Zasha POV
Pupunta sana ako sa baba ng mahagip ko yung kwarto ni kuya na naka bukas. Isasarado ko sana ng makita ko syang nag alsabalutan ng gamit nya at may malaking bagahe sa ibabaw ng kama nya
"Kuya san punta mo bakit naka impaki ka ata?"
"We have a camping now, malayo ang pupuntahan namin saka 1 week kami don kaya kailangan madami ang dadalhin kung gamit."
"Kaya nga kuya one week lang kayo don, pero halos dala muna lahat ng gamit mo! Kulang nalang talaga mapagkakamalan kitang lalayas dahil dyan sa bagahe mong subrang laki." Pambihira talaga tong si kuya.
"Aalis nako ikaw na bahala dito sa bahay, tawagan mo ako kapag may kailangan ka." Sabi nya sa akin habang nilalagay yung gamit nya sa kanyang sasakyan.
"Alam naba ito nina mom at dad?"
"Yup tumawag sila sakin ka gabie at nasabi ko narin ito sa kanila at pumayag naman sila."
" how about my allowance kuya?"
"Nasa kwarto ko yung allowance mo for one week kaya kunin mo nalang sa kwarto ko. 50k yon"
Umalis na agad si kuya! Papasok na sana ako sa loob ng may biglang tumawag sa akin.
"Swerte naman talagang mag kapit bahay pa tayo. Destiny na talaga tayo."
"Hoy kolokoy hwag mo mga bwesitin yung araw at talagang pati dito sinusundan mo parin ako?"
"Meron kaba ngayon asha? at parang masungit ka ata."
"Hwag monga ako tawaging Asha, Zasha pangalan ko ok."
"Dinga ako nagalit ng tawagin mo akong kolokoy."
Bwesit talaga tong kolokoy nato hanggang dito ba naman iniinis talaga ako. Hindi ko na sya pinansin at pumasok na ako sa loob.
"Ang ganda pala ng bahay nyo asha."
Manghang sabi nya pero teka anong ginagawa ng kolokoy nato sa loob ng bahay namin?."Lumabas kanga, hindi ka welcome dito kaya shuppee umalis kana." Pag tataboy ko sa kanya ngunit hindi man lang ito sumagot at talagang umupo pa talaga sya feeling at home talaga itong kolokoy nato.
"Alam mo asha kahit anong gagawin mo go-goluhin talaga kita hanggat hindi mo parin ako sinasagot. Dapat nga maging masaya ka dyan at matawa dahil ang gwapo at hot na si Kenshin ay nanliligaw sayo. Hindi mo ata alam na ang daming nag hahabol saking mga babae pero ikaw lang ang pinapasin ko."
Whoa mantakin talaga ng kayabangan itong lalaki nato halos liparin nako dito sa sobrang hanging dala. " Mukhang may bagyo ata dito! Ang lakas kasi ng kapit sayo men."
"Ang sabihin mo Asha nag papakipot kalang alam ko namang may gusto karin sakin."
"Pwede ba lumayas kana dito kolokoy dahil wala akong panahon makipag lokohan sayo."
"Oo eto na aalis nako Asha mahal ko kita nalang tayo bukas." Paalam nya saka lumabas na ng bahay. Gosh talagang walang magawang tama yung kolokoy nayon sarap tirisin, matapos kung isara yung gate sa labas umakyat nako sa kwarto at nag open ng laptop ko.
Ano nanaman kayang bagong kdrama ngayon natapos ko na kasing panoorin yung legend of the blue sea, decendant of the sun, hwayugi,doctor,Wtwo worlds,hwarang,are you human, time, whats wrong with miss Secretary kim,do bong soon,lets get married at marami pang iba.
habang nag hahanap ako ng papanoorin ko may biglang tumawag sa phone pag tingin ko yung bestfriend ko pala. "Cassie na pa tawag ka?"
"Grabeh ka beshie yan talaga yung unang bumungad sa akin! Di ba pwedeng beshie i miss you so much, i can't wait to see you." Hahaha kaloka talaga tong si cassie.
"Syempre naman na miss kita besh di ko na kailangang sabihin yon sayo dahil alam mo naman kung gaano kita namiss."
"Hulaan mo beshie kung nasan ako ngayon?"
"Sa malamang nasa.... wait don't tell me umuwi kana dito sa pinas?"
"Eh beshie naman tinanong mo lang yung tanong ko sayo. But yes I'm here in the Philippines now and actually andito ako ngayon in front of your house."
Oh shit cassie is here! Hindi ko na sya sinagot at tumakbo na ako papalabas ng aming bahay. "Cassie" sigaw ko sakanya ata agad ko syang niyakap.
"Beshie oh gosh namiss kita" sabi nya sakin at gumanti rin sya ng yakap, pumasok na kami sa loob ng bahay habang tinutulungan ko syang dalhin ang kanyang gamit sa loob.
"Where is kuya steve? Bakit ikaw lang ata dito besh?"
"They have camping cassie di ko lang alam kung saan. Buti naman ata umuwi kana dito mukhang nag sawa kana ata don at buti nalang din hindi mo sinama yung ate mong bitch."
"The hell kaya nga ako umalis don dahil sa kanya, kaya nga hindi ko sya kasama diba."
"Ano bang ginawa nya sayo at parang ang laki ng galit mo sa ate mo?." Ngayon lang kulang kasi nakita itong si cassie na subrang galit sa ate nya.dati kahit sungitan oh pakitaan sya ng ugaling demonyo ng ate nya wala paring syang pakialam.
"Eh pano ba naman sumusubra na kasi ultimo boyfriend ko sinusulot pa nya, hindi na nahiya kaya galit din sina mom at dad sa ate ko pati din don sa ex kong sinulot nya. Kaya pinayagan nila akong umuwi dito at dito nalang ako mamalagi."
"Woah talaga besh, makakasama na kita ulit. Dito ka nalang sa bahay namin muna tumuloy wala naman yung parents namin ni kuya kaya ok lang."
"Ok lang ba yon kina tita? Beshie."
"Oo naman remember pamangkin ka ni mom and you are my cousin also kaya papayag yon."
"Beshie don ako mag e-enroll sa school mo. Don sa..... Teka ano nga ulit pangalan non?" Tanong nya sakin habang nag luluto ako ng pancake.
"Sa West High Academy cassie, ito tapos na yung niluto ko kain na tayo."
"Ah yon nga, hehehe matikman ko nga kung masarap ba luto mo besh."
"Syempre masarap yan kaya nga Culinary yung kinuha kung course diba dahil gusto kung mag tayo ako ng sarili kung restaurant."
"Hmm hindi nag papahuli itong luto mong pancake sa sarap beshie. Pero ma iba tayo may boyfriend kana ba?"
"Wala no, pero may araw araw na ng bu-bwesit sakin yung kolokoy nayon."
"Weh dinga? Saka sino naman yang hashtag kolokoy na sinasabi mo?"
"Si kenshin, bukas makikilala mo sya. Kaka alis lang nga rin nya dito kanina bago ka dumating."
"Ahsus iba nayan besh yung kolo.. I mean yung kenshin nayon may papuntang nalalaman na dito sa bahay mo. Alam na ba yan ni kuya steve?"
BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Gizem / GerilimIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay