○
"Teka diba police yung tito mo steve? Bakit may alam din sya sa pang gagamot? Gayong hindi naman sya nurse or doctor." Tanong ko sa kanya.
"May alam yung tito ko sa panggagamot dahil part din yan sa training nya nong nag po-police sya, incase of emergency lang yang ginagawa ni tito lalo nat marami yung sugatang students at kailangan agad ng first aid lalo nat kulang yung nurse na andito." Paliwanag nya sakin ngunit mahina lang yung pagkakasabi nya para hindi sya marinig ng ibang taong nandito.
"Ah ganon ba yon."
Ng mawala na yung apoy nag simula narin mag investigate yung mga police tungkol sa nangyaring sunog sa loob ng science lab. Ayon sa CCTV na nakuha wala namang kahina hinalang pumasok sa loob ng science lab bago dumating yung mga students na gagamit sa loob para gumawa ng experiment. 3 pm pumasok yung mga students sa loob tapos nag simula naman yung sunog sa loob bandang 3:30. Mahigit 30 minutes ang pagitan ng pagpasok ng mga students sa loob bago nag simula yung apoy. May ilang katanongan din yung mga police sa mga taong nandito ngayon.
"Pwede ba kitang matanong? Tungkol sa nangyari kanina?" Tanong nong tito ni steve sa babaeng sugatan.
"Sige po" sagot naman nong babae.
"Pwede mo iba ipaliwanang saamin yung nalaman mo bago pa nag simula yung sunog." Ka agad naman itong pinaliwanag nong babaeng sugatan.
"Pag pasok namin maayos po yung sa loob wala pong usok. Bigla nalang kaming nag taka ng biglang may umusok akala namin galing yon sa ginawa naming experiment ngunit yung usok nang galing ito sa labas ng bintana kaya po ito naka pasok, nag panic na po kami sa loob dahil sa takot at kaba. Sinubukan po naming buksan yung pinto ngunit hindi po namin ito mabuksan dahil naka locked po ito sa labas. Wala napo kaming choice kundi dumaan sa bintana ngunit hindi na namin na gawa dahil nag simula na po lumakas yung apoy kaya po na stucked kami sa loob." paliwanag nong babae.
"Sige salamat iha."
Iniwan ko muna si steve at pinuntahan ko yung sunog na science lab ngayon, grabeh naman may gawa nito walang awa buti nalang hindi masyadong malakas yung sunog baka kung nangyari yon wala na kaming maabotan dito kahit yung mga estudyanteng nadamay sa loob baka natupok na ng apoy.
Buti nalang talaga naagapan agad ng mga bombero. Sa palagay ko malaki ang galit ng may gawa nito, pinuntahan ko yung cctv footage at sinuri ko ito ng mabuti at may nakita akong shadow sa may bandang gilid ng camera hindi ito masyadong nahagip ng cctv dahil ang fucos lang ng kuha sa cctv ay yung hallway at ang science lab. Agad kung pinuntahan yung gilid ng cctv at may cr dito kaya pumasok ako, hindi ko naman kailangan kumatok dahil tumatagos lang naman yung katawan ko sa kahit anomang bagay.
sakto din yung pag pasok ko ng may nakita akong dalawang lalaki at isang babaeng nag tatawanan sa loob. Hindi naman nila ako napapansin dahil hindi naman nila ako nakikita.
"Sayang naagapan agad yung sunog yan tuloy sugat lang yung natamo nila." Sabi nong babaeng na naka kulay red yung buhok, tinignan ko yung tag name nya at nalaman ko agad ang pangalan nya. Buti nalang talaga hindi nila ako nakikita laking pasalamat ko na may maitutulong rin pala itong pagiging invisible ko.
"Tsk sasusunod na gagawin natin yon mamatay na silang lahat, saka tunayan kulang payong kanina sa ginawa nila sakin! Pagod na ako sa pang bubully nila sa akin and now it is the right time na gumanti ako sa kanila" sambit nong lalaki na kulay gray yung buhok.
Agad ko rin nalaman ang pangalan ng tatlong to dahil naka lagay yon sa kanilang uniform.
"I want them all to die, nakipag break sa akin yung girlfriend ko dahil sa kababuyan nilang ginawa kay leah at pinalabas talaga nilang ako ang may gawa non." Galit na sabi nitong matangkad na lalaki at kulay ash yung buhok.
"Oh sya kita nalang tayo mamaya bago natin simulan ang ikalawang mission natin." Sabi nung babae sa dalawang lalaki at nag kanya kanya na sila ng alisan.
Ngayon malinaw sa akin ang dahilan na kung bakit nila yon ginawa pero hindi parin iyon tama. Tinignan ko yung buong loob ng cr kung may bugs bang nakakabit at ng may nakita ako laking pasalamat ko dahil hindi na ako mahihirapan lalo nat gumagana pa itong bugs na nakalagay dito.
Agad rin akong bumalik kay steve at kweninto ko sa kanya lahat ang narinig ko don sa cr sinabi ko narin sa kanya yung mga pangalan nong tatlo at agad din nya ito sinabi sa kanyang tito. Sinimulan na namin ikabit yung bugs sa computer at pinakinggan yung kanilang sinasabi.
Matapos nila itong pakinggan agad pinatawag yung tatlo at tinanong sila ni tito bruce at pina amin sa kanilang nagawang kasalanan ngunit pilit parin nila itong tinatanggi.
"Wala po kaming kasalanan sa sunog, ng time na yan nasa lunch area po kaming tatlo kumakain ng bigla nalang namin narinig yung sigaw na biglang nag ka sunog sa science lab."
"Oo nga po andon po ako kasama yung kaibigan ko, talagang wala kaming kinalamang tatlo dyan sa sunog malabong mangyari yon dahil hindi namin yon kayang gawin sa kawpa naming classmate." Pangangahulugan nilang dalawa habang yung isang babae tahimik lang at hindi nag salita.
"Jack ipakita mo sa kanilang tatlo at iparinig ang evidence na nakuha namin don sa loob ng cr. mukhang hindi nyo alam na may bugs na naka kabit don sa loob ng cr kaya malabo nyo iyon makita dahil sa liit non."
Ng pina play na yung video bigla silang nagulat dahil kita yung mukha nilang tatlo at malinaw na maririnig mo yung kanilang pinag uusapan.
Hindi na sila nakapag react dahil na huli na sila sa kanilang akto! Matapos non pinosasan na sila ng mga police at dinala na doon sa presinto.
"Keshie salamat pala don sa binigay mong evidence at natulungan mo yung students dito na makakuha ng justice sa ginawa sa kanilang pag kulong don sa loob" ngiting sabi sa akin ni steve.
"Ano kaba steve bukal sa kalooban kung tumulong lalo nat ito lang ang tanging magagawa ko ngayon ang tumulong sa ibang tao na nangangailangan rin ng tulong natin. Saka kung hindi dahil sayo hindi rin natin sila matutulungan kaya salamat din steve" sabi ko sa kanya at ngumiti lang ito sa akin.
"Alam mo keshie hindi ko talaga hilig to yung tumulong at mag investigate sa mga crimen na nangyayari sa paligid ko, pero nung dumating ka binago mo yung dating steve na walang paki alam sa iba at may sariling mundo na ngayon ay tumutulong na sa mga taong higit na nangangailangan ng tulong sa atin."
"Kuya huhuhu buti buhay kapa! May nangyari ba sayo? ok kalang ba? Ano dadalhin naba kita sa hospital." pag dra-drama ng kapatid nyang si zasha.
"Ano kaba hindi ako victim dito tumulong lang ako sa students dito kaya ako nag ka sugat, ikaw naman zasha ang OA mo."
"Wow malaking himala ata yan kuya! Anong pumasok sa isip mo at sinangkalan mo pa talaga yang buhay mo para mag ligtas."
"Wala, alangan namang tumingin lang ako at mag pabaya kung kaya ko namang tumulong bakit hindi. You know zasha people changed" sagot naman ni steve sa kanyang kapatid.
"Nako nako! Siguradong pati si mom at dad magugulat sa ginawa mo dahil ngayon palang sinabi na sa akin ni tito bruce nung nangyari kanina at nasabi narin nya ito kina mom and dad."
Ang saya siguro kapag may kapatid ako dahil may ma sasabihan ako ng problema, makakasabay sa tuwing kakain, mag kukwentuhan, mag babangayan etc. Yan kasi yung nakikita ko kina steve at zasha ngayon ang saya nila tignan. Hindi mo akalain na ang masungit at suplado na si steve masayahin at mabait pag dating sa kanyang kapatid na si zasha, nag pa alam muna ako kay steve dahil may pupuntahan pa ako hindi na sya nag tanong kung saan ako pupunta dahil alam na niya kaya pinayagan nya agad ako.
BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay