For your Information!
Update is every day in the afternoon! So stay tune!
Enjoy reading!
Chapter 11 : Plan
Tyler Point of View
Ang astig pala ni Louie makipag laban at pati guro namin ay walang sinabi. Natawa ako sa mga nangyayari ngayong araw dahil dalawa na naman ang nawalan ng buhay.
Hindi na bago sa University ang mga patayan kaya dapat pa ba kaming kabahan?
Nasanay na kami sa mga patayang nangyayari araw araw kaya wala nang kakaiba sa nangyayari ngayon.
Napaisip naman ako kung anong posibleng parusang kakaharapin nya at hindi imposibleng kamatayan ang magiging kapalit ng pag patay nito.
Hindi talaga maikakaila na kamatayan ang kapalit sa ginawa nya dahil isa yun sa batas na sinusunod namin dito.
Kahit kami ni Aezzer ay hindi pinag aaksayahan ng oras ang gurong yun dahil alam naming bawal pumatay ng guro dito sa University. Pwede pa sana kung classmate lang pero ibang usapan na kung guro na ang pinatay.
Alam kung dumating na sa mga council ang mga nangyari ngayon kaya ito siguro ang dahilan kung bakit kami pinapatawag ngayon.
Kaming apat ngayon ang pupunta ng Head quarters at mga ilang oras din ang nilakad namin bago nakarating sa mismong head quarters namin.
Agad kaming sinalubong ng 5 Warriors of Death na tinaguriang isa sa pinaka magaling na killer ng paaralang ito at lahat sila ay mga tauhan ni Death.
Ang nagpapatupad ng batas dito ay ang mga Council at Superiors na isa sa mga kinakatakutan ng mga estudyante.
Pagkarating namin sa loob ay bumungad sa amin ang tensyon sa pagitan ng council at superior.
Halatang seryoso ang pinag uusapan ng apat na tao sa isang mesa kaya hindi nila agad napansin ang pag pasok namin.
Kabilang na dito si Council Demon, Council Jake, Superior Blake at superior Cris.
Nung maramdaman nila ang presensya namin ay mabilis din kaming pinaupo sa bakanteng upuan.
Demon is Samantha's father kaya madali nyang nagagawa ang mga gusto nya.
Ang daddy namin ni Aezzer ay dating membro ng Organisasyon pero pinatay ito ng isang taong hanggang ngayon ay hindi namin kilala.
"Hindi na natin dapat palagpasin ang nangyari kanina dahil marami na syang mga nalabag na batas sa paaralang ito" sambit ni Demon na halatang galit na galit.
"Masyado ng lumalabag sa batas ang babaeng tinutukoy nyo kaya hindi na natin dapat pinag bibigyan ng pagkakataon" segunda naman ni Jake.
Sila ang dalawang taong pumapataw ng parusa samantalang ang mga superiors ang nag aaproba ng kanilang parusa. Tumatango naman ang dalawang superior habang nakikinig sa sinasabi ng dalawa.
"Dapat ngayon palang ay ipadakip na ang babaeng yan at hatulan ng kamatayan" saad ni Superior Blake sa seryosong tuno.
"Sang ayon ako sayo superior Blake. Dapat patayin ang isang tulad nya para hindi na pamarisan" sambit naman ni jake dito.
"Nais ko sanang gawin ang pagpataw sa kanya ng kamatayan mamayang tanghali at sa harap mismo ng lahat ng estudyante" segunda naman ni Superior Cris.
Nanatili lamang ang mga tauhan nila sa sulok ng kwarto ng head quarters namin habang nakikinig sa kanila.
Ng mapansin ang presensya namin ay sinenyasan nya kaming apat na lumapit.
BINABASA MO ANG
Quietus University (ONGOING)
AksiQuietus University Isang paaralang madaming sekretong naka tago. Paano kung isang studyante ang papasok sa paaralang ito at ma tuklasan ang sekreto ng nakaraan? Paano nya haharapin ang mga taong nasa likod ng nangyaring patayan? Come and join me and...