Chapter 12

21 1 0
                                    

Chapter 12: Welcome Back

Third Person Point of View

Lahat ng studyante ay nasa field upang saksihan ang parusang ipapataw kay Louie.

Mahahalata sa eskpresyon ng mukha ng ibang studyante na hindi sang ayon sa planong papatay dito pero wala nang makakapigil sa mga posibleng mangyari sa mga araw na ito dahil kontrolado at planado na ang lahat ng mangyayari.

Sa ginawang pag kakaisa ng council at superior ay wala nang makaka pag pabago sa desisyon nila at yun at tanging kamatayan lamang nito

Sa mga pangyayaring ay pansamantalang pinatigil muna ang klase upang masaksihan ng lahat ang karumal dumal na magaganap sa araw ding ito.

Ang pag dilim nang paligid ay parang nakikisabay sa hindi kanais nais mangyayari.

Lahat ng mga studyante ay nagkalat sa paligid upang saksihan ang magaganap na pagpaslang kay Louie.

Nag sisilbi itong aral sa mga taong nais na kalabanin ang mga council at superior dahil lahat ng studyante ay kontrolado nila sa loob ng paaralang ito.

Di kalayuan ay mapapansin ang apat na lalaki na halatang di kumbinsido sa plano ng mga nakakataas.

Lahat ay napasinghap ng harapang makita ang babae na papatawan ng kamatayan. Hawak ito sa mga kamay ng mga tauhan ni Aezzer na hindi man lang makikitaan ng emosyon sa mukha.

Maririnig ang malakas na hiyawan sa paligid pero sa kabilang banda ay makikita rin ang lungkot sa mukha ng iba pang mga studyante.

Tumayo ang Council na si Demon at nagsalita sa harap mismo ng entablado.

Ang superior at council ay nakaupo sa mismong gitna ng field at makikitaan ng taglay na lakas dahil sa kanilang posisyon.

Hindi maikakaila ang angking galing nila sa pakikipaglaban at mararamdaman mo rin ang bigat ng presensyang dala nila.

"Ngayong araw ay masasaksihan nyo ang pagkamatay ng babaeng nasa inyong harapan" saad nito at mabilis namang naghiyawan ang mga studyanteng nais mamatay ang babae.

"Walang puwang ang pagiging matapang mo dito sa paaralang ito  Ms. Yin dahil ang mga tulad lang namin ang dapat nyong katakutan" segunda nito ng nakangite.

Arogante at pagiging hambog ang makikita sa mukha ni Demon dahil sa posisyong hinahawakan nito sa organisasyon.

Tumingin lang si Louie kay demon ng naka smirk.

"Masyado kang nagtitiwala sa kakayahan mo Demon. Samantalang nagtatago ka lang naman sa likod ng mga tauhan mo" sabi nya ng naka ngite.

Mabilis namang napalitan ng galit ang mukha nito at mabilis na bumaba ng stage at sinampal ang babae.

Lahat ay naka saksi sa malakas na sampal na pinaka walan ni Demon dito.

"Wala ka sa lugar para pagsabihan ako ng ganyan at ang mga tulad mo ay dapat lumuluhod sa gaya naming makapangyarihan" nanggagalaiti nitong sabi.

"Kailangan ba na banggitin ko ang Quietus University para nasa lugar na ako?" Natawa naman ang lahat sa sagot nito.

Muling napalitan ng poot at galit ang mukha ni Demon at ikalawang pag kakataon ay naka tanggap na naman ng malakas na sampal ang babae.

"Bakla lang ang nananakit ng babae Demon" naka ngiteng saad nito.

At sa ikatatlong pag kakataon ay muli itong nakatanggap ng malakas na sampal.

Sa kabilang banda ay mabilis na naalarma ang mga kalalakihan lalong lalo na si Aezzer pero pigilan pinigilan sya ng kapatid nya.

Umupo naman ito at kinuyom ang kanyang kamao.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon