○
"Eh kailangan na naming umuwi keshie dahil may bagyo kasing darating, mahirap na baka ma stranded kami kung sasusunod na araw pa kami uuwi." Paliwanag ko sa kanya.
"Samahan nalang kita bukas pag uwi mo, pwede namang hindi ako mag teleport para naman may kasama ka."
"Nakakapag teleport ka?"
"Abay oo naman steve pansin mo naman atang bigla akong mawawala tapos lilitaw nalang bigla ng hindi mo nalalaman. Kanina nga hindi mo ako napansin nasa likod mo lang ako kung siguro hindi pa kita tinawag hanggang ngayon hindi mo parin napapansin nasa likod mo ako."
"Cool mo naman keshie kaya mo mag teleport, sana may ganon rin ako para kapag gusto ko ng umuwi sa bahay makakarating agad ako."
"Gusto mo palit tayo maranasan mo rin." Nakalokong ngiti nya sakin.
"Di bali hwag na pala gusto ko pang makapag tapos nag pag aaral,maka usap sina mom,dad at zasha."
"Hahah akoy naguguluhan sayo steve bigla kasing umiiba yung salita mo, kung kanina gusto mo maging katulad ko ngayon naman hindi." Nalilitong sabi sa akin ni keshie.
"Heheh wala lang trip ko lang. Gusto mo rin ba keshie?"
"Hwag na ayaw ko matulad sayo para kang baliw."
"Wait lang keshie dyan kalang, sasagutin kulang itong tawag ni mom." sabi ko sa kanya.
Ng sagutin ko ito nagulat ako sa binalita sakin ni mom, na accidente si zasha dahil kay chelsea, shit yung babae talagang yon may sala demonyong ugali. Nako humanda yon sakin pag balik ko! Nawala lang ako saglit ganon na agad nangyari sa kapatid ko.
"Sige bye mom, uwi ako dyan bukas. I love you mom."
"I love you too son" at binaba ko na yung tawag.
"Oh bakit ganyan yung hitsura mo? para kang sinakluban ng kaldero. Naka busangot kasi yang mukha mo! Bakit may nangyari ba steve?."
"Binalita kasi sakin ni mom na accidente si zasha may tumulak kasi sa kanya at kaninang umaga lang ito nangyari."
"Ano? kumusta naman yung kapatid mo? Ok naba sya?"
"Sa ngayon namamaga yung bukol sa noo ng kapatid ko at hindi rin sya makapag lakad ng maayos dahil pati paa nya namamaga rin dahilan ng malakas na pag tulak sa kanya." Paliwanag ko sa kanya.
"Sino namang may gawa non sa kapatid mo?." Nag alalang tanong sakin ni keshie.
"Si chelsea."
"Grabeh naman yung si Sea shell walang awa at nagawa pa talaga yon sa kapatid mo.?"
"Sea shell?" Naguguluhang tanong sa kanya.
"Oo yung si chelsea katunong nya kasi yung sea shell kung babaliktarin mo yung pangalan nya kaya yon ang tawag ko sa kanya. pero ano gagawin mo ngayon? Sa nangyari sa kapatid mo?"
"Ewan ko, baka pag nakita ko yang lechsea nayan baka mapatay ko yan, subra na yung ginagawa nya hindi ko nayon palalampasin pa."
"Relax steve puso mo, baka atakihin ka nyan, pa alala lang hindi kita madadala sa hospital sa lagay kung to."
"Hahaha ikaw mag relax dyan noo mo nakakunot" pagbibiro ko sa kanya.
"Pwede ba steve kung mag biro ka naman siguraduhin mong madadala mo ako sa biro mo."
"Eh bakit naman totoo naman sinasabi ko."
"Para ka kasing nagpapatawa ng bata na hindi mo mapatigil sa pag iyak."
Wala na wala na talaga akong panama sa multong to lagi akong supalpal dito.
"Oh ano nanaman yang iniisip mo?"
"Iniisip kulang kung bakit star yung tawag sa mga bituin."
"Hay nako mabuti pa kumain kana steve, nalipasan ka ata kanina! Punta kana don at ng makakain kana, kung ano ano nalang kasi yung lumalabas sa bibig mo."
"Busog pa ako maya nalang, masarap kasi hangin dito saka tignan mo oh ang ganda ng langit tignan." Turo ko don sa langit.
"Woah ang ganda naman, nakakawala ng stress kapag tinignan mo sya." Manghang sabi ni keshie sakin habang naka tingin parin sa itaas.
"Wow sa lagay mong yan na stre-stress kadin pala."
"Oo naman anong tingin mo sakin hindi. Tumingin nga lang sa mukha mo na stress na ako."
"Eto naman sineryoso agad."
"Ikaw din naman parang hindi mabiro hahaha, priceless ng mukha mo steve kung nakaka hawak lang ako ng cellphone sana nakunan na kita ng picture."
"Hahaha kaso hindi mo yan magagawa sakin, hanngang tingin kanalang."
"Bayaan mo kapag naka balik na ako sa katawan ko at kapag nagkita tayo ulit gagawin ko talaga yon ng hindi mo nalalaman."
"Dude andyan kalang pala, lika na tinatawag na kana ni prof kakain na tayo."
"Oh kita mo na steve hinahanap kana, kumain kana don. Dito lang ako hindi ako mawawala ok." sabi sakin ni keshie.
"Sige dude sunod na ako." Sabi ko kay christian.
"Sige dude basta sunod ka agad."
BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay