Chapter 2 : TroubleJosh Point of View
Josh Ceniel Skylon nga pala ang pinaka gwapong tao dito sa University. Balik na muna tayo sa sitwasyon namin ngayon, tama na muna ang kdrama.
Bigla akong kinabahan ng mag angat ng tingin ang babaeng kaaway ni Aezzer.
Parang hindi sya tinablan sa mga sinasabi ni Aezzer at nagawa pa talaga nyang ngumiti. Ang ganda pa naman nya pag nakangite. Liligawan ko yan mamaya.
Napatigil ako sa pag iisip ng bigla akong batukan ni Leo,
"Hoy! Baliw! Para kang timang na nakangiting mag isa" saad nya.
Hayop tong lalaking to , nagawa pa talaga akong batukan sa kabila ng nag aalab na tinginan nitong dalawang tao sa harapan namin.
"Aray" sambit niya matapos ko syang batukan, lintik lang walang ganti.
Namumuro na itong lalaking to, hindi nya level ang kagwapohan ko para batukan.
Natigil kami sa pagbabangayan ng tumayo si Louie at nag salita.
“Ohhh! I'll accept that as a compliment" sarcastic na sabi nito.
Hayp tong babaeng to nagagawa pa talagang ngumite sa kabila ng matatalim na titig sa kanya ni Aezzer.
Agad naman syang tinapik ni Restie na dating kakilala namin. Pero ibang usapan na yun.
"Hoy! Louie itigil muna ang pagsagot, baka yan ang ikamatay natin ng maaga" bulong nito na rinig naman namin.
"Why should i? Hindi ko papalampasin ang pang iinsultong ginagawa ng lalaking to sa akin"
"Hindi mo alam ang magiging kahihinatnan nito pag nagmatigas pa tayo" saad ni Restie habang nanginginig.
Pabulong yung usapan nila pero naririnig naman hays. Mas lalong umingay ang buong cafeteria ng sagutin ni Louie si Aezzer.
"All of you, get out! And you! Get out of my sight” nangagalaiting sigaw nya sa babae.
Halos mahimatay na ang kanyang kasama dahil sa kaba at nag uunahan naman ang lahat sa pagtakbo palabas pero si Louie ay bumalik lang sa pag kakaupo at kumain.
Natawa nalamg ako dahil sa pagiging matigas ng ulo nito. Dinaig pa nya ang ugali ni Aezzer.
"Get your ass fuck" sagot ni Louie dito na mas lalo pang nag init ang kanyang ulo. Shit trouble nga ito.
Legal man o hindi ang pag patay sa Universiting ito ay hindi namin pinapakialam. Kung may pumapatay at namamatay ay magiging balewala lang din ang lahat dahil hindi na ito obligasyon ng paaralan. Ang tanging magagawa mo lang dito ay manahimik at lumaban upang mabuhay ng matagal.
Mababaw man na dahilan pero yun ang katotohanan. May rules pa ring sinusunod ang paaralang ito na dapat mong sundin para hindi ka maparusahan.
Nabalik ako sa katinuan ng makitang nasa harapan parin namin ang dalawa at hindi man lang umaalis kung saan sila kumakain.
Hindi ba sya nakakaintindi ng GET OUT OF MY SIGHT? Halatang takot na takot ang kasama nya samantalang sya ay walang pakialam.
Tinignan ko ang reaksyon ni Aezzer at mas lalo syang naging demonyo. Nangilabot kaming lahat sa huling sinabi nya.
"Wanna die bitch?" cold nyang sabi dito na may halong death glare. Pero kahit isang katiting na atensyon ay hindi sya binigyan pansin nito.
"My pleasure" saad nito pabalik habang nag patuloy lang sa pagkain.
BINABASA MO ANG
Quietus University (ONGOING)
AcciónQuietus University Isang paaralang madaming sekretong naka tago. Paano kung isang studyante ang papasok sa paaralang ito at ma tuklasan ang sekreto ng nakaraan? Paano nya haharapin ang mga taong nasa likod ng nangyaring patayan? Come and join me and...