○
"Sama ako steve." Sabi ni stella habang naka pulopot parin yung mga kamay nya sa mga braso ni steve.
"Hwag na stella, dito kanalang mas ligtas ka dito." Sabi ni steve at umalis na kami, sumenyas naman sakin si steve na ako mauna! Kaya ako nalang yung nauna.
"Grabe dude nakaya mo pa talaga pumunta dito! Di ka ba natatakot may multo daw nag papakita dito."
"Hindi ah saka bat naman ako matatakot kung hindi naman yan totoo sabi sabi lang yon." Nako palusot.com pa talaga tong si steve hindi takot? Eh kanina nga nong sinabi ko sa kanya yung tungkol kay isabelle natakot nga sya.
Ng makarating na kami don nakita ko si isabelle na naka upo at tumingin sakin na naka ngiti.
"Dito nilibing yung bangkay na naamoy ko kanina kaya hukayin nyo na."
"Dude ang baho nito." Sabi ng mga kasamahan nya, pati din si prof napatakip dahil sa subrang baho.
"Sige na hukayin nyo na yan, darating nadin dito yung mga police." Sabi sa kanila ni prof.
"Nako salamat talaga sa tulong mo keshie, kung di dahil sayo walang makakapansin sakin at humukay sa bangkay ko." Sabi nitong multo na si isabelle..
"Nako wala yon isabelle." Sabi ko sa kanya.
dumating na yung nga police at in examine na nila yung bangkay nahukay ng mga kasamahan ni steve.
"Sinong naka amoy sa bangkay nato?" Sabi nong police.
"Ako po"sabi naman ni steve.
"Pano mo nalaman iho na may nakalibing na bangkay dito?."
"Hinahanap ko po kasi yung kwentas na nawala ko kagabie kaya hinahanap ko ito at napunta ako dito. Saka subrang baho po kasi at masangsang yung amoy kaya napag alaman kung may bangkay na nakalibing dito at ka agad ko po yon sinabi sa prof namin at nag patulong sa kanila upang hukayin ang bangkay na ito." Paliwanag ni steve sa police na kausap nya ngayon.
"Sarge mukhang ito yung babaeng matagal na nating hinahanap may litrato dito mukhang naka tago ito sa suot ng bangkay na ito."Sabi nong kasamahan nitong police na nasa harap namin.
"Maraming salamat iho, matagal nanamin hinahanap itong babaeng to simula nong mawala ito mahigit isang taon narin naka lipas."
"Walang anuman po basta makatulong po ako sa kasong ito malaking bagay napo ito." Steve said.
"Pamilyar yung mukha mo sakin iho, ikaw ba ay pamangkin ng katrabaho kung si Bruce?" tanong nitong police kay steve.
"Ah opo tito ko po sya." Sagot naman ni steve.
"Madami naring na i kwento sakin yung tito mo tungkol sayo iho. Ako nga pala si Lucas."
"Steve po" at nag kamayan sila nong police na kausap ni Steve. So lucas pala yung pangalan nito, akala ko hindi na ito mag papakilala.
"Sarge ipaalam mo ito sa mga magulang nitong bangkay sabihin mo na nakita na natin ang kanilang anak na matagal na nilang hinahanap."
"Masusunod Sarge."
"Oh sige iho maiwan muna kita dyan at aasikasuhin muna namin itong bangkay."
"Sige po" steve said.
"Steve kailangan mo mahanap yung pinampalo sa bangkay dahil andon yung finger prints nong taong pumalo."Sabi ko sa kanya.
"Keshie hindi nya na kailangan hanapin dahil alam mo kung saan yon nakalagay." Sabi ni isabelle sakin.
"Wait hindi mo na pala kailangan hanapin dahil alam ni isabelle kung saan yon naka tago." Sabi ko ulit sa kanya.
"Isabelle sino yon?" Tanong ni steve sakin habang nakakunot yung mga noo nya.
"Eh di yung multo na naka usap ko ngayon, sya yung bangkay na nakita kanina." Hindi sya nakasagot at lumunok lamang sya alam kung takot natong si steve.
"Oo oh sya sumunod ka sakin" sabi ko sa kanya habang sinusundan ko rin si isabelle. Huminto kami dito sa may malaking puno at nakita namin yung gamit na pinalo kay isabelle na dahilang kinamatay nya.
"Yan yung ginamit kay isabelle na ipinalo sa kanyang ulo." Sabi ko kay Steve.
"Oo nga tama ka keshie may bakas panga ng dugo dito."malungkot na sabi ni Steve. habang si isabelle tahimik lang na nakikinig sa amin.
"Iho bakit mo ako pinapunta dito?." Tanong ni lucas yung police na kausap ni steve kanina.
"Ah tito lucas ito po yung ginamit na ipinalo don sa bangkay, nakita ko kasi yan ngayon lang, baka makatulong po yan sa pag hahanap sa salarin kung sino man ho sya. Hwag ka mag alala tito Lucas hindi ko po yan ginalaw." Paliwanag ni steve.
"Nako salamat iho nakapaka laking tulong ang nagawa mo sa kasong ito."lucas said, i think matanda lang samin ni steve na sampung taon si tito lucas.
Iniwan ko muna silang nag uusap habang pinupuntahan ko si isabelle. "Sa wakas isabelle makakatawid kana rin."malugod kung sabi sa kanya.
"Salamat talaga keshie hindi talaga kita makakalimutan hanggang sa pag tawid ko."
"Ano kaba isabelle wala yon, saka nag papasalamat din ako dahil nakilala kita at natulungan kita." Masayang sabi ko sa kanya. Nag yakapan muna kami bago sya umalis at tumawid sa kabilang buhay.
Ang saya ng nararamdaman ko ngayon, siguro dahil ito sa pagtulong ko kay isabelle matapos nito bumalik na kami sa camp kasama si steve, tapos yung bangkay ni isabelle nadala na sa morge.

BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Mystery / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay