Chapter 6 : Saved
Camilla Point of View
Napamura ako ng malutong dahil ramdam ko ang sakit ng mukha ko na di ko pa lubusang maalala kung saan ko nakuha.
Anyway i am Camilla Lei Anderson, just an ordinary students here in Quietus University.
Bumalik ako sa katinuan at patuloy na pinapakiramdaman ang sakit ng aking katawan.
Bakit nga ba lamig kagabi? Wala naman kaming aircon dito sa sala. Para na akong magiging yelo dahil sa ginaw na nararamdaman.
Ano bang nangyari? Bakit ako nakahiga sa semento?
Ang laki laki ng kwarto ko dito ko pa talaga naisipang matulog. Natigil ako sa pag iisip ng mag flashback sa utak ko ang lahat ng nangyari.
Napa smirk nalang ako ulit ng maalalang sinuntok pala ako ng kasama ko dito sa loob ng dorm. Ginulat ko lang naman sya dahil nakatulala sya at bilang kapalit ay isang malakas na suntok ang natanggap ko tsss.
Ang siga naman pala ng babaeng yun. Pagkatapos kung mag drama ay tinignan ko ang oras at pasado alas 2 na pala ng madaling araw.
Tumayo na ako dahil baka magkakasakit pa ako ng wala sa oras. Pupunta na sana ako sa loob ng kwarto ng biglang bumukas ang pintuan ng di ko inaasahan.
Napa taas naman ang dalawa kung kilay dahil sa nakita.
Ano ginagawa nya sa labas ng ganitong oras?
Tinitigan ko lang sya ng mapanuri at nakipag titigan din naman ito sakin nang walang ka emo-emosyon. Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa kisame dahil ang sama ng awramg nararamdaman ko sa babaeng ito.
Sa mga titig palang na pinapakita nito ay alam kung hindi na gagawa ng mabuti.
"Buti at nabuhay ka pa?" sabi nito sa akin habang naka smirk.
Shit maganda sana kaso ang sama nya sa akin. Di ko nalang ito pinag tuunan ng pansin at pumasok na sa kwarto ko. Napag isip isip ko rin na bukas na ito kausapin dahil ramdam ko ang init ng ulo nito, baka masuntok na naman ako ng wala sa oras.
Bumalik na ulit ako sa pag kakahiga at hinayaang dalawin ulit ng antok.
Louie Point of View
Agaran akong napa balikwas at tinignan ang oras.
Shit. Dali dali akong tumayo at naligo. Mga ilang minuto lang ay natapos din ako. Pagkalabas ko ng aking kwarto ay may nakahain nang pagkain.
Mmm siguro nag luto na yung babae. Kumain lang ako ng konti at saka hinanda ang mga gamit ko. Papalabas na sana ako ng pintuan ng bigla akong tawagin nung babae .
"Hoy! Intay, sama naku sayo" sigaw nya habang nagmamadaling lumapit sa akin.
Nakasunod lang sa akin yung babae habang ang dal dal. Camilla yata yung pangalan nya.
Bakit ba sunod ng sunod to sa akin? Ito din yung babaeng dumalaw kay Restie sa clinic kaya natatandaan ko pa itsura nya.
"Hoy! Magsalita ka naman dyan para ka namang pipi ehhh"
"Bakit ba ang dal dal mo?" sabi ko sa kanya.
"Masanay kana ganito talaga ako" sabi naman nya in a cheerful tone.
Mag one week na pala ako dito pero ngayon lang sya nagpakilala. Dahil sa mga pinagsasabi nya ay di ko na namalayan na nandito na pala ako sa harap ng pintuan.
Tinignan ko naman sya ng nakataas ang kilay dahil nasa room na ako. Ano pang gusto nya? Ihatid ko sya sa room nya? Nah. Bahala sya.
Tumawa lang ito sa akin na parang baliw.
BINABASA MO ANG
Quietus University (ONGOING)
ActionQuietus University Isang paaralang madaming sekretong naka tago. Paano kung isang studyante ang papasok sa paaralang ito at ma tuklasan ang sekreto ng nakaraan? Paano nya haharapin ang mga taong nasa likod ng nangyaring patayan? Come and join me and...