Kabanata 33 - Inaanak

38 2 0
                                    

"Tita Mommy, wake up!"

Nagising ako dahil nagtatatalon si Jasper sa aking kama. He's the four year old son of Jasmine. Brylle and I promised him that we'll bring him today to his summer class and then to the mall afterwards.

"Okay, baby Japs, but can you please stop jumping," sabi ko at hinawakan ang kamay nito upang mapahinto ito.

I really like calling him baby Japs, ako kasi ang nagbigay ng nickname na 'to at siyempre, from The Juans 'yan.

"I'm excited today, Tita Mommy!" Masayang sabi nito at niyakap ako.

I really miss this child dahil sa States ito nakatira dati. I just saw him personally before for four times, ang una ay 'yong ipinanganak siya... and every birthday niyo. We just have constant communication with them through facetime kaya malapit parin kami sakanya.

Nakarinig kami ng katok, "Japs, baba na muna tayo so that Tita Mommy can prepare." Utos ni Brylle at agad ring tumakbo ang bata papunta sa kanya.

I think Jasper is a blessing in disguise because it brought their family closer. At natutuwa rin ako dahil Brylle is so fond of him.

Naligo na ako at naglight make-up, I'm just wearing a jumpsuit and I paired it with my sandals. Bumaba na ako at doon nakitang kumakain ang pamilya. My parents really likes Jasper as well, wala pa rin kasing bata sa pamilya.

"Iba talaga ang nagagawa ng may baby sa bahay," sabi ni mommy na tila nagpaparinig.

"Edi gumawa kayo ni daddy," simpleng sagot ni kuya kaya't natawa kaming lahat. He's acting so defensive.

"How are you and ate Joyce?" Taas-kilay kong tanong sakanya. Agad lang itong umiling. Ewan ko ba dito kay Kuya ang bagal pa rin. He's getting old! Hindi ko alam kung ano pang hinihintay nito.

Ang breakfast talk namin ay umikot lang sa usaping bata kaya napuno kami ng tawanan. After eating ay umalis na rin kami nila Brylle dahil baka malate si Japs sa kanyang summer class.

Habang nakikitang nakikipaghalubilo si Jasper sa mga kaklase ay masasabing mas mature ito. He knows how to communicate and play with others. Jasper is really ahead sa mga ka-age niya, he's a smart kid.

Kaya rin siya pinag summer class ay para mai-ready siya sa pakikisalamuha sa ibang bata, since this school year is his first year to go to school. Nagdo-drawing ngayon ang mga bata at panay ang kaway sa amin ng inaanak ko. I lose count of his waves.

Napatayo kami nang bigla itong lumabas ng room he is now showing us his drawing. "Wow!" I exaggeratedly said. Tuwang-tuwa ang bata.

"W-who's in your drawing, Japs?" Hirap na sabi ko dahil napansin kong lima ang nasa drawing. I hope hindi tama ang naiisip ko.

"This is you! Tita Mommy, Tito Daddy, Mama, Baby Japs and... Papa." He said and his smile left his face.

"Papa loves me right?" Malungkot na tanong nito. Nagkatinginan kami ni Brylle but we both tried to smile. Kinandong niya si Japs.

"Of course Japs, your Papa loves you," he assured him. Ngumiti na muli ang bata at tumakbo pabalik sa klase. Nagpagalagala ito sa classroom and he kept on showing his drawing to them. He's very proud of his papa.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon