"Halika vince balik na tayo baka hinahanap na tayo ng mommy mo." Sabi ko sa kanya at sumunod naman ito sa atin.
"Ate sino po yung sinasabihan nong dalawang babae na baliw?"
"Baka yung na panood nila sa tv yung pinag uusapan nila vince alam muna kwentuhan ng mga chismosa kaya hwag mo nalang sila pansinin."
Ng maihatid ko na si vince nag pa alam ulit ako sa kanya para puntahan si steve sa kanila bahay. Ng makarating na ako tumagos lang ako sa kanilang gate kaya naka pasok ka agad ako. Buti nalang wala silang aso sa kanilang bahay hate ko pa naman yung aso dahil takot ako, pero yung sinasabi ko kanina binabawi ko na dahil pag pasok ko sa kanilang bahay humarang agad sakin ang malaki nilang aso na parang galit at gusto akong kainin.
"Aw! Aw! Aw!"
"Shoo! Umalis ka dito, lintik kang aso ka hindi ka talaga aalis." Ginawa kulang naman ay tinakot ko sya at bigla itong tumahimik at pumasok na sa loob. Akala ata ng aso nato multo ako.
Nakita ko si zasha sa sala nanonood kdrama ang tittle ng pinapanood nya ay my id is a gangnam beauty. Ganda nong girl saka nong lalaki, bet ko na sya maging asawa ko ang gwapo talaga. ikaw na lalaki na andyan sa tv wait mo lang ako kasi kapag naka balik na ako sa katawan ko hahanapin kita at mag papakasal tayo.
ay muntik ko ng makalimutan si steve pala yung sadya ko dito, iniwan ko na si zasha sa sala at hinanap ko yung kuya nya sa taas. May apat na kwarto sa itaas yung isa kulay pink, pangalawa ay kulay blue, pangatlo kulay gold at pang apat kulay white.
Wow di ko alam mahilig pala silang pamilya sa color coding. Una kung pinasok yung kulay pink hula ko sa kapatid nya ito na kwarto kasi puno ng picture nya at mga kdrama na naka dikit sa dingding ng kanyang kwarto. Sunod kung pinasok yung color white and i think sa kanilang mom at dad ito kasi queen size yung bed tapos may picture ng kanilang mom at dad na naka suot ng damit na pangkasal.
Next ko binuksan yung blue at ayon nakita ko si steve naka higa sa kanyang kama at tulog ito.Dahan dahan akong nag lakad pa punta sa kanyang kama at hindi ako gumagawa ng ingay. May maganda ako na isip kaya ang ginawa ko lumapit ako sa kanyang tenga at bumulong.
"Kapag lumingon ka mamatay ka sa sindak ni braha." pangtakot ko sa kanya at umipekto naman ito.
"Sinong sisindak kay braha?" Gulat nyang tanong ng magising sya, kumurap pa ito sya bago tumingin sakin. Hindi nya naman ako mamumukhaan dahil parang white lady yung style ko ngayon dahil nata bunan ng buhok ko yung mukha ko. Gusto ko na talagang matawa ngunit pinigilan ko ng hindi nya ako mahalata.

Unti unti akong lumapit sa kanya. "Mu...mul...to! Whaaaa zashaa may multo! na buhay si sindak braha." Patakbo nyang sigaw papalabas sa kanyang kwarto at pumunta sa kanyang kapatid.
"Whahaha ang epek ng mukha ni steve parang na tatae hahaha" pagulong gulong kung tawa sa sahig.
"Ano ba kuya bakit mo ba ako pinapunta dito? Saka bakit parang takot ka?."
"May nag pakita sakin multo, buhay si sindak braha." Takot na sabi ni steve sa kapatid nya. Hahaha nakakatawa ka talaga steve.
"Huh anong multo? At bakit na buhay? Alam mo kuya yan ang napapala mo kakapanood ng horror movie."
"Hindi, talagang nag pakita sakin si sindak braha bumulong panga sa tenga ko."
"Kuya hindi sindak ni braha yon sadako yon, yung pinapanood mo. Saka wala namang multo dito sa kwarto mo! baka panaginip mo lang yan kuya. Ikain mo nalang yan, oh sya baba nako ipagpatuloy ko muna yung pinapanood ko." umalis na si zasha at si steve naman ay agad tumakbo sa kanyang higaan at naka balot lahat ng kumot yung katawan nya.

BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay