Chapter 18: Hidden Palace
Aezzer Point of View
Patuloy lamang kami sa pagtakbo ni Louie upang maiwasan ang mga kalaban na hindi ko alam kung kaninong mga tauhan at kung paano nag karoon ng palasyo sa lugar na ito.
Matagal na akong nag aaral sa Quietus University kaya lubos kung pinag tataka na may mga bagay pa akong hindi alam.
Habang tumatakbo ay hindi ko mapigilan ang sarili kung matawa dahil sa nangyari kanina lang. Alam kung naiinis ito sa akin pero pinag sawalang bahala ko na muna yun dahil ang dapat naming pag tuunang pansin ay ang mga kalaban.
"Are you okay?" Tanong ko naman dito dahil baka nahihirapan na ito sa paghila ko sa kanya.
Huli na ng mapansin ko na hindi ko na pala ito kasama. Bigla akong kinabahan dahil sa aking katangahan.
"Shit!" Mura ko nalang sa kawalan.
Malayo layo narin ang nararating ko at alam kung hindi na ako masusundan ng mga kalaban.
Labis ang aking pagtataka dahil hindi ko man lang napansin na hindi ko na ito kasama.
Where did she go? Shit! Kailangan ko syang balikan.
Muli kung tinahak ang lugar kung saan ako tumakbo kanina upang balikan ito.
"Fuck! Ang tanga tanga mo talaga Aezzer Tsk."
Ilang minuto lang din naman ang tinakbo ko ng tuluyang ko na itong makita na nakaupo sa isang kahoy habang hinahawakan yung tuhod nya na may malaking sugat.
Nabuntong hininga naman ako dahil alam kung ligtas ito at muling nag alala dahil sa sugat sa kanyang mga tuhod.
"Bakit ang tanga mo?" Natatawa kung saad dito kahit alam kung nahihirapan na itong gumalaw.
Mabilis din naman akong tumakbo sa kinaroroonan nito upang maalalayan sya sa kanyang pag tayo.
"Are you okay?" Tanong ko sa kanya ng naka ngite.
Alam kung napipikon na ito sa akin kaya pinag patuloy ko lamang ang pang aasar dito.
Muli nyang ibinaling ang kanyang atensyon sa akin at tinignan ako ng nakangite na alam mong walang mabuting gagawin.
Huli na nang maiwasan ko ang pag suntok nito sa mukha ko ramdam ko ang pag dugo ng ilong ko.
"Shit" malutong kung mura dahil sa lakas ng suntok nito sa mukha ko.
I should not trust her in the first place. Tsk"
"What is the matter with you?" Sigaw ko naman sa kanya dahil masakit parin ang mukha ko
"Anong problema ko? Kinaladkad mo lang naman ako, tapos ng madapa ako dahil sa batong nakaharang sa daan at hindi ko nagawang iwasan dahil wala ka namang pakialam kung may tao ka pa bang kasama. Hinihila mo pa ako habang nakangite tapos ng sumubsob na ako sa lupa at tumama ang tuhod ko sa bato ay nakangite ka paring hayop ka habang patuloy na tumatakbo. Ngayon sabihin mo ulit sa akin. What is the matter with you? Baliin ko yang leeg mo ng malaman mo" Mahabang lintanya nito sa akin at makikita parin sa kanyang mukha ang inis.
Guilt is written all over my face right now! Shit.
Kasalanan ko pala ang nangyari sa kanya at nagawa ko pa itong sigawan.
"Hoy" i said in a lonely tone and poke her!
"Lumayo ka nga sakin Aezzer! May dala kang kamalasan sa buhay. Dinadamay mo pa ako" naiinis nitong sambit kasabay ng pag irap nito at tumalikod sa akin.
BINABASA MO ANG
Quietus University (ONGOING)
ActionQuietus University Isang paaralang madaming sekretong naka tago. Paano kung isang studyante ang papasok sa paaralang ito at ma tuklasan ang sekreto ng nakaraan? Paano nya haharapin ang mga taong nasa likod ng nangyaring patayan? Come and join me and...