○
continuation of kevin POV
hindi ako mapakali dito sa labas ng operating room dahil limang oras ng nakalipas ngunit hindi parin tapos yung operation. Ok sana kung ako yung mag oopera sa kapatid ko pero hindi kasi pwede bawal kang mag opera kapag kadugo mo yung pasyente lalo nat kapatid ko ito. Tangna lang kasi sa iba pwede ka mag opera pero sa sarili mong kadugo bawal, mapapatay ko talaga yung doctor nayan kapag hindi naging maayos ang pag opera sa kapatid ko.
"Nak ano nangyari sa kapatid mo? bakit sya inoperahan?" tanong sakin ni mom.
" Nag fla-flatline sya ng tinignan ko ito, mahina rin ang pitik ng pulso nya kaya kailangan syang operahan para maayos agad ang kalagayan ni rea." paliwanag ko kay mom.
"dyos ko! ito naba ang kabayaran ng ginawa ko sa anak ko, sana gumaling na si rea dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nawala pa sakin si rea." iyak na sabi sakin ni mom, kahit ako naawa na ako kay mom at sa kapatid ko. Ng biglang lumabas na yung doctor mula sa operating room.
"Im sorry to tell you this but i have a good news and bad news for your daughter Mrs Sleighter" agarang sabi samin ng doctor.
" Unahin nyo napo yung good news doc" mom said habang ako nanatali paring tahimik sa tabi ni mom.
"The good news for your daughter ay maayos yung pagka opera namin sa kanya, sa ngayon we need to observed her condition for a few days at yung bad news namin is we dont know kung hanggang saan kakayanin ng katawan nya yung mga gamot na ininject namin sa kanya at kung tatanggapin bayon ng body nya all you need to do is pray always for your daughter na mabilis syang gumaling." Paliwanang samin ng doctor.
"I believe to my sister doc na malalampasan din nya ito at please gawin nyo ang lahat ng makakaya nyo para sa kapatid ko." sambit ko sa doctor bago ito umalis at pumasok ulit sa operating room.
"Son bakit si rea pa? bakit hindi nalang sakin to nangyari?"
"Mom hwag ka mag salita ng ganyan kasi masama yan, ang kailangan nating gawin ngayon ay magpapakatatag tayo para kay rea. Alam kung gagaling din si rea mom tiwala lang tayo sa kanya."
Keshie POV
papauwi na kami ngayon ni steve at heto ako ngayon naka upo sa kanyang sasakyan habang sya naman ay nag da-drive pero hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon parang hindi ako makahinga ng maayos at sumasakit rin yung puso ko na para bang pinipiga at laking gulat ko ng biglang hindi ko ma i galaw yung katawan ko. a...no ba.. ta.....lagang nangyayari sakin?
"Uy kanina kapa tahimik dyan?" tanong ni steve sakin habang nag mamaneho.
"teka bakit parang namunula yang mukha mo?" tanong nya sakin at hininto nya yung sasakyan sa tabi at kahit nahihirapan akong mag salita pinilit ko paring sagutin sya.
"Wa...la to mainit lang kasi kaya namumula yung mukha ko" pagsisinungaling ko sa kanya dahil ayaw kung mag alala pa sya sakin.
"Sigurado ka ba dyan? dahil para kasing hindi ka ok." pagsisigurado tanong sakin ni steve.
"Oo ok lang ako, kaya ipagpatuloy mo na yung pag mamaneho mo huwag kang mag alala sakin dahil ok lang ako." tuloy tuloy kung sabi sa kanya, buti nalang talaga bumalik na yung paghinga ko ng maayos at hindi narin sumasakit yung puso ko.
makalipas ng dalawang oras nakarating na kami sa kanila at biglang may babaeng sumalubong kay steve at niyakap sya ng mahigpit. Hindi sya masyadong katandaan at ngayon kulang ito nakita. Sino kaya sya?.
"Namiss kita baby, bigboy na talaga yung baby ko." Hano raw baby? girlfriend ba to ni steve? ngunit pano nangyari yon eh wala namang na i kwento sakin si steve sakin na may girlfriend na sya at ang sabi lang nya sakin ay single pa sya.
"Mom malaki na ako hindi na ako baby" nahihiyang sabi ni steve pero ano raw Mom nya itong babaeng maganda na nasa harap namin?
"Kahit na baby parin kita kaya hwag kanang pumalag dyan." sabay kurot sa pisnge ni steve.
"Aissh mom talaga, maiba tayo asan si zasha bat hindi pa bumaba?" tanong ni steve habang kumakain ng luto ng mommy nya. Kainggit tuloy sana ganyan rin yung mom ko.
"Andon sa hospital nag papacheck up kasama yung pinsan mong si cassie." sagot naman ng mom ni steve sa kanya..
"Teka kailan pa umuwi dito si cassie? bat hindi ko alam." gulat na sabi ni steve hahaha muntik nangang mabunan.
"Noong isang araw lang umuwi dito yung pinsan mo, hinahanap kanga non pag uwi nya dito kaso wala ka kasi nag camping kayo." at dahil op nako sa usapan nila umakyat na ako sa kwarto ni steve saka hindi naman nya malalaman na pumunta ako dito sa kwarto nya dahil kaya ko naman maging invisble kapag ayaw kung mag pakita sa kanya.

BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Misteri / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay