Chapter 19

2 1 0
                                    

Chapter 19: Back

Tyler Point of View

"Hoy pangit" sigaw ko kay Leo dahil mukha syang timang habang dinidilaan yung kamay nyang may natirang pagkain.

Dumiretso kami sa bayan ng Quietus University pagkatapos ng nangyari sa loob ng gubat at upang makagala na rin at makalimot sa nangyari.

Dahil pansamantalang pinatigil ang pasok dahil sa nangyari ay naisipan nalang naming dumeritso dito.

Sorry agad Aezzer at hindi ako nakapag paalam sayo, alam kung pinaghahanap muna kami ngayon hahaha.

Malaki ang kabuuang sakop ng Quietus University pero tanging ang University lamang ang may malaking gate at di rin basta basta mapapasok ng mga tao na galing dito sa labas kung hindi studyante dito.

Gustuhin man ng ibang studyante na takasan ang University pero hindi nila magagawang ipahamak ang buong pamilya nila dahil lang sa kagustuhan nilang umalis dito.

Isa yun sa dapat na sundin ng mga studyante kung ayaw nilang mapahamak.

Hindi ganito ang pamamalakad ng Quietus University noong nabubuhay pa ang daddy namin. Bigla nalang mag bago ang lahat ng mawal si Daddy.

Bukod sa gate na nakapalibot sa University ay may pangalawang matatayog na pader pang nakalibot sa buong lugar na sakop ng University at tinatawag itong Death Land.

Hindi pa namin nalilibot ang Death land dahil sa lawak na kabuuang sakop nito.

Pwedi na rin itong matawag na bayan dahil kompleto na ito ng lahat ng mga gamit.

Hindi ko lubos maisip kung bakit isang buwan kaming walang pasok dahil lang may gagawin silang importanteng bagay.

Ganun na ba talaga ka importante yung gagawin nila?

Nanatili lamang kami sa University dahil isa yun sa mga rule na kailangan naming sundin. Habang hindi pa kami tapos sa kolehiyo ay mananatili kami sa lugar na ito.

Upang magtagal ka sa lugar na ito ay kailangan mo lang matutong ipag tanggol ang sarili mo.

Kanina pa ako nag iisip dito at muntik ko nang makalimutan na may kasama ako dahil wala man lang akong narinig na salita sa mga ito.

"Hoy pangit" sigaw ko ulit kay Leo habang dinidilaan parin yung kamay.

"Hoy pangit" sigaw ko ulit sa kanya at sa wakas ay naagaw ko rin ang atensyon nito.

"Josh tinatawag ka ni Tyler" saad naman nito sa nananahimik na tao sa gilid.

Nandamay pa talaga ang gago.

"Anong ako? Ikaw kaya" sagot naman nito pabalik sa kanya

"Sino bang ibang pangit dito bukod sayo?"

Naiinis na naman ako sa pag tatalo ng dalawa. Para akong batang ama na may dalawang palamuning anak.

"Pumunta nga kayong dalawa dito" tawag pansin ko sa dalawa.

"Ohh ano?" saad naman ni Josh sa akin habang kinakamot pa yung ulo.

"Umuwi na tayo dahil gabi na" saad ko sa kanila.

"Maya na Tyler. Hinihintay ko pa yung lalaking nag bebenta ng ice cream sa bandang yun. Hintay tayo konti at malapit na yung dumating" nagmamakaawa nitong sambit sa akin.

Aangal na sana ako pero bigla nalang tumunog ang bell ng ice cream at mabilis naman itong nawala sa harapan ko.

Natatawa ako sa kanya dahil talagang nakikipag unahan pa syang pumila sa mga bata. Napa upo nalang kami ni Leo dahil sa pagiging isip bata nito.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon