Kabanata 34 - Reasons

24 1 0
                                    

"Finally!" Masayang sabi ni Mary and as she hugged me the moment I entered the room.

Nagsisimula na silang uminom. The three of them are occasional drinkers, ako naman ay hindi talaga mapipilit uminom. Tamang lemonade lang madalas so my usual role here ay ang mag-asikaso sa kanila.

Marami kaming napagkwentuhan, mga usual rants namin sa mga kanya-kanyang trabaho para kahit papaano ay makapag-vent ng problems.

Ngayon naman ay lovelife ang pinag-uusapan namin. "I don't know, he's just so romantic," nakangiting kwento ni Ruth sa kanyang manliligaw ngayon.

"Sana all! The last time I've read love letters ay noong highschool pa, ngayon puro sulat na nang reklamo ng mamamayan!" Naasar na sabi ni Mayora Jamie.

"Same! Ako naman puro reports lang natatanggap," natatawa kong komento at sabay-sabay naman kaming napatingin kay Mary na uminom lang.

"Ayoko nang magsalita dahil masyado akong maraming natatanggap na letters," mayabang na sabi nito. Naniniwala naman ako dahil she's the prettiest among the four of us at pinakakilala na rin dahil isa siyang beauty queen.

"Maraming natatanggap pero walang sumeseryoso," hirit ni Jamie kaya sinimangutan siya nito.

"Why don't you just date Brylle," pahambing kong sabi at inirapan niya ako. "Just try lang kasi! One date!"

Ilang beses ko na rin kasi itong pinipilit na makipagdate kay Brylle, malay ninyo!

"Mahina ka na ata sa boys, Mary..." pang-aasar ni Ruth kaya mas lalo itong napikon.

"Fine!" Hiyaw nito at napapalakpak kaming tatlo. Finally napapayag rin ito!

Buti nalang nasa VIP room kami kundi makikita ang mga kalat na ginagawa ng mga 'to.

"Hey, Jon and his teammates are in the other room," sabi ni Jamie kaya lahat kami ay nagulat.

"Have you seen him already?!" Tanong agad ni Mary sa akin at tumili ito nang makitang tumango ako.

"So may something na ba?" Nakangising sabi ni Ruth at umangal sila nang umiling ako.

"He seems angry at me," simple kong sagot kaya pinilit nila akong magkwento. I told them the moments we bump into each other, nabanggit ko rin ang mga cold conversations namin.

Natigil ako sa pagkekwento nang may kumatok at lumapit sa aking bouncer, "Miss A, kanina pa po kasi may nagwawalang lalaki sa labas, kayo daw po ang hanap. Nasa labas na po siya ng bar."

Kabado akong tumayo. Sino kaya iyon? Agad rin akong nag-ayos at hindi ko na pinasama ang mga kaibigan. Napakabilis ng tibok ng puso ko habang ako'y naglalakad.

Pagkabukas ko ng pinto ay kasabay rin nito ang pagbukas ng katapat na pinto. Nagkatinginan kami ng taong lumabas. It was Jon.

"Please, Aurora, let me talk to you!" Sabay kaming napatingin sa pinanggagalingan ng boses. Tumikhim lang ang binata at umalis.

Agad akong lumabas ng bar at doon tumambad sa akin si Jerome. Nagwawala na ito at hawak siya sa magkabilang braso ng mga bouncer. I instantly signaled them na bitawan ito at mabilis siyang lumapit sa akin. Tinuro ko ang dulong part ng parking lot upang doon kami mag-usap.

"Are you drunk?" Agad kong tanong at hinawakan niya ang aking kamay. Nakayuko ito at patuloy na umiiyak. "Hey, are you okay?"

"Tinago mo rin ba sa'kin? Please tell me you don't know." Galit na sabi nito.

My heart is pounding too much because of fear. He already knows it. Ito ay isa sa mga araw na kinatatakutan ko.

Patuloy ang pagbulong niya sa akin ng mga impormasyong estranghero sakanya. Napayuko lang ako dahil I'm guilty of everything.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon