Simula

392 66 5
                                    

"Aurora, isama mo naman ako sa mga plano mo... Kasi yung buhay ko nakaayon lang sa'yo eh. Hirap na hirap na akong ipagsiksikan ang sarili ko kasi hindi ko alam kung parte ba ako ng mga plano mo," tila bibigay na ko sa itsura ng binata sa harap ko. Unti-unti itong nanghina at lumuhod sa aking harapan, I can now feel his tears on my feet.

Pilit ko siyang itinayo.

"Please, let's stop this. Wala akong choice, gustuhin ko man na sa'yo umikot lahat ng plano ko pero hindi pwede eh, kahit gustuhin ko man. Kahit na gustong gusto ko. This thing between us? It shouldn't happen. It's my fault na hinayaan kong magpatuloy ito," bumaba na rin ako sa lebel niya kasabay nang pagbagsak ng mga luhang kanina ko pa itinataboy.

I reached for his hands, "Lahat nakadepende dito, si mommy, ang publication... at ikaw."

"But how about you, Aurora? Isipin mo naman sarili mo!"

"When I liked you, I never thought twice! Kasi kahit patago, kahit bawal at kahit hindi sigurado," his voice cracked. "I risked everything kahit alam kong pagpinili kita'y marami akong kailangang sagasaan, mahirap pero gagawin ko. Hindi ko magawang tignan lahat ng magiging kapalit, kasi wala eh, sa'yo lang ako nakatingin and I don't mind risking everything for you!"

It was like a sort of flashback in my mind.

Seeing him right in front of me after all those years is the least thing I wanted to happen after everything, but it looks like life is messing around with me.

Mabilis niyang inilahad sa akin ang librong hawak niya without even speaking. I felt like I was just a stranger to him. Wala na akong epekto sakanya pero siya'y meron parin sa akin. Hindi ko alam na may ibibilis pa pala itong tibok ng aking puso.

"My girlfriend is a fan of yours, can you sign the book for her?" Parang sampal sa akin ang mga sinabi nito. Pinilit kong ngumiti habang nagpipigil ng aking luha.

Hindi ako pwedeng magmukhang kawawa sa harap niya because this is what I wanted. Mabilis kong pinirmahan ang libro niya at agad rin itong umalis.

I have to accept it. At least he's successful and safe after all those years so it's definitely worth it.  He became what he wanted himself to be. If I will be on that scenario again, I will still choose to do the same decision.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon