○
Keshie P.O.V
Pangalawang araw ko na dito kasama si steve. Sumama kasi ako sa camping nila at pumayag naman sya, pero wala naman akong makakausap dito dahil kausap ni steve si stella yung childhood friend nya. Kanina pa ako naiinis sa stella na yan akala mo ahas kung maka pulopot ang higpit at ito namang steve gusto rin nya! Maka alis nga muna kesa naman sa tomunganga ako dito habang tinitignan silang dalawa.
Nasa kalagitnaan nako ng gubat ng may narinig akong umiiyak, sinundan ko ito kung san nanggagaling yung iyak nayon baka kailangan nya ng tulong. Ng makarating ako nakita ko yung babae naka upo tapos puti yung suot nya. Umiiyak parin sya! Hindi nya ata ala na andito ako sa harap nya.
"Miss kailangan mo ba ng tulong ko? Nawawala kaba?" Ngunit hindi parin ito sumasagot at pinag patuloy parin nya yung iyak nya.
"Miss tumahan kana, walang magagawa yang pag iyak mo."Bigla syang tumigil sa pag iyak at tumingin sakin, Dyos porsantisimo ang dami nyang dugo, yung mata nya ngingitim na pati din yung sugat nya.
"Nako miss malala nayang sugat mo nangingitim nayan, kailangan Mo ng pumunta sa hospital para magamot nayang sugat mo." Sabi ko sa kanya, nako buti naman at buhay pa sya sa lagay nayan.
"Hindi kaba natatakot sakin?"malamig nyang tanong sakin.
"Hindi bakit naman ako matatakot sayo, saka nag alala nga ako sayo dahil kalagayan mo ngayon."
"Patay na ako matagal na, kaya hindi na gagaling itong mga sugat ko. Sa katunayan isa na akong multo ngayon."
"What patay kana? Kailan?" tanong ko sa kanya, nakakagulat naman tong babaeng to." Teka mabuti pa ipaliwanang mo sakin ang nangyari sayo kung bakit patay kana."
"Matagal na akong patay mahigit isang taon narin ang nakalipas, nangyari ito sakin nung camping namin dito dati. Naligaw ako non hindi ko na alam kung saan ang daan pauwi, laking pasalamat ko ng makita ako ng kaklase ko na si jake nag patulong ako sa kanya na makabalik don sa tent namin. Pero iba ang ginawa nya sakin."
"Bakit ano ba ang ginawa nya sayo?" Tanong ko sa kanya ng may bahid na lungkot sa boses ko.
"Akala ko yung dinadaanan namin papunta yon sa camp namin ngunut nag kamali ako dahil mas niligaw pa nya ako ng husto at don nya ginawa ang pangrarape nya sakin. Nanlaban ako sa kanya ngunit sinapak nya ako ng malakas, sumisigaw ako non humihingi ng tulong nag baba sakaling may makarinig sakin ngunit pinalo nya ako ng matigas na bagay yung ulo ko at nilibing nya yung katawan ko dito sa kinuupuan ko sa ilalim nya andyan yung bangkay ko nakalibing at na aagnas na ito."paliwanag nya sakin habang umiiyak sya.
"Ito ba ang dahilan kaya hindi matahimik ang kaluluwa mo? Gusto mong makulong yung may gawa sayo nito at mailibing ng tama yung bangkay mo?" Tanong ko sa kanya.
"Oo tama ka dyan, ngunit hindi ko magawa dahil sa kabila ng lahat walang dumadaan dito dahil natatakot sila sakin lalo nat kapag nag papakita ako sa kanila. Kaya ang ginagawa ko nalang ay umiiyak ako dito nag babasakaling may makarinig sakin at ikaw palang ang ka una unang taong pumunta dito ng hindi natatakot sakin."
"Nako kinagagalak ko pa nga makilala kita at matulungan kita. Keshie pala name ko anong pangalan mo?"
"Isabelle is my name" ngiting sabi nya sakin.
"Dyan kalang ah pupunta muna ako don sa camp ipapaalam kulang sa kanila ang nangyari sayo, hwag ka mag alala babalik din ka agad ako."
"Nako salamat talaga keshie."
"Sige una na ako dyan kalang ah, hwag kana umiyak, babalik din ako dito." Sabi ko sa kanya at bumalik na don sa camp. Tamang tama nakita ko si steve na parang may hinahanap.
"Keshie san ka galing kanina pa kita hinahanap?"tanong nya sakin. Wala namang nakakakita samin dito kaya medyo malakas yung pag kasabi nya sakin.
"Ano kaba steve syempre gumagala, alangan namang tomunganga ako kakatingin sainyo ni stella tapos hindi mo naman kinakausap. Sa katunayan nga may nakilala ako don sa gitna ng gubat."
"What? So nakikita ka din nya?"tanong sakin ni steve.
"Alangan namang hindi nya ako makikita eh multo kinausap ko don sa gitna ng gubat, umiiyak panga eh." Sabi ko sa kanya.
"Uy keshie hwag ka nga mantakot dyan."
"Hindi kita tinatakot steve, sa katunayan nga humihingi sya ng tulong sakin kailangan nating ipaalam na may bangkay don sa gitna ng gubat."
"Bangkay?"
"Ay hindi taong nilibing ng buhay, syempre bangkay nong multong kausap ko kanina. Saka kailangan ko rin ng tulong mo, kailangan mo ipaalan sa mga kasamahan mo yung tungkol don sa bangkay." Paliwanang ko sa kanya.
"Sige tutulungan kita, samahan mo ako dahil ikaw ang susundan namin papunta don kung saan naka libing yung bangkay nayon."
"Nako nako maraming salamat talaga steve." Masayang sabi ko sa kanya.
"Steve kanina kapa namin hinahanap san kaba galing at tayoy kakain na." Sabi ng prof nya na kasali rin sa camp at ito nanamang stella nato kakarating lang ni steve at heto naka pulupot naman kay steve. Sarap hambalusin.
"Kailangan nyo akong tulungan, may naamoy akong aagnas na bangkay don sa gitna ng kagubatan, tumawag kayo ng police at kailangan nilang malaman ito."
"Sige sasamahan ka namin, Klent tumawag ka ng police ngayon din kayo boys sumama kayo samin ni steve mag dala kayo ng pala dahil gagamitin natin yan." Agarang sabi ni prof sa kanila.
BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay