Chapter 21: Secrets
Louie Point of View
Patuloy lamang ako sa pag ataki sa bawat taong mag tatangkang lumapit sa akin at di ako nagdadalawang isip na bawian sila ng buhay.
Muli kung ibaling ang aking atensyon sa paligid upang makita kung gano pa karami ang kailangan naming kalabanin.
Napansin ko di kalayuan sa amin sila Josh, Leo at pati narin si Tyler.
Kahit malayo ay napapansin ko parin ang pamumula ng mukha ni Tyler. Kung saan man nya ito nakuha ay alam kung deserve nya ito.
Muli kung ibinaling ang aking atensyon sa isang kalaban at mabilis na yumuko upang iwasan ang katana nito.
Mabilis akong umikot at inataki ito gamit ang hawak kung katana na dahilan kung bakit ito namatay at bumagsak sa lupa.
Muli akong umiwas sa isang ataki na hindi ko inaasahan galing sa kalaban kaya napa irap nalang ako sa kawalan.
Ibinaling ko ang aking atesyon sa taong nasa likod ng oag ataki sa akin at nakita ko ito di kalayuan sa akin.
Hinagis ko sa ere ang hawak kung katana at mabilis na sinipa ito sa hawakan at mabilis na bumulusok sa kinaroroonan nito.
Tinangka pa nyang sanggain ito pero masyadong malakas ang pwersa ng oag ataki ko kaya di nya ito nagawang pigilan.
Nabutas ang katawan nito dahil sa ginawa kung ataki at tumarak sa lupa ang katana ko.
Tumakbo ako sa kinaroroonan sinakal ito habang nag hihingalo.
"I already give my warning yet you still attack us? Die asshole. " huling sambit ko dito bago ko ito bitawan at pugutan ng ulo.
Tumutulong na rin ang tatlong makipag laban na kanina ay nakamasid lang sa amin na parang nanonood ng pelikula.
Ang brutal nilang pumatay dahil sinisigurado nila na hindi na ito mabubuhay.
Nagkalat ang mga parte ng katawan sa lupa. Mga bangkay na wala ng ulo at mga lamang loob na nagkalat sa paligid.
Ilang oras narin ang nakalipas simula ng mag umpisa ang laban namin at kalahati nalang sa mga kalaban ang natitira.
Dahil sa ginawang pag tulong nila Tyler ay mas napadali naming natapos ang laban.
Muli kung ibinaling ang aking atensyon kay Tyler at ngumite dito.
"Yuko" sigaw nito sa akin habang inihagis ang hawak nitong katana sa akin.
Yumuko ako gaya ng sabi nito at tinignan ang taong nag tangkang atakihin ako sa likod ng di ko nalalaman. Nakatarak sa katawan nito ang katanang ginamit ni Tyler sa pag ataki kanina.
Lumapit ako sa bangkay nito at binunot ang katana nito at muling ibinalik na kanya.
"Thanks"
Tumango naman ito sa akin kaya muli ko nang ibinaling ang aking atensyon sa paligid.
Nawala ang mga ngite ko sa labi ng maalalang may natira pa kaming isang kalaban.
Lumapit naman ang dalawa sa akin at ganun narin ang dalawang kasama ni Tyler.
"Muntik ka na naming makalimutan bruha" sambit ni Restie dito.
"Di talaga kami pumapatol sa babae kaya ipinapaubaya na namin siya sa inyo" saad ni Tyler at umupo sa may ugat ng puno.
"Tama ka Tyler. Ang babae dapat minamahal yan at di sinasaktan" saad naman ni Leo at tumabi kay Tyler.
BINABASA MO ANG
Quietus University (ONGOING)
ActionQuietus University Isang paaralang madaming sekretong naka tago. Paano kung isang studyante ang papasok sa paaralang ito at ma tuklasan ang sekreto ng nakaraan? Paano nya haharapin ang mga taong nasa likod ng nangyaring patayan? Come and join me and...