Chapter 23

13 1 0
                                    


"Eh totoo naman talaga, saka sorry pala keshie kasi hanggang ngayon wala pa akong lead kung nasan yung family mo, na post ko na kagabie sa social media ko yung picture mo na ginuhit ko kaso walang nakakilala sayo. Baka hindi ka dito sa pinas naka tira, baka sa ibang bansa?."

"Ewan ko wala rin akong alam eh, pero hayaan mo na ang importante andito ako ngayon, hindi pa naman ako patay kaya hindi pako mawawala."

"Keshie ibang usapan nayan ah, hwag mo nga banggitin yung patay parang pinaparating mo sakin na mawawala ka nalang bigla."

"Hahah sorry na, sige hindi ko nayan uulitin. Saka kung sakaling maka balik man ako sa katawan mag kikita pa naman tayo eh."

"Talaga?" Tanong ko kay keshie.

"Oo naman at sa panahong yon mahahawakan na kita, masasapak."

"Hwag ka na palang bumalik sa katawan mo kung mananapak kalang, ok na sakin kung ganyan ka atleast kung magagalit ka hindi mo ako mahahawakan, masasapak."

"Hahah seryoso mo naman parang hindi mabiro."

"Pero keshie anong gagawin kapag naka balik kana sa katawan mo?"

"Hmm siguro maging masaya ako steve, mayayakap ko na yung family ko, makikita na ako ng ibang tao, maipagpatuloy ko na rin yung pag aaral ko saka makikilala narin ako ng mom, dad at kapatid mo."

"Talaga gusto mong makilala ka nina mom, dad at zasha?" Gulat kung sabi sa kanya.

"Oo naman, para kapag papasok ako ulit sa bahay nyo andyan yung kapatid mo or mom mo para ipagtanggol ako sa aso nyo."

" hahaha ng dahil lang sa aso?" Natatawa kung sabi sa kanya

"Hindi ah, saka gusto ko rin na makilala nila ako bilang kaibigan mo, lalo na sa dad mo."

"Sus gusto mo lang ako laging makita nag dadahilan kapa."panunukso ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo bang lagi kitang nakikita?" Malungkot nyang sabi sakin.

"Hindi ah sakatunayan gusto ko nga eh."

"Eh yon naman pala nag dadrama ka pa dyan steve."

"Hahaha hoy multo sinong mas ma drama satin? Baka ikaw yon."natatawang sabi ko sa kanya at sumabay narin sya ng tawa sakin.

"Hindi ka paba babalik don? Baka hinahanap kana ng mga kaibigan mo?"

"Maya na, gusto ko pang kasama ka at maka usap." Ngiting sabi ko sa kanya.

"Sus baka may makakita sayo mapag kamalan kapang timang dyan nag sasalitang mag isa, baka bukas pag uwi mo malalaman ng magulang mong may saltik ka sa utak." Sa totoo lang natatablan ba ito ng kilig oh banat itong multo nato para kasing hindi eh.

"Wala namang makakarinig sakin dito, may cellphone naman ako pwede ko namang idahilan na kapatid ko yung kausap through Bluetooth headset."

"Pero sayang ng camp nato dahil 3 days palang kayo dito hindi nyo pa natapos yung one week of camping nyo."

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon