Chapter 14

8 1 0
                                    

Chapter 14: Finding the Truth

Louise Point of View

Ang magandang anghel ay muling nag balik upang mag  hasik ng lagim.

"Whahahaha" malakas kung tawa habang umaakyat sa puno at tinitignan ang kabuuang lawak ng buong lugar ng Quietos University.

Nandito ako ngayon sa sulok ng kagubatan namalagi habang inaantay ang pagkakataong ito kasama ang tatlong tauhan ko.

Masyadong bang marami?

Maaring tatlo lang sila pero bihisa ang mga ito sa pakikipag laban dahil katulad ko rin sila.

Napangise naman ako dahil sa rason kung bakit ako nandito.

"Im Louise Frei Yin, Louiela's twin sister"

Biglang tumatak sa isip ko ang imahe nito sa aking isipan at hindi ko alam kung sya ba talaga ang hinahanap ko.

Nang makompirma kung sya nga mismo ito ay hindi na ako nag abalang isipin ang mga bagay na yun.

Seryoso kung ibinaling ang aking paningin sa kanya at mga kasama nito.

Sa muling pag kakataon ay muli akong napa ngite.

"Everything will be alright sister" pabulong kong sambit sa hangin.

Pansamantala na muna akong nag mamasid sa paligid at iniisip ang mga susunod kung mga hakbang.

Nabalik ako sa aking katinuan ng makaramdaman ng presensya di kalayuan sa amin.

Hindi ko hahayaang sisirain nila ang mag plano ko.

"Hindi sila kailangan makarating dito"

Kailangan ko silang itaboy dahil masyado pang mahina ang kapatid ko at mga kasama nito para lumaban.

Mabilis kung pinaalerto ang mga tauhan ko na mag bantay at mag masid lang sa paligid.

Nagpalipat lipat ako sa mga puno habang soot ang hood kung itim upang abangan sila at hindi makalapit sa kinaroroonan namin.

Mas mabuti nang unahan ko sila sa mga gagawin nila bago pa mahuli ang lahat.

Hindi kalayuan ay nakita ko ang tatlong lalaking tumitingin sa paligid. Nakilala ko na ang mga ito sa gubat pero hindi parin sila dapat pag katiwalaan.

Inihanda ko ang ang tatlong dagger na hawak ko at nag antay nang pag kakataon upang umataki.

Nang napag tantong hindi sila naka pokus sa kanilang paligid ay mabilis akong umataki sa kanila ng walang pag aalinlangan.

Tyler Point of View

Nagmamasid lang ako sa paligid ng maramdaman kung may nagmamasid sa amin.

Hindi ko nalang ito pinansin at nanatiling kalmado lamang. Dapat hindi nila alam na nararamdaman mo sila upang hindi nila mapag aralan ang bawat galaw mo.

Nabu bwesit ako sa mga pangit na kasama ko dahil halatang hindi marunong makiramdam sa paligid.

Mga ilang minuto lang ang lumipas at nakaramdam ako ng isang bagay na papalapit sa kinaroroonan namin.

Tinignan ko yung dalawa pero wala man pang maging reaksyon. Mamamatay talaga sila dito pag hindi nila ako kasama.

Mabilis akong tumalon sa taas at sinangga ang tatlong dagger na pinakawalan ng kalaban upang hindi kami matamaan. Agad naman itong tumarak sa puno dahil sa pag sangga ko sa ataking iyon.

Dahil sa pag ataking naganap ay mabilis na naalarma ang dalawa at agad na kumuha ng kanilang mga sandata.

Muling tumahimik ang palidid kaya pansamantala kaming nakiramdam sa paligid.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon