Kabanata 5 - Kasunduan

118 37 3
                                    

Magkakaroon kami tonight ng isang formal family dinner dahil may mahalaga daw kaming pag-uusapan ng mga Ocampo. Alam ko na kung ano ang paguusapan namin. It was five years in the making and even though I prepared myself enough for this ay hindi parin mawala ang kaba sa akin.

"Tita!" Bumati muna si Jerome kay Mommy at pagkatapos ay kay kuya.

Bumaling na ito sa akin, "Babe! Are you feeling better now?" Punong puno ng pag-aalala ang boses nito kaya't agad akong tumango. Lumapit na ito sa akin upang yumakap.

"Yes... I had ample time to take some rest kanina," I smiled to assure him that I'm okay.

Kumapit na ako sa kanyang braso and we slowly walked inside. Nakarating na kami sa kanilang dining table at agad din kaming sinalubong ng mga Ocampo. Naka-pormal na ayos ang lamesa nila at kumpleto pa ang mga kagamitan.

"Good evening tito, tita," I greeted Jerome's parents. They have been treating me nice kaya't magaan na ang loob ko sakanila.

"Good evening, take a seat," ani ni Tito Renz. Madalas na rin kaming nagdidinner dito kaya't nasanay na ako sakanila, maliban nga lang sa isa. Iginiya ako ni Jerome sa kabilang side and he pulled a chair for me. Katabi ko si Kuya sa kabilang side at katapat naman namin si Mommy, seating beside Tita Via.

"Seems like everyone's here. Let's start the dinner." Seryosong sabi ng kararating palang na si Mr. Raul. Even after all this years ay hindi parin nawawala ang takot ko sakanya.

"You're turning eighteen this August, am I right Aurora?" I was caught off guard. I know what he's pointing to but I didn't expected that he'll announce right away, we just started eating dinner!

"Yes po," pilit kong sagot at tsaka itinago ang aking mga kamay sa ilalim ng mesa dahil pinagpapawisan na ito sa kaba.

"Jerome, did you tell her the plans?"

"Plans?" Nagtatakang tanong ko kahit na alam ko na ito. I learned to act as well. Being exposed to this family for years taught me more to conceal my emotions at magpadala nalang sa gusto nila.

Ito na rin siguro ang isang malaking kapalit ng paghingi namin ng tulong sakanila. It was long overdue. Nasanay na rin ako after all these years. Since sila ang tumulong, nasa kanila ang desisyon. We don't have any say. Alam kong malaki ang naitulong nila sa amin dahil ang makita palang na matayog ang Spike ay isang ebidensiya na. Pero hindi ko maiwasang maramdaman ang panliliit nila sa amin. Alam kong nararamdaman ito ni mommy at kuya pero wala silang magawa at hindi rin naman sila nagrereklamo.

What makes me feel so small is that they never considered our opinions. Parang we are supposed to say "yes" na lang sa lahat. Gustuhin ko mang umayaw pero kung iisipin ko palang ang utang namin sa kanila ay tila hindi ko na ito kakayanin. It sucks right? But I don't have choice.

Alam kong pagbinitawan nila ang Spike ay maaari itong bumagsak agad dahil hindi nito kakayanin mag-isa. Even though I hate my dad ay hindi ko parin maaatim na mawala ang publication.

"Aurora, since you're turning eighteen, it's time to have your engagement party. Isasabay siya sa debut mo," seryosong sabi ni Tito Renz na tila ina-update nalang ako.

"E--engagement party po?"

"Yes, ikaw nalang naman iha ang inaantay nating dumating sa legal age, since Jerome turned 18 na last month," nakangiting sagot ni Tita Via sa akin.

"Do you have any objections to this, Aurora? Di na natin dapat patagalin 'to. We've been helping your publication for the past five years," seryosong sabi sa'kin ni Mr. Raul. Mabilis akong umiling.

Here he goes again using the publication again as his winning card. Alam na alam nito na hindi hahayaan ng nag-iisang anak ni Timothy Ynez na mawala ito. Hi dad, I'm being selfless again. Hindi na kita matawag na selfless, 5 years na... You have been so selfish but I still... Long for you.

Unplanned Love - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon