Chapter 3

8 1 0
                                    

Chapter 3 : Investigation

Third Person Point of View

Nandito lahat ngayon sa lugar ang mga taong naka hood kung saan abandonado at parte parin ito ng school kung saan nag aaral ang mga studyante. Lahat ng mga taong naka hood ay studyante sa paaralang ito.

Dito sila nag tipon tipon kung saan ginaganap ang kanilang pagpupulong. Walang nakakaalam ng tunay nilang pag katao kahit mga kasamahan nila ay walang alam sa tunay na pag katao ng bawat isa.

Ang tanging alam nila ay lahat ng tao ay may sariling sekrito. Hindi mo alam kung sino ang papatay sayo. Hinihintay nila ang taong bibigyan nila ng parusa dahil sa paglabag nito sa batas at ito ay ang pagkalaban sa kanila.

Someones Point of View

Malakas na boses ang umalingawngaw sa paligid ng tumawa ako. Nag sisimbolo ng ahas ang aming grupo dahil tinuturin namin ang aming sarili na pinakamalakas dito sa paaralang ito at ang ahas ay simbolo ng demonyo.

Malalaman mong parte ka ng organisasyon kapag meron kang tattoe sa dibdib na isang ahas. Hindi lang kami ang gang na nag kalat dito sa school dahil marami kami.

Habang nag iisip kung anong maaaring gawin sa babaeng nanakit kay Samantha ay bigla akong tinawag ng isa sa aking tauhan.

"Master, nandito na po ang pinapakuha nyo" saad nito.

"Alam ko, nakikita ko nga eh" naiinis kung sabi sa kanya.

Panahon na para ipatikim sa kanya ang pinakamapait na kamatayan.

Tumawa ulit ako ng mala demonyo sa harapan nila.

"Itali nyo sya at hintayin nyo ang aking utos " sabi ko sa tauhan ko

"Masusunod master"

Mmmm parang masaya to. Makalipas ang ilang minuto ay tumayo na ako at sumunod sa aking tauhan. Pagkadating ko dun sa harapan ng babae ay kita kung puno ng dugo ang mukha nito na bagay naman sa kanya.

Mag dusa ka lang dyan dahil di pa yan ang aabutin mo.

Pagdating ko sa kanyang harapan ay agad namang nagbigay galang ang lahat ng aking mga tauhan. Agad silang nag angat ng tingin ng mag umpisa akong magsalita. 

"Ngayong gabi, masasaksihan nyo ang kamatayan ng babaeng to. Pero bago natin yun gawin ay kailangan nyo muna syang bugbugin hanggat sa manghina sya nang manghina at ako mismo ang tatapos sa kanyang buhay" saad ko sakanilang lahat.

Inumpisahan na nilang itayo ang babae at umpisahang tadyakan, bugbugin at sipain. 

Third Person Point of View

Agad inumpisahan ng mga tauhan ng lalaking naka hood ang pag suntok sa sikmura, tyan at iba ibang parte ng katawan ng babae.

Wala silang awa sa pag bugbug dito kahit babae pa ito. Nakaka awa syang tignan dahil sa itsura nya samantalang sila ay tuwang tuwa dahil sa ginagawa nila.

Agad na sumuka ng dugo ang babae dahil sa malalakas na impak nito sa kanyang katawan at napadapa sa lupa na nanghihina.

Wala syang ibang nagawa kundi umiyak at mag maka awa pero parang wala silang naririnig.

Tanging ingay lang ng mga demonyong tao ang maririnig dito dahil sa hiyawan at tawanan nila habang binubugbog ang kaawa awang babae.

Hindi pa nakuntento ang mga lalaki at sinipa pa ito sa tyan dahilan kung bakit napadaing ito sa sakit. Masyado na syang nanghihina na ano mang segundo lang ay mawawalan na ito ng malay pero patuloy lamang ito sa pag tayo.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon