Chapter 16

10 1 0
                                    

Chapter 16: Hidden

Someones Point of View

"Nasaan ako? Bakit ako nandito?" Na iintriga kung tanong sa taong nasa harapan ko.

Nanatili lamang itong naka ngite na hindi ko alam ang dahilan. May nakakatawa ba sa mukha ko?

"Sino po kayo? Ano po ang nangyari? At bakit ako nandito?" Tanong ko ulit dito dahil hindi nito sinagot ang nauna kung katanungan.

"Wag kang mag alala iha! Ligtas ka dito! Salamat at nagising kana sa mahabang pagtulog!" Sagot nya sakin pabalik na nananatili paring naka ngite.

Hindi ko alam ang lahat nang mga nangyari at ramdam kung may bahagi ng aking mga alala na nawala.

Anong sinabi nyang nagising na ako sa mahabang pagtulog? Sira na ba ulo nya? Bakit naman ako matutulog ng ganun katagal gaya ng sinasabi nya?

Pinag sawalang bahala ko na muna ang mga sinabi nito at hinayaang pakalmahin ang sarili ko upang alalahanin ang mga nangyari sa akin.

Malalim akong bumuntong hininga at saka muling ibinaling ang aking atensyon sa kanya.

"Sino po kayo?" Tanong ko ulit dito.

Kahit nahihiwagaan ako sa mga sinasabi nito ay nararamdaman ko parin na mabuti itong tao.

"Im Eli at pwede mo rin akong tawaging tita kung gusto mo at tungkol naman sa nangyari sayo ay mamaya na natin pag usapan, kumain ka muna upang mabawi ang nawala mong lakas" mahabang sambit nito sa akin.

Patuloy parin ako sa pag iisip ng maaring dahilan kung bakit ako nandito at pilit inaalala ang nakaraan pero kahit isang katiting na alala ay wala akong maalala.

"Wag mo munang pwersahin ang isipan mo iha! Wag kang mag alala dahil sasabihin ko sayo lahat kung sino ka at kung saan ka nang galing"

Kahit papaano ay naka hinga ako ng malalim sa sinabi nito. Hindi lang ako mapakali dahil baka sa tagal ng pag tulog ko gaya ng sinasabi nya ay may pamilyang nag aantay sa akin.

Hindi ko man naiintidihan ang mga nangyayari ngayon pero pinag sawalang bahala ko na muna ito.

Kung mahabang panahon akong tulog edi ibig sabihin nito ay wala akong ligo?

Inamoy ko naman ang sarili ko at di naman ako ganun kabaho.

"Oh alam ko na yang iniisip mo. Hali ka munat kumain bago maligo" Saad nito sa malambing na tuno.

Magaan ang loob ko dito kahit hindi ko pa ito lubusang kilala at wala namang masama kung mag titiwala ako pansamantala dito.

Sumunod naman ako dito na papunta sa kanyang maliit na kusina. May nakahanda na ditong mga pagkain kaya umupo na ako sa bakanting upuan upang mag umpisang kumain.

Ngayon ko lang naramdaman ang gutom simula ng pag gising ko kaya hindi ko na inalintana ang pag tingin nito sa akin habang kumakain"

Nang hindi na kumakalam ang aking sikmura ay muli ko itong hinarap.

"Kayo lang po ba ang tao dito?" curious kung tanong sa dito.

Wala kasi akong nakikitang ibang tao bukod sa amin. Maaring may mga anak ito na nasa labas o baka kami lang talaga ang taong nakatira sa lugar na ito.

"Oo iha ako lang ang taong narito" sagot nito sa akin

"Bakit dito po kayo tumira sa pinaka sulok ng kagubatan? Hindi na po kasi ito halos inaabot ng sinag ng araw dahil sa kapal ng mga dahon ng mga puno" tanong ko ulit dito.

Quietus University (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon