○
"Vince" tawag ko sa kanya at lumingon naman ito sa akin.
"Ate keshie" masayang sabi nya at lumapit sa akin.
"Kumusta yung mom mo ok naba? Ano sabi ng doctor?"
"Ok naman po sya ate, saka kweninto kita kay mom kanina."
"Ano sabi ng mom mo tungkol sa akin?"
"Masaya po sya dahil may nakakausap narin ako dito sa hospital."
"Bakit wala kabang nakakausap dito?"
"Wala po ate! Ayaw din makipag usap sakin yung mga batang andito. Ayaw ata nila sa akin." Malungkot nyang sabi sa akin.
"Di bali hwag kanang malungkot andito na si ate ako nalang ang kakausap sayo para gumaan naman yang pakiramdam mo."
"Salamat ate keshie."
"Nako walang anoman yon vince." Ganting ngiti ko sa kanya.
"Ate keshie bakit ako lang ang kinakausap mo?"
"Actually may naka usap ako kanina kaso ang sungit nya, sabi nya hwag ko daw sya sundan kaya ayon bumalik ako dito para may makausap ako at ikaw yon." Paliwanag ko sa kanya.
"Sino po sya ate keshie?"
"Ah si steve sya yung sinasabi ko sayong masungit"
Kweninto ko sa kanya yung nangyari kanina at masaya naman si vince sa binalita ko sa kanya.
"Wow ate galing nyo naman po."
"Nako hindi naman, tumulong lang ako kasi naaawa lang ako don sa babaeng pinatay, wala naman syang kasalanan napag bintangan lang sya kaya ayon tumulong ako sa abot ng makakaya ko."
"Ate kain napo tayo mukhang kanina kapa hindi nakakain." Alok sa akin ni vince.
"Nako vince hindi ako pwede kumain."
"Bakit naman po?"
"Kasi busog pa ako"nakapag sinungaling pa tuloy ako ng wala sa oras.
"Ah ganon po ba! Sige ate mauna na akong kumain sayo."
"Sige lalabas lang muna, makapag langhap man lang ng hangin." Pa alam ko sa kanya at umalis na ako.
"Hoy kuya steve kanina pa kita tinatawag naka tulala kalang dyan! Ano bang nangyari sayo?."
"Ah wala wala, kain na tayo" pag dadahilan ko sa kapatid ko at kumain na.
"Nako kuya baka iba nayan ah."
"Tsk! Pwede ba kumain kana dyan."
"Sus palusot kalang eh para hindi kita ma hot seat."
"Asan si mom bat hindi pa umuwi? Kasama ba nya si dad?" Pag iiba ko sa usapan.
"Abay bat ako yung hinahanapan mo kuya, hindi ako hanapan ng nawawalang tao."
"Pwede ba zasha hanggang ngayon ba galit ka parin kina mom at dad? Intindihin mo nalang ang magulang natin. Ginagawa naman nila ito para sa atin."
"Ang sabihin mo kuya nag papayaman sa kanilang pera, hindi manlang nila na isip na may anak silang kailangan ng attention at pag aaruga. Nong graduation ko ni hindi man lang nagawang pumunta at ang dahilan Busy? Ang ibig sabihin kamo busy sa pagpapayaman." Inis nyang sabi sa akin.
"Pwede ba hwag ka sa akin mainis! Hampasin kita ng kawali dyan kita mo!"
Kina umagahan maaga akong pumasok sa school kasama ang kapatid kung si zasha.
"Uy kuya aga ng fans mo ngayon ah? Inabangan ka talaga nila."
"Tsk!" Hindi ko nalang sya sinagot at nag patuloy nalang ako sa pag lalakad.
"Guys andyan na si papa vince"
"Kyaahhh ang gwapo talaga ni papa vince."
"Pare ang ganda ng kapatid ni vince maligawan nga."
"Bulong paba tawag dyan? Tsk! Tsk! "
Rinig kung sabi ng kapatid ko. Manhater kasi itong si zasha kaya ok lang sa akin dahil hindi ako mahihirapan mag bantay sa mga man liligaw nya.Ng maka pasok nako sa room wala pa yung teacher namin at heto nanaman tayo ang iingay ng classmate ko parang pwet ng manok putak ng putak. Aishh bakit hindi ba mawala sa isipan ko yung multo nayon. Nakakainis hindi maayos yung tulog ka gabie dahil sa kanya.
"Hmm steve pwede pa tabi?"

BINABASA MO ANG
Detective Ghost
Misteri / ThrillerIsang babaeng hindi alam ang kanyang nakaraan at patuloy na mumuhay sa mundo ng mga tao. Hali nat sabay natin tuklasin ang kwento ng kanyang buhay