Chapter 25

12 1 0
                                    

Kevin POV

Halos isang buwan narin ang nakalipas simula nong dumating ako dito upang alagaan ang aking pinakamamahal na kapatid. Wala ngayon si mom dito sa hospital kasi pina uwi ko muna sya sa bahay para makapag pahinga naman sya ng mabuti. Hindi kasi maayos yung tulog dito ni mom kasi namamahay sya lagi at tinitiis nya lang na dito lagi matulog dahil walang mag babantay sa kapatid ko saka sabi ni mom sakin tungkulin din nya na bantayan si Rea kasi sya din ang may kasalanan kung bakit nangyari ito sa kapatid ko.

At sa ngayon ako muna ang naka toka sa kapatid para mag bantay, kawawa nga yung kapatid ko dahil hanggang hindi parin sya gumigising. Kinakausap lagi namin sya ni mom dahil kahit tulog yung tao maririnig at maririnig kaparin nila, kung toto-usin para na akong baliw dito tignan dahil nag sasalita ako sa harapan ni rea.

Mahal ko talaga tong si rea dahil sya lang yung nag iisang kapatid ko saka pinaka close ko at laging kalaro ko nong mga bata pa kami. Sa katunayan si rea nag push sakin na don ako mag hanap ng trabaho sa California dahil malaki ang kita don saka sigurado naman sya na makukuha agad ako kasi sa galing ko na surgeon dito sa pinas bakit naman hindi. Wala nakong magawa eh mapilit talaga tong si rea.

Pero kahit malayo ako sa kanya palagi naman kaming nag uusap through skype kapag free kaming dalawa at wala kaming ginagawa kundi mag kulitan sa skype, lagi nyang kinukwento sakin yung mga nangyayari sa school, pati yung mga nanliligaw sa kanya sinasabi nya rin sakin, kahit nga patungkol kay mom sinasabi nya rin sakin. Wala kasing tinatagong sekreto sakin si rea at ganon rin ako sa kanya.

lumaki kaming dalawa ni rea na kami lang yung nasa bahay kasama yung mga yaya namin my mom and dad nasa paris para sa business namin at naiintindihan ko naman sila dahil para din yon sa amin ni rea. Si yaya meling at manong baldo ang tumayo bilang pangalawa naming magulang dito sa bahay at masaya naman kami ni rea doon pero hindi parin talaga maiwasan yung makita ko si rea na umiiyak dahil namimiss na nya sina mom at dad.

Sa school walang makakapanakit kay rea dahil andon ako,  saka ayokong makita si rea na sinasaktan ng ibang tao lalo nat wala namang ginagawa yung kapatid ko sa kanila. Hindi kasi nila alam na kapatid ko si rea, i want to tell them the truth pero ayaw nya ipa alam dahil ayaw nyang lapitan sya ng ibang tao para makipag close sa kanya ng dahil lang sakin. Si rea kasi yung tipong ayaw ng gulo

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon