chapter 29

13 1 0
                                    


Umakyat na yung mom ni vince sa taas dahil mag papahinga lang muna raw ito, siguro napagod yung mom ni vince kanina.

"Vince ganda ng bahay nyo simple but elegant yung dating, sino ba nag pagawa nito?" Tanong ko sa kanya.

"Si mom po ate keshie at hindi po alam ni dad ang bahay nato tanging kami lang ni mom yung nakakagawa. Naisipan kasing mag pagawa ng bahay si mom dahil lalayas kami sa bahay namin ay may matitirhan parin kami ni mom."paliwanag sakin ni vince.

" Eh bakit diba kasal yung mom at dad mo? so may karapatan kayong tumira sa bahay nayon."

"Opo ate kasal yung mom at dad ko pero hindi na kasi namin kayang tignan na gabi gabi nag dadala ng babae si dad sa bahay habang si mom at ako ginawa lang katulong sa bahay namin. Kaya hindi nag tagal naisipan na namin ni mom na umalis sa bahay nayon." Malungkot nyang sabi sakin.

"Grabeh yung dad mo vince ginawa nya talaga yon sa inyo ng mom mo! Hindi ba nya naisip na pamilya nya kayo." Sabi ko sa kanya.

"Galit kasi si dad kay mom ate keshie dahil si mom yung dahilan kung bakit hindi nag katuluyan si dad at yung girlfriend  nya dati dahil kay mom. Arrange marriage kasi si mom at dad kaya ayon subrang galit ni dad kay mom. Hindi naman yon ginusto ni mom na ma ikasal kay dad dahil may boyfriend din si mom dati pero walang magawa si mom dahil yung lola ko ang laging nasusunod which is mama ng mom ko. Hanggang na fall si mom kay dad pero si dad wala paring ginawa kundi mag dala ng babae sa bahay namin ni wala syang paki alam sa nararamdaman ni mom kaya ayon naghiwalay silang dalawa." Mahabang paliwanang sakin vince at makikita ko talaga sa kanyang mata yung kalungkutan dahil sa nangyari sa kanilang family.

"Ang importante vince nakalayo sa dad mo, hindi na palaging masasaktan yung mom mo, kaya dapat alagaan mong mabuti yung sarili mo, mag aral ng mabuti at tumulong ka sa gawaing bahay para hindi masyadong mapagod yung mom mo. Kasi ikaw nalang yung tanging nakakasama ng mom ko kaya dapat tulungan mo sya."

"Opo naman ate keshie gagawin ko po talaga yan at ipapangako ko sa aking sarili na kung mag kakapamilya man ako hindi ko gagawin yung ginagawa samin ni dad, mas aalagaan ko yung pamilya ko."

"Tama ka dyan vince sipagan mong mag aral para makahanap ka ng magandang trabaho, di bali kapag naka balik na ako sa katawan ko tutulungan ko kayo ng mom vince. Dahil bilang ate dapat tutulungan lagi yung bunsong kapatid. Saka kahit hindi tayo mag kadugo tinuturing na kita kapatid vince kaya simula ngayon ituring mo narin ako na para mong tunay na ate." Masayang sabi ko sa kanya at umakyat na kami sa taas upang ipakita nya sa akin yung magiging kwarto ko at nagustuhan ko ito dahil simple lang sya tapos ang ganda ng kulay sa loob at sabi sakin ni vince purple ang tawag sa kulay na ipintura sa loob.

Dami ring painting naka sabit sa dingding. "Vince sino ang gumawa sa lahat ng painting na nakasabit dito?"

"Kaming dalawa ni mom ate keshie, hilig kasi namin yung pag pa-painting yon po ang laging bonding namin ni mom." Grabeh nakakamangha naman itong ginawa ni vince at ng kanyang mom sana ganon rin kami ng mom ko.

"Kaya nga ate keshie arts po yung kukunin kung course pag laki ko dahil yan ang hilig ko at nasasabi ko rin yung gusto kung sabihin through make a painting"

"Nako magandang idea yan vince, sigurado akong matutuwa yung mom mo dyan sa kukunin mong course." Masayang sabi ko sa kanya.

"Ate keshie may na alala kanaba sa nakaraan mo?" Biglang tanong sakin ni vince.

"Meron pero hindi ko sila namumukhaan tanging boses lang nila yung naririnig ko at isang beses lang yan ng yari sakin.. Sumunod na araw hindi na ito na ulit. Kaya nga hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap yung mga magulang ko baka kasi alalang alala nayon sakin."

"Mahahanap mo rin sila ate keshie tiwala ka lang po, saka tutulungan po kita sa pag hahanap ate."

"Nako hwag na vince mag focus ka nalang sa pag aaral mo. May nahanap naman ako tutulong sakin at si steve yon."

"Mabait bayan ate? Baka lolokohin kalang nyan?"

"Mabait si kuya steve mo vince, gusto mo ipapakilala kita sa kanya sa susunod na araw? Para makilala karin nya. Lagi kasi kitang kinukwento sa kanya at sinabi ko na ikaw yung unang naka kita sakin bago sya."

"Opo ate payag po ako, gusto ko rin po kasing makilala si kuya steve. Ang saya ko po talaga kasi may ate keshie na ako mag kakaroon narin ako ng kuya steve. Hehehe only son lang kasi ako ni mom kaya tahimik talaga ng buhay ko kasi wala akong kapatid. Pero ok lang andyan naman si mom na laging nag papasaya sa akin."

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon