa kanya ngunit ganon parin hindi sumagot. Mukhang bingi ata tong matandang to. May biglang lumapit sa kanyang lalaking naka puti din ng suot mukhang tinatawag nya ito. Laking gulat ko ng sumagot yung matanda don sa lalaking lumapit sa kanya. May saltik ata tong matandang to nong ako nag tanong hindi man lang ako sinagot pero yung lalaki sinagot nya. Makahanap na ngalang ng ibang mapagtatanongan.

Palinga linga ako ng may biglang bumangga sa akin ngunit laking gulat ko ng tumagos lang ako don sa bumangga sa akin na para bang walang nangyari. Ni hindi man lang nadapa yung naka bunggo sa akin ano ba yung nangyayari sa katawan ko? bakit parang invisible ako sa mga taong nandito. Hindi ako naririnig ni kahit anong gawin kung sigaw wala man naka pansin sa akin. hindi rin nila ako nakikita kahit sumayaw pa ako, gumulong gulong pa ako hindi nila ako nakikita. May powers kaya ako? Kasi kahit hawakan ko sila tumatagos lang yung kamay ko. Impossible namang namang patay na ako! Kasi kung patay na ako bakit andito pa ako sa mundo ng mga tao. Baka talagang may powers ako tapos naka on yon kailangan kulang gawin i off ko yung powers ko para marinig na nila ako at makita. Tama yon ang kailangan kung gawin. Pero ang tanong pano ko yon gagawin?. Habang nangangawit na yung paa ko kakalakad umupo ako don sa bleacher.

"Ate ganda bakit mag isa kalang dito?"

"Nakikita mo ako?" gulat kung tanong sa kanya.

"Opo ate ganda nakikita kita gaya ng mga taong nandito sa hospital."

"Hospital?"

Opo ate ganda andito po tayo sa hospital." malungkot nyang sabi sa akin.

"teka bakit malungkot ka ata?"

"May sakit kasi si mom kaya ako nandito."?

"eh yung dad mo asan? bakit hindi ka nya sinamahan mag bantay sa mom mo?"

"Iniwan na kami ni dad hindi na kami mahal ni dad, kaya ako nalang nag babantay kay mom ngayon." Malungkot niyang sabi sa akin.

"Alam mo bata maging matatag ka para sa mom mo dahil ikaw nalang ang tanging kayamanan nya ngayon. Hwag mo sya papabayaan, alagaan mo syang mabuti at mag pakabait ka sa kanya para maging masaya yung mom sayo."

"Tawagin mo nalang akong Vince ate ganda, hwag po yung bata kasi ang pangit pakinggan."

"Oh sya sige vince na tawag ko sayo."

"Ano po pala ang pangalan nyo ate ganda?"

"Pasensya kana vince hindi ko kasi alam yung pangalan ko."

"Bakit po wala po kayong pangalan ate ganda? Saan po yung mga magulang mo?."

"Hindi ko alam eh! Hindi ko matandaan kung sino yung mga magulang ko, kaibigan pati pangalan ko hindi ko alam."

"Ganito nalang ate ganda since hindi mo matandaan yung pangalan mo ako nalang gagawa ng pangalan sayo. Ok bayon sayo ate ganda?"

"Abay oo naman vince magandang idea yan, basta siguraduhin mo lang na maganda ang ipapangalan mo sa akin." Excited kung sabi sa kanya.

"Keshie ate ganda ok ba sayo?"

"Sige go na ako sa keshie"

"Simula ngayon ate keshie na itatawag ko sayo, sige po ate keshie pupuntahan kulang si mom baka gising nayon."

"Sige vince basta kapag kailangan mo ako tawagin mo lang yung pangalan ko at darating ako."

"Sige po, bye ate keshie" paalam nya sa akin.                                            

Continued ~

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon