"Sino steve?" Tanong sakin ni tito.
"Sabihin mo steve sa tito mo na yung kaibigan nung bangkay ang salarin." Bulong sa akin ng babaeng to.
"Yung kaibigan nitong bangkay ang salarin sa pagpatay tito kaya hwag nyo po muna sya papa alisin." Pagkatapos ko sabihin yon kay tito, lumapit sya don sa isa pang police para ibalita ang nalaman ko.
Pagkatapos sabihin ni tito agad rin itong tinanong nong kasamahan ni tito sa babae.
"What? Hindi ko po yon magagawa sa kaibigan ko! Sinabi ko sainyo lahat ng nalalaman ko tapos ako pa ngayon ang salarin?." Pasigaw nong babae.
"Nako tama lang yan sa kanya, kung lahat ng taong naka palibot dito ay madadali sa kanyang pag acting! Ibahin nya ako." Nakakakilabot naman tong multo nato mag salita.
"Steve lumapit ka dito" tawag sa akin ni tito at sumunod naman sa akin itong multong kasama ko.
"Steve is the witness at ang sabi nya ikaw ang pumatay sa kaibigan mo."
"Pano mo nasabing pinatay ko ang kaibigan ko? May proweba kaba?" Tanong nong babae sa akin.
"Nako huli kana sa bibig mo miss." Sabi nitong multong kasama ko.
"Oo may proweba ako, sa may bag nong kaibigan mo may cellphone don at naka record ang pag uusap nyo kanina."
"Jack kunin mo yung cellphone nong victim sa bag nya." Agad na sabi ni tito sa kasamahan nya.
Ng makuha na ito agad itong binuksan at pinakinggan yung record na andoon.
"Ilang beses na kitang sinabihan na layuan mo yung boyfriend ko hindi ka parin nakinig sa akin."
"Pero christine mag kaibigan lang kami ni lance walang namamagitan sa aming dalawa."
"Wala akong paki alam basta layuan mo ang boyfriend ko! Kung hindi may mangyayari sayo at sa oras nayon."
"Ano papatayin mo ako? Ano bang mahirap intindihin na wala kaming relasyon ng boyfriend mo. Mag kaibigan tayo Christine tapos papatayin mo ako dahil lang dyan sa pag dududa mo sa akin?."
"Well yes gagawin ko talaga yon kapag pinagpatuloy mo pa ang paglapit kay lance. Kaibigan? Kahit kailan hindi kita tinuring na kaibigan. Kaya mauna na ako sayo! Oh wait paalala kulang mag ingat ka baka paglabas mo dito wala kana."
Matapos marinig namin lahat ang nasa record biglang nag wala si Christine.
"No hindi ako yan! Edit nya lang yan. Wala akong kinalaman sa pagpatay ng kaibigan ko."
"Sa presinto kanalang mag paliwanag" at pinosasan nila agad ito. Nakita ko naman yung multo na may kinakausap! Kaya siguro hindi ito maka tawid sa kabilang buhay dahil may saltik ito sa utak. Matapos kung mag pa alam kay tito umalis na ako ng bigla naman humarang itong babaeng multo sa harap ko.
"Oh ano nanaman? Tapos na kitang matulungan kaya pwede ba umalis kana." Sabi ko sa kanya, para akong tanga dito nag sasalitang mag isa buti nalang talaga malayo layo na ako ng hindi ako marinig ng ibang tao.
"Eto naman highblood agad, gusto kulang mag pasalamat sayo dahil tinulungan mo kami kanina."
"Kami?" So it means may kasama pa syang isang multo, shit naman kapag minamalas ka talaga itong babaeng multo pa ngalang ka usap ko natatakot na ako pano pa kaya yung sinasabi nyang kami.
"Oo kausap ko yung spirit nung bangkay kanina nag papasalamat din sya sayo dahil tinulungan mo syang maka tawid sa kabilang buhay dahil don sa ginawa mo."
"Ah ganon ba! Nako wala yon. Saka una na ako multo may kailangan pa akong gawin." Sabi ko sa kanya.
"Nako pwede ba hwag mo akong tawagin na multo, keshie nalang tawag mo sa akin."
"Oo na mul... I mean keshie una na ako."pa alam ko sa kanya at umalis na ako.
Buti nalang talaga hindi na ako hinabol nung multo nayon. Malas ng araw ko ngayon. Pag dating ko sa bahay biglang sumalubong sa akin ang kapatid ko.
"Oh kuya bakit ngayon ka lang?"
"Wala may naka sa lubong lang akong baliw kaya natagalan ako."
"Weh dinga? Baka ibig mong sabihin may naka salubong ka nanamang crimen. Alam mo kuya huli kana na eh nag sisinungaling kapa. Tito bruce called me at sinabi nyang nalutas mo nanaman yung crimen na nangyari kanina." Paliwanag ng kapatid ko. Hindi ko na sya pinansin at patuloy na akong pumasok sa loob.
Nako yung steve talagang yon tawagin ba naman akong multo, buti nalang tinulungan nya kami kanina kung hindi momultohin ko talaga yon. Sayang gwapo panaman sana kaso ang sungit.
Matapos nya akong iwan bumalik na ako don sa hospital para kamustahin si vince. Kawawang bata iniwan ng kanyang dad ni hindi man lang na konsensya yung dad nya sa pag iwan ng mag ina nya.

BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Misteri / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay