chapter 10

15 1 0
                                    


Kevin POV

"Doc!"

"Bakit kevin? May kailangan ka?"

"Pwede po bang ngayon ko nalang kunin yung leave ko? May sakit kasi yung kapatid ko at walang mag babantay sa kanya."

"Sige ako na bahala, umuwi kana."

"Salamat doc" ngiting sabi nya sakin.

Pinuntahan ko muna yung isang pasyente ko mahigit isang taon na syang coma at hanggang ngayon walang ni isang pamilyang dumadalaw sa kanya, ang tanging alam ko lang tungkol sa kanya ay ang pangalan nya na naka sulat sa kanyang damit. yung surname nya hindi ko alam dahil nong dinala sya dito ay walang i.d na nakita sa kanyang sasakyan pati cellphone ay wala rin kaya hindi rin namin ma contact ang kanyang family. Tanging pangalan nya lang kasi ang nakatatak sa kanyang damit.

Miracle talaga yung nangyari sa kanya dahil sa accidenting yon naka ligtas parin sya at hanggang ngayon makikita ko parin sa kanya na lumalaban sya. I don't know kung kailan sya magigising dahil masyadong na apektuhan ang kanyang utak dahil sa accidente na nangyari.

Umuwi na ako sa apartment ko at pinag patuloy ko ang ginagawang pag hahanap sa kanyang pamilya ngunit naka ilang tanong na ako wala paring sagot. Ng may biglang nag message sakin na hindi ko kilala! Tinatanong nya sakin kung may isang pasyenteng bang nag ngangalang Liandra Clarkson.

"Meron pong pasyente dito na kaparehas ng pangalan sa anak nyo ngunit yung surname hindi po namin alam. Kung gusto nyo po syang makita pumunta nalang po kayo sa hospital nato." Sabi ko don sa babaeng tumawag sakin bago nya binaba yung tawag.

Nakakapagod ang araw nato andaming trabahong gagawin. Matutulog na sana ako ng biglang tumawag sakin si mom.

"Mom napatawag po kayo? May nangyari ba?" Tanong ko sa kanya ngunit tahimik parin ang kabilang.

"Anak ang kapatid mo!"

"Bakit mom anong nangyari  kay Rea?" Kinakabahan kung tanong kay mom.

"I'm sorry anak for keeping this to you pero hindi ko na kaya." Iyak nyang sabi sakin.

"Mom tell me what happened to Rea? Is there something wrong na hindi ko alam?"

"Yung kapatid mo....  Na aksidente at limang buwan na syang coma hanggang ngayon hindi parin sya gumigising, I'm sorry anak sa pag sisinungaling ko sayo na ok lang si Rea dito."

"Mom bakit mo ito nilihim sakin sa loob ng limang buwan?. Mom may karapatan akong malaman to dahil kapatid ko yon." Galit kung sabi kay mom habang umiiyak nako dito sa kwarto ko.

"I'll be there tomorrow, uuwi ako dyan mom."

"Pano yung trabaho mo dyan sa California na maiiwan mo?"

"I will file a leave ako na bahala mag paliwanag basta ang importante makita ko yung kapatid ko at matulungan kitang mag alaga at mag babantay kay Rea"

I have a sister and her name is Andrea but i was comfortable na tawagin ko sya sa nickname nyang Rea. Matanda lang ako sa kanya ng apat na taon, Ang masakit lang ay nangyari yon sa kanya at nilihim pa ito sakin ni mom.

Hindi na ako natulog at nag simula na akong mag impaki ng mga damit ko, tapos narin akong mag paalam don sa hospital na pinag tatrabahuan ko at pumayag naman sila na mag file ako ng leave for 8 months. Andito na ako ngayon sa airport at hinihintay ko nalang yung oras ng flight ko.

"Anak I'm so-sorry dahil ngayon kulang sinabi sa kuya mo ang nangyari sayo. Sorry dahil na sigawan kita nong gabie nayon at sorry din dahil hindi ako naging mabuting ina sayo simula nong mawala yung dad mo. Subrang pinagsisihan ko talaga ang mga nagawa kung kasalanan sayo Rea please gumising kana dyan! May surprise panaman si mom sayo darating na yung kuya mo ngayong umaga mag kikita na ulit kayo anak kaya gumising kana dyan para makapag celebrate na tayo kasama ang kuya mo. Sa susunod na araw na yung birthday mo anak mag de-debut kana tapos gusto invite natin yung mga classmates mo?"

Halos hindi ko na mapigilang umiyak ng marinig ko lahat yung mga sinasabi ni mom kay rea, hindi ako gumawa ng ingay habang papasok ako sa kwarto ng kapatid ko. Bigla akong nanlumo ng makita ko ang kalagayan ng kapatid ko andaming naka kabit sa katawan nya at pumapayat narin sya.

"Anak buti andito kana." ka agad na sabi sakin ni mom habang papalapit ito sakin at niyakap nya ako ng mahigpit.

"Anak sorry patawarin mo si mom" umiiyak na sabi ni mom habang nakayakap sakin.

"Napatawad na kita mom, sorry din dahil nasigawan kita ka gabie hindi ko yon sinasadya." Matapos naming magkayapan ni mom lumapit na ako sa kapatid ko and i kiss her forehead.

"Rea andito na si kuya, gumising kana... May dala panaman akong favorite chocolate mo heto oh." Pinakita ko ito sa kanya kahit naka pikit parin ang kanyang mga mata.

"Ala mo bang miss kana ni kuya? Mahal na mahal ka namin ni mom kaya gumising kana dyan Rea!"

"Anak hwag kang mag alala gigising din ang kapatid mo mag tiwala lang tayo."

"Mom hindi dapat ito nangyari sa kanya, sana hwag syang kunin satin ni god. Mom diko kayang mawala yung kapatid ko."

"Kevin gagaling din si Rea, we need to trust her. Babalik din sya sa atin babalik sya anak. Hindi nya tayo iiwan."

"Salamat  mom dahil andyan parin kayo para samin ni Rea." Iyak kung sabi habang nakayakap kay mom.

Sinabi sakin ni mom ang dahilan kung bakit na aksidente si Rea ngunit nag sisi dahil sa nagawa nyang pag sigaw kay Rea nong gabi nayon.

"Ate keshie bakit kapo umiiyak?"

"Huh ako umiiyak?" Gulat kung tanong kay vince. pinunasan ko agad yung luha ko.

"Opo ate, malungkot ka po ba ate keshie?" may pag alala sa mukha ni vince.

"Ano kaba vince hindi ako umiiyak at hindi rin ako malungkot. Baka na puwing lang ako." Sabi ko sa kanya."Gusto mo pasyal tayo sa park?" Tanong ko sa kanya.

"Sige po ate mag papaalam muna ako kay mom." Sabi nya sa akin at ka agad syang pumunta sa mom nya upang mag pa alam.

"Pumayag si mom ate basta hwag lang po tayo mag papa gabie."

"Oh sya halika na!" Sabi ko sa kanya.

Buti nalang pag dating namin sa park kunti lang yung tao.

"first time mo lang ba maka punta sa park vince?"

"Hindi po ate pangalawa ko na po ito, hindi po kasi ako mahilig lumabas ng bahay at mag laro sa park kagaya ng mga batang nag lalaro dito."

"Bakit hindi kaba pinapayagan ng mga magulang mo mag laro?"

"Hindi po kaya sa bahay lang ako lagi. Ok lang naman po kalaro ko naman yung mga aso namin sa loob ng aming bahay kaya hindi ako na bobored."

"Tignan mo yung bata nag sasalita mag isa."

"Oo nga baka baliw yan oh kaya may mentality illness." Rinig kung bulungan ng dalawang babae sa di ka layuan sa amin. mukhang hindi naman ito narinig ni vince.

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon