Chapter 9

23 1 0
                                    

Chapter 9 : Revelation

Shadow Point of View

Pinag mamasdan ko lang ang grupo ng mga taong naka hood habang  inaantay ang pag labas ko. Alam kung ako ang inaantay nila. Pero nanatili lang akong nakatago sa dilim. 

"I know your here Shadow" saad ni death sa malamig na tuno.

Alam kung nararamdaman nya ang presensya ko dahil kahit sino ay hindi makaka tago sa kanya dahil malakas ang pandama nito sa paligid.  

"Tsk. Wag ka ngang magtago duwag!" sigaw ni Draco sa kawalan.

Alam ko naman na alam ni Death ang kinaroroonan ko pero nag kukunwari lamang itong walang alam.

Hindi ko maintindihan kung bakit pero pinagsawalang bahala ko na muna ang mga iniisip ko.

"Naduduwag kana ba shadow" saad ulit ni Draco.

Lalamayan talaga to ng maaga. Tsk. 

Nag antay lang ako nang pagkakataon upang harapin sila. Alam kung sa gagawin kung ito ay maari kung ikamatay kaya pinag iisipan ko pa ng maayos ng magiging hakbang ko.

Dark Point of View

Kanina pa sigaw ng sigaw si Draco sa gilid ko at nabibingi na ako. Pero hindi man lang lumalabas ang shadow na sinasabi nila.

"Shadow lumabas kana. Nabibingi na ako sa katabi ko" sinamaan naman ako ng tingin ni Draco pero di ko na pinansin.

Totoo namang nakaka binge yung pag sigaw nya. Yung tipong pati mga estudyanteng natutulog ay magigising.

Sa ikalawang pagkakataon ay sumigaw na naman ako. Pero agad kong naramdaman ang shuriken na papunta sa akin.

Tsk! Akala ko ba si Draco ang kalaban nito? Bakit ako na ang trip nyang patamaan. Kung babae to, iisipin ko nang may gusto to sa akin.

Mabilis naman akong umiwas para hindi tamaan ng ataki ng kalaban.

"Shit" mahinang mura ko.

Hindi ba sya marunong mag warning para naman kahit papaano ay nakapag handa akong umiwas.

Nabaling ang atensyon ko sa madilim na parte ng lugar kung saan sya umataki at nakita ko ang anino nito na nanatiling nasa taas ng malaking puno at matalim akong tinitignan ng kanyang mata na nasisikatan ng konting liwanag ng buwan.

Natawa nalang ako sa naging reaksyon nya. Bakit ba kasi kailangan nasa taas ng puno palagi kung umaataki?

Ito ba mga trip ng mga tao dito sa school o may mga lahi lang talaga silang unggoy?

Third Person Point of View

Matapos ng ginawang pag ataki ni shadow ay muli naman itong umataki ng shuriken kay Draco at sa mga kasamahan nito pero mabilis naman nila itong naiilagan.

Mabilis na kumuha ng dagger si Draco at hinagis din sa kanyang kalaban pero mabilis lamang nya itong naiiwasan.

Pag katapos ng huling ataki ng sandatang kanilang binitawan ay nagharap ang dalawa at maalab ang titigan na pinupukol sa isat isa.

Nanatili lamang ang tauhan ni Draco sa gilid habang hindi pinapakialam ang dalawang mag katunggali.

Mabilis na naglaban ang dalawa gamit lamang ang kanilang mga kamay ng walang gamit na sandata.

Mahahalatang magaling ang dalawa sa hand to hand combat dahil sa angking bilis ng kanilang mga kamay.

Walang makapag sabing sino ang matatalo sa kanilang dalawa dahil wala pa silang galos na nakukuha sa kanilang laban.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon