Chapter 22

12 1 0
                                    


Steve POV

"Dude girlfriend mo ba yang si stella?" Waren said, kasama ko kasi ngayon si stella sa camp namin. sya yung exhange student sa city high ibig sabihin mag aaral sya sa school namin for 5 months kaya sya nasali dito kasi classmate ko sya.

"Hindi Actually stella is my childhood friend."

"Totoo ba yon stella?" Mark said.

"Yup totoo yong sinabi ni steve"

Sa totoo lang hate ko yung babae na pumo- pulupot sakin at kahit kaibigan ko itong si stella naiinis na ako sa kanya, kanina pa to! Parang ahas kung maka kapit. Ok sana kung girlfriend ko to pero hindi eh.

"Guys punta lang ako sa tent may kukunin lang ako" pag dadahilan ko pero ang totoo para makausap ko si keshie, hindi ko na kasi sya nakausap kanina kasi bigla nanamang nawala.
Saka isa pa gusto kung makawala dito kay stella, kanina pa kasi ako naiinis kaso hindi kulang pinapahalata.

"Sige pare" justin said.

"Steve sama ako?." Pambihira kaya nga ako aalis dahil sa kanya tapos eto nanaman sasama sya sakin. Hindi ko nalang sya sinagot at pumunta nako sa tent para kunin yung cellphone ko. Naiwan ko kasi kanina nakalimutan kung dalhin.

"Uy steve wait nga! Bakit kaba nag mamadali? Parang ayaw mo akong kasama." Stella said.

"Hindi sa ayaw kitang kasama stella, wala akong sinabing ganyan sayo ok." At ito nanaman sya kumapit sakin.

"Eh bakit parang galit ka sakin?"

"Hindi ako galit sayo stella, saka kanina ko pa napapansin kapit ka ng kapit sakin alam mo namang yon ang pinaka ayaw ko sa babae diba?" Paliwanag ko sa kanya.

"But steve I'm your childhood"

"Exactly you are my childhood friend stella pero babae ka parin, alam kung alam mo na ito lalo nat ito ang pinaka hate ko sa lahat. Nasabi ko na ito sayo nong mga bata pa tayo, Saka ang pangit tignan na ang tingin ng iba sa atin may relasyon tayo dahil ang sweet mo sakin pero ang totoo naman hindi. Pwede ka naman sumabay sakin pero hindi kailangan ipulopot mo pa yang mga kamay mo sa braso ko. Alam mo naman siguro ang salitang distance diba?."

"Yes i know that, hindi ako bobo para hindi yan maintindihan steve. Pero mga bata pa tayo non nakalimutan ko nayon dahil sa tagal ng panahon."

"Ngayon ipaalala kulang ulit sayo ayaw ko sa babaeng nakapulupot lagi sakin, siguro naman hindi mo na yan makakalimutan."

"Bakla kaba steve?"

"Hindi ako bakla ok, actually may gusto na akong babae kaso hindi pa pwede at kung tatanongin mo ako kung sino sya sorry pero hindi sya available para malaman mo." Matapos non iniwan ko na sya, mga babae nga naman nakapag Punta lang ng ibang bansa tapos pag balik dito umiba na agad ugali.

Hindi ganyan ang stella na nakilala ko noon. dati kasi isa syang mabait na kaibigan,walang arte kung mag salita pag sinabi ko yung mga hate ko sa babae hindi nya yon ginagawa sakin at ganon rin ako sa kanya. Lagi kaming nagkikita sa may park para mag laro, wala pa kasi si zasha nong mga time nayon at ni minsan hindi ko pa sya napapakilala kina mom at dad oh nadala sa bahay namin dahil ayaw nya raw pero hindi ko alam kung ano reason nya basta pag sinabi nyang ayaw, ayaw talaga nya. Pero yung stella ngayon grabeh laki ng pinag bago mas naging clingy sya sumubra pa nga eh, ang arte nya mag salita over masyado, kung makapag make up kulang nalang maging clown sya dahil sa baga ng make up na nilagay nya.

"Hoy steve bat andito ka? Mag isa ka yata? Si stella hindi mo kasama?" Tanong sakin ni keshie, kadarating lang ata ng multong to hindi ko kasi sya napansin.

"Isa isa lang mahina kalaban." Sabi ko sa kanya.

"Hahaha oo na, pero bakit ka nga ba mag isa?"

"Wala gusto kulang mapag isa may masama ba don?"tanong ko sa kanya.

"Oo kasi wala si stella sa tabi mo, simula nong nagkita kayo dito sa camping bilang kulang yung mga minuto na hindi kayo mag kasama."

"Nag seselos kaba?" Sabi ko sa kanya ng may malaking ngiti.

"Sa totoo lang oo nag seselos ako, kasi wala akong makausap ni isa dito kasi busy ka don kag stella, pero naiitindihan kita kasi matagal din kayong nag kita. Kaya nga gumagala ako para mag hanap ng maka usap kaso wala ako mahanap eh, naka akyat na kasi si isabelle sa langit kaya hindi ko na sya makakausap ulit." Paliwanag nya sakin pero akala ko talaga nag seselos sya dahil may gusto sya sakin yon pala dahil wala syang makausap.

"Oh heto na ako, nakakausap kaya hwag kana mag selos ok, saka isa narin sa dahilan kung bakit ako mag isa ngayon dahil gusto kung makawala kay stella kasi alam mo yung para syang ahas palaging naka pulupot sakin."

"Uy hwag ka ngang ganyan steve, kaibigan mo parin sya maka ahas ka naman wagas."

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon