chapter 5

19 1 0
                                    

                                                                                                                      
                                                                                                             "How many times do i need to told you chelsea bawal umupo sa tabi ko." Nakakainis natong babaeng to ang slow hindi makaintindi.

"Eto naman pakipot kapa talaga steve! Alam ko namang gusto mo rin ako, ako nanga yung lumalapit sayo ayaw mo parin sakin."

"At ilang beses ko rin bang sasabihin na hindi ako interesado sayo kaya pwede ba umalis kana sa harapan ko."

"Ito tandaan mo steve soon you will be mine at gagawin ko ang lahat para mapasakin ka." Matapos nyang sabihin yon sakin umalis na sya sa harapan ko at lumabas ng room namin.

Mga babae nga naman gagawin ang lahat makuha lang nila yung attention ko. Matapos ng klase namin lumabas na ako at agad na pumunta sa tambayan ko! Mabuti pa dito tahimik walang ingay at gugulo sa akin.

"BOOO!!"

"Multong kabayo!" Gulat kung sabi

"Wow grabeh kanaman maka multo sa akin, diba sabi ko sayo hindi ako multo may pangalan ako at keshie yon." Kung kanina sinabi kung tahimik dito binabawi ko na.

"Anong kailangan mo sakin? Pano mo ako nahanap? Stalker ba kita?"

"Hanip maka stalker hindi ba pwede pumunta ako dito dahil tinawag mo ako."

"Ako tinatawag kita? Haha baliw ka ata eh. Pwede ba ikaw multo... Este keshie tumawid kana sa kabilang buhay ng matahimik na ako."

"Hah kala mo talaga multo ako no?  Hindi nga ako sabi multo may powers ako ok, kailangan kita para ma off ko yon at pag na off yon makikita na ako ng ibang tao."

"Pinag sasabi mong powers? Baliw kana ata eh kaya siguro hindi kapa pwedeng tumawid sa kabilang buhay dahil bawal siguro don yung baliw na multong katulad mo." Pang iinis ko sa kanya.

"Oo nga may powers ako kaya nga hindi kita mahawakan, hindi rin ako nakikita ng ibang tao dahil naka on yung powers ko. Saka hindi lang ikaw nakakausap ko meron pang isa si vince."

"Vince?"

"Oo si vince yung batang kakilala ko don sa hospital nakikita nya rin ako gaya mo, hindi naman pwedeng sa kanya ako mag patulong dahil bata pa sya saka wala ding mag babantay sa kanyang mom kapag nag pa tulong pa ako kay vince. Ang tanging naiisip ko nalang na tumulong sa akin ay ikaw at wala ng iba." Paliwanag nyang sabi sa akin.

"Ayoko tama na yong kahapon,  you promise me na hindi mo na ako guguluhin."

"Sige na please!" She pouted on me while saying please.

"Ano ba dapat kung gawin?"

"Tulungan mo ako hanapin yung mga magulang ko."

"Madali lang naman pala yang pinapagawa mo. Ano ba pangalan ng mga magulang mo?"

"Yon nga yung isa pang problema ko kasi hindi ko alam kung ano mga pangalan ng magulang ko."

"May kaibigan kaba?  Baka pwede natin silang contact kin. Para malaman natin kung nasan yung magulang mo."

"Wala rin eh."

"Teka naguguluhan na ako eh, hindi mo matandaan yung pangalan ng magulang mo pati kaibigan wala karin? Na bagok ba yang ulo mo at wala kang matandaan?."

"I don't know pagising ko nalang wala na akong ma alala ni pangalan ko at edad hindi ko alam si vince ngalang gumawa ng pangalan ko para may maitawag sya sa akin."

"Ah alam ko na umupo ka dyan hwag kang malikot."

"Bakit anong gagawin mo steve?"

"I draw-drawing kita tapos ikakalat ko sa social media para makita ka ng mga nakakilala sayo." Paliwanag ko sa kanya.

Kinuha ko yung sketch book ko at sinimulan ko na syang i drawing.

"Matagal paba yan nangangawit na yung pwet ko kakaupo dito."

"Sabing hwag gumalaw eh."

Umabot ng 30 minutes ng matapos ko syang iguhit ot eto na yung pic na ilalagay ko mamaya sa social media ko.

"Ang galing mo naman gumuhit. Kuhang kuha mo lahat ng anggulo ko" Manghang sabi nya sa akin.

"Hindi kaba papasok sa class mo steve? baka malate ka nyan."

"Ok lang hindi ako pumasok sa class hindi naman ako babagsak matalino kaya to."

"Nako kahit na,  buti ka panga eh nakakapag aral kapa ako nga hindi ko alam kung makakapag aral pa ako sa lagay kung to malabo na."

"Talaga bang wala kang maalala sa nakaraan mo?" Tanong ko sa kanya.

"Wala eh, hindi ko nga alam kung patay na ba ako?  Kasi hindi ko makita yung katawan ko kanina pag gising ko. "

"Alam mo mag tiwala kalang mahahanap din natin yang magulang mo. Saka sorry din sa mga nasabi ko kanina at kahapon hindi ko alam na ganito pala yung pinag dadaanan mo."

"Apology accepted, salamat din steve dahil tinulungan mo ako ulit, baka kung hindi kita nakita kahapon hindi ko alam ang gagawin ko ngayon."

"May matutulugan kaba mamaya?"

"Wala eh, siguro don nalang ako matutulog sa hospital kasama si vince."

"Alam mo keshie akala ko talaga sayo kahapon multo ka kasi tumagos lang yung pagkakahawak mo sa akin, takot panaman ako sa multo."

"Weh dinga takot ka sa ghost?"

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon