Chapter 19

15 1 0
                                    


Bumalik na kami ni tita sa clinic para i uwi na si beshie pero pagdating namin don gising na pala at si kenshin ang nag babantay sa kanya.

"Hello iho, thanks sa pag babantay sa anak ko"

"Wala po yon tita, Sige po mauna napo ako" paalam nya samin ni tita.

"Hindi kaba sasama samin? Don kanalang sa bahay kumain iho."

"Nako sasusunod nalang po tita, mauna napo ako! Bye zasha pati din sayo cass."

"Aasahan ko yan iho" at umalis na si ken sa clinic.

"Mom why are you here?"

"Eh panong hindi ako pupunta dito sweetie tignan mo nga yang nangyari sayo, tapos namamaga payang bukol mo." Sabi naman sa kanya ni tita.

"Oo nga beshie, alam mo bang nag alala yan si tita sayo kanina ng nalaman nyang andito ka sa clinic at wala paring malay ng maka punta sya dito."

"Sorry mom kung pinag alala ko po kayo pati narin sayo cassie" Beshie said.

"Ok lang sweetie basta hindi na ulit ito mangyayari sayo. Saka hwag kanang mag alala sa nag tulak sayo sweetie dahil napalayas ko na sya sa school nato."

"Napalayas nyo po mom? Teka pano nyo nalaman na si chelsea yung nag tulak sakin?." Gulat ng tanon ni beshie.

"May nakakita sainyo kanina sweetie at kinunan nya ng video ang ginawa sayo ng babaeng yon at isa iyon sa ebidensya na makapagpa-alis sa kanya dito." paliwanang sa kanya ni tita.

"Andito napo tayo tita!" Sabi ko sa kanila, ako kasi ang nag mamaneho ngayon sa sasakyan ni beshie dahil hindi sya pwede.

Tinulungan namin ni tita si beshie tumayo dahil pati rin yung paa nya namamaga din.

"Kaya ko na po mom" beshie said.

"Nako sweetie hwag matigas yung ulo ok."

"Oo nga beshie, saka tignan mo yung paa mo oh namamaga dahil sa pagtulak sayo." Sabi ko naman sa kanya at ipinasok na namin sya ni tita sa kanyang kwarto.

"Bukas at sa susunod na araw hwag ka munang pumasok sweetie, napag sabihan ko na rin si Ms Dean na hindi ka muna papasukin at excuse ka sa lahat mong subject." Paliwanang sa kanya ni tita.

"But mom!"

"No but's  sweetie, kung ayaw mong ipaalam ko ito sa dad at kuya."

"Ok mom" beshie said at umalis na kami ni tita sa kanyang kwarto.

"Tita sa kwarto lang muna ako." Sabi ko sa kanya.

"Sige iha tatawagin nalang kita kapag kakain na tayo"

"Ok po tita" at pumunta na ako sa kwarto ko. Nakakapagod ang araw nato, first day ng pagpasok ko sa school andami ng nangyayari.

Matapos kung mag half bath at mag bihis lalabas na sana ako ng kwarto ko ng may biglang tumawag sa phone ko. Tinignan ko ito pero walang pangalan, number lang yung nakalagay ngunit sinagot ko parin ito.

"hello! Who's this?" Tanong ko sa kabilang linya ngunit wala paring sumasagot.

"Sabing sino to?"inis kung sabi.

"Babe!"

"What? is this Patrick?" Kaboses nya kasi yung ex ko na bf ngayon ng ate ko.

"Yes babe, bumalik kana sakin! Iiwan ko na yung ate pls babe."

"Are you insane Patrick? Ano kala mo sakin laruan na kapag tinapon mo ay pwede mo pang pulutin, pwede ba patrick tapos na tayo! Kaya tigilan mo nayang kakatawag sakin." Inis kung sabi sa kanya, pambihira talaga hindi pa nahiya sa ginawa sakin at tumawag pa talaga.

Mag sasalita pa sana sya ngunit binaba ko na yung tawag at bumaba nako para kumain. "Sorry tita tumawag kasi si mom nangangamusta  lang." Nakapag sinungaling pa tuloy ako, Pahamak talaga yung lalaking yon.

"Nako ok lang iha, dito kalang muna ihahatid ko lang itong pag kain sa taas para makakain narin si zasha."

"Sige po tita, hintayin nalang kita dito." at umalis na si tita dala dala yung pagkain ni beshie.

Detective GhostTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon